Sorsogon Bishop Emeritus Arturo Bastes, SVD, DD pumanaw na sa edad na 80

Nagdadalamhati ang Simbahang Katolika sa pagpanaw ni Most Reverend Arturo M. Bastes, SVD, DD, Bishop Emeritus ng Sorsogon, na pumanaw sa edad na 80. Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippine (CBCP) sa pamamagitan ng CBCP News, mapayapang pumanaw si Bishop Bastes 6:30 ng umaga ngayong araw ng Linggo, Oktubre 20. Wala pang inilalabas… Continue reading Sorsogon Bishop Emeritus Arturo Bastes, SVD, DD pumanaw na sa edad na 80

Ilang bahagi ng NLEX, isasara sa mga motorista simula bukas

Simula bukas, isasara sa mga motorista ang ilang bahagi ng North Luzon Expressway para bigyang daan ang gantry installation works. Sa abiso ng NLEX Corporation,apektado ng closure ang 100 meter lane ng Balagtas Northbound Lane 1 bago ang NLEX Tabang Exit Ramp. Sisimulan ang pagsasara sa daan ng alas-9:00 ng umaga, Oktubre 21 hanggang alas-5:00… Continue reading Ilang bahagi ng NLEX, isasara sa mga motorista simula bukas

Ilang bahagi ng Pau Bridge at Angat bridge, isasara sa mga motorista,ayon sa NLEX

Simula sa Lunes, Oktubre 21 hanggang 26, isasara sa mga motorista ang may 300 meter lane ng PAU Bridge Southbond ng North Luzon Expressway. Matatagpuan ang apektadong lane pagkatapos ng San Matias River Bridge. Sa abiso ng NLEX Corporation, ang pagsasara ng bahagi ng tulay ay para bigyang daan ang safety repair works. Kasabay nito… Continue reading Ilang bahagi ng Pau Bridge at Angat bridge, isasara sa mga motorista,ayon sa NLEX

Konstruksyon ng 6.89-km slope protection structure inaaasahang magbibigay proteksiyon kontra baha sa mga barangay sa Taguig City

Inaasahang pagsapit ng 2025 ay matatapos ang isinasagawang proyekto ng Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH-NCR) para tugunan ang problema ng erosion at pagbaha sa walong barangay sa Lungsod ng Taguig. May habang 6.89 na kilometro ang slope protection structure project na babaybay sa C6 Open Channel upang bigyang proteksyon… Continue reading Konstruksyon ng 6.89-km slope protection structure inaaasahang magbibigay proteksiyon kontra baha sa mga barangay sa Taguig City

Higit 2.4 milyong biyahero, inaasahan ng PITX sa Undas 2024

Inaasahang aabot sa bilang na higit sa 2.4 milyong biyahero mula Oktubre 21 hanggang Nobyembre 5 ang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa paggunita ng mga Pilipino sa panahon ng Undas 2024. Ayon sa pamunuan ng PITX, inaasahan nitong pinakamaraming dadagsang pasahero sa mga petsa ng Oktubre 30 at 31 sa bilang na… Continue reading Higit 2.4 milyong biyahero, inaasahan ng PITX sa Undas 2024

PH at Thailand, nagtipon sa isinagawang 6th Joint Commission for Bilateral Cooperation

Pinangunahan nina Philippine Secretary for Foreign Affairs Enrique​ Manalo at Thai Foreign Minister Maris Sangiampongsa ang pagsasagawa ng ika-6 na Philippines-Thailand Joint Commission for Bilateral Cooperation (JCBC) kung saan natalakay ang iba’t ibang uri ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Ang​ JCBC ngayong taon ay nagmamarka rin sa ika-75 anibersaryo ng pormal na diplomatikong… Continue reading PH at Thailand, nagtipon sa isinagawang 6th Joint Commission for Bilateral Cooperation

DHSUD, hinikayat ang CREBA na palakasin pa ang suporta sa 4PH program

Hinimok ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang mga miyembro ng Chamber of Real Estate Builders’ Association Inc. (CREBA) na palakasin pa ang kanilang suporta sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng pamahalaan. Ginawa ni Acuzar ang panawagan sa ginanap na Taunang Pambansang Kombensiyon ng CREBA sa… Continue reading DHSUD, hinikayat ang CREBA na palakasin pa ang suporta sa 4PH program

9,000 Bicolano, kasama sa Walang Gutom Program ng DSWD

Halos 9,116 pamilya mula sa Bicol Region ang nakinabang sa Walang Gutom Program (WGP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang mga benepisyaryong ito ayon kay DSWD Field Office 5 – Bicol Region WGP Coordinator Sherryl Lofamia ay nagmula sa mga lalawigan ng Sorsogon at Camarines Sur. Nakatanggap sila ng electronic benefit transfer… Continue reading 9,000 Bicolano, kasama sa Walang Gutom Program ng DSWD

Kaso ng leptospirosis, tumaas ng 16% mula January 1 hanggang October 5 ngayong taon

Umabot na sa 5,835 ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis mula January 1 hanggang October 5. Ayon sa Department of Health, 16% na pagtaas mula sa 5,050 cases ang naiulat sa parehong panahon noong nakaraang taon. Ayon pa sa DOH, tumaas ang kaso sa lahat ng rehiyon sa nakalipas na tatlo hanggang apat na… Continue reading Kaso ng leptospirosis, tumaas ng 16% mula January 1 hanggang October 5 ngayong taon

2,500 trabaho, naghihintay sa mga Manileño ngayong araw

Tinatayang aabot sa 2,500 job vacancies ang naghihintay ngayong araw, Oktubre 19, sa mga Manileño job seeker sa pagpapatuloy ng “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair”. Ayon sa Manila PESO, ang mga bakanteng posisyon ay bukas para sa lahat ng Manileñong high school graduates, college level, at vocational graduates. Ilan sa mga trabahong naghihintay sa… Continue reading 2,500 trabaho, naghihintay sa mga Manileño ngayong araw