6 na pulis sa Cebu kabilang ang station commander, sibak sa pwesto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinibak sa pwesto ang anim na tauhan ng Police Station 4 sa Marigondon, Lapu Lapu City, Cebu dahil sa umano’y panggugulpi sa isang criminology student.

Sa isang pulong balitaan sa Camp Crame, kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson, Police Brigadier General Jean Fajardo na agad ipinag-utos ang pansamantalang pag-alis sa pwesto sa mga pulis matapos magreklamo ang biktima na isa ring criminology student.

Ayon kay Fajardo, kabilang sa mga inalis sa pwesto ang station 4 commander na isang police major, chief clerk, desk officer, sarhento, patrolman at imbestigador.

Batay sa impormasyon ng PNP, nag-ugat ang insidente matapos madawit umano sa pagnanakaw ang biktima sa binabantayan nitong bahay kung saan siya ay caretaker.

Dito na inaresto ang biktima at pilit umanong pinaaamin habang sinasaktan sa pamamagitan ng pamamalo ng arnis at pananampal.

Sinabi ni Fajardo, na itinatanggi naman ng mga idinadawit na pulis na nagkaroon ng pananakit

Pero upang hindi aniya maimpluwensyahan ang imbestigasyon, kinailangan munang alisin sa pwesto ang mga nabanggit na pulis. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us