Illegal mining ops sa Misamis Oriental, nabisto ng DENR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang 18 indibidwal kabilang ang limang Chinese nationals sa ikinasang joint raid ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), katuwang ang Mines and Geosciences Bureau, National Bureau of Investigation (NBI) North Eastern, at Philippine Army 4th Infantry Division sa isang illegal mining operation sa Misamis Oriental.

Nakumpiska sa site ang ilang heavy equipment gaya ng backhoe na ginamit para hukayin ang lugar.

Ayon sa DENR, nasa tinatayang 7.6 ektarya ng lupain sa bahagi ng Iponan River sa Opol, Misamis Oriental ang napinsala dahil sa iligal na pagmimina.

Makikita rin sa satelite imagery ang malalaking uka sa lupa at ang pagkasira ng kagubatan dahil sa operasyon.

Nasa kustodiya na ngayon ng NBI North Eastern Mindanao Regional Office sa Capitol Compound, Cagayan de Oro City ang mga suspek na nahaharap sa patong patong na kasong may kaugnayan paglabag sa environmental laws, kabilang dito ang Republic Act (RA) 7942 o ang Philippine Mining Act, RA 9275 o ang Philippine Clean Water Act, at Presidential Decree 705 o Forestry Code of the Philippines.

Kasunod nito, nanawagan naman si DENR Secretary Antonia Loyzaga sa iba pang concerned government agencies, stakeholders at mga komunidad sa Iponan River na paigtingin ang mga hakbang upang masawata ang illegal mining operations sa lugar.

“I am calling on concerned government agencies, other stakeholders and the communities along the Iponan River and elsewhere in the country to take consistent active measures to combat illegal mining operations in their area,” panawagan ng kalihim.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us