Anti-Crime Watch, nag-alok ng pabuya para sa ikakahuli ng mga pumatay sa kanilang miyembro sa Antipolo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-alok ng P100,000 pabuya ang Citizen Crime Watch (CCW) para sa sinumang makapagtuturo sa mga salarin na pumatay sa dalawa nilang miyembro, sa Antipolo City kamakailan.

Ayon kay Diego Magpantay,CCW National President, nais nilang mapabilis ang paglutas sa kaso at mabigyan ng hustisya ang pagpatay kina James Torres Anselmo, Chairman ng CCW at Benjamin Natividad.

Pasado alas-12 ng tanghali noong May 16, nang tambangan ang mga biktima sa Barangay Cupang, Antipolo City habang magkaangkas sa motorsiklo.

Basta na lamang silang pinagbabaril ng dalawang di kilalang lalaki na bigla na lang sumulpot sa lugar.

Kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawa na agad nilang ikinamatay.

Sinisilip ngayon ng Antipolo City Police, ang anggulong may kinalaman sa awayan sa lupa ang posibleng motibo sa krimen. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us