Nasa 11, sugatan matapos tumagilid ang isang trak ng bumbero Parañaque City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 11 ang kumpirmadong nasugatan matapos tumagilid ang isang trak ng bumbero habang rumeresponde sa sumiklab na sunog sa Brgy. San Antonio, Parañaque City, ngayong araw.

Ayon sa Parañaque City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), pawang mga fire volunteer ng Tiger Kabalikat galing sa Pasay City ang nasugatan.

Nabatid na tinatahak ng nasabing trak ng bumbero ang kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue nang may iniwasan itong gutter, dahilan upang tumagilid ang trak at tumilapon ang mga sakay nito.

Sinasabing tatlo sa mga ito ang nabalian sa iba’t ibang parte ng katawan, may dalawang nawalan ng malay habang ang iba ay isinugod naman sa Ospital ng Parañaque 1 upang lapatan ng agarang lunas.

Samantala, alas-3:04 ng hapon nang ideklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na Fire Under Control ang sunog sa Linotype Hontiveros Compound, fourth estate sa nasabing lungsod,

Alas-12:50 nang sumiklab ang nasabing sunog na itinaas pa sa ika-4 na alarma.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga operatiba ng BFP hinggil sa dami ng mga apektadong kabahayan, sanhi ng sunog gayundin ang halaga ng pinsalang iniwan nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us