Discaya: ‘Charity War’ kung hindi handa si Mayor Sotto sa ‘peace covenant’

Hinamon ni Pasig mayoralty aspirant Sarah Discaya si Mayor Vico Sotto ng “charity war” kung hindi umano handa ang alkalde sa isang “peace covenant”. Isang press statement ang ipinalabas ni Discaya na nakasaad ang umano’y pagka-dismaya sa naging tugon ng alkalde sa alok ng kanilang pamilya na kasunduan para sa mapayapang pangangampanya at halalan sa… Continue reading Discaya: ‘Charity War’ kung hindi handa si Mayor Sotto sa ‘peace covenant’

Apat na suspek sa pamemeke ng dokumento, arestado ng NBI

Iprinesenta sa media ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Task Force ang apat na indibidwal, kabilang ang isang 17 taong gulang na sangkot sa pagproseso at pagbebenta ng mga pekeng public documents gaya ng NBI clearance. Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nahuli ang mga suspek sa isang operasyon ng NBI matapos matuklasan na… Continue reading Apat na suspek sa pamemeke ng dokumento, arestado ng NBI

38 Chinese nationals, inaresto ng CIDG sa isang major cybercrime operation sa Moalboal, Cebu

Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 38 Chinese nationals sa Brgy. Saavedra, Moalboal, Cebu. Nakumpiska sa mga suspek ang 30 computers, 212 cellphones, 4 laptops, at iba pang kagamitan na may kaugnayan sa cybercrime. Bukod dito, anim na sasakyan din ang nasamsam ng mga awtoridad. Ayon kay Acting CIDG Director PBGEN Nicolas… Continue reading 38 Chinese nationals, inaresto ng CIDG sa isang major cybercrime operation sa Moalboal, Cebu

Moratorium sa mga road work sa Metro Manila, ipatutupad ng MMDA para maibsan ang mabigat na trapiko ngayong holiday season

Workers does road reblock in South bound of Cubao Tunnel yesterday. The worker will work full blast on Holy week which intends to finish all road reblockings on EDSA. (photo by Michael Varcas) reblocking_cubao_09_varcas_130414 / file photo

Magpapatupad ng moratorium o pansamantalang suspensyon sa mga paghuhukay at road works sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, layon ng hakbang na ito na mabawasan ang pagsisikip ng trapiko ngayong kapaskuhan. Magsisimula ang suspensyon ng mga road works mula November 18 hanggang… Continue reading Moratorium sa mga road work sa Metro Manila, ipatutupad ng MMDA para maibsan ang mabigat na trapiko ngayong holiday season

Kabuuang P1.3 billion, na ibinawas sa panukalang budget ng OVP para sa taong 2025 pinal na; naturang budget cut, inilipat sa DOH at DSWD

Isinapinal na ng small committee na binuo ng Kamara ang pagbawas sa panukalang pondo ng Office of the Vice President para sa 2025. Ito ang kinumpirma ni Appropriations committee chair Elizaldy Co kasunod ng inaprubahang committee at individual amendments ng small committee para sa P6.352 trillion proposed national budget para sa susunod na taon. Ang… Continue reading Kabuuang P1.3 billion, na ibinawas sa panukalang budget ng OVP para sa taong 2025 pinal na; naturang budget cut, inilipat sa DOH at DSWD

DOF, pinangunahan ang project implementation-capacity building workshop upang i-streamline ang People’s Survival Fund

Pinangunahan ng Department of Finance (DOF) ang project implementation-capacity building workshop na naglalayong i-streamline ang People’s Survival Fund (PSF) process para sa local government unit (LGU) beneficiaries. Target din nitong ifast-track ang aksyon ng bansa tungo sa climate and disaster risk resilience. Tinalakay sa naturang workshop ang pagtugon sa mga hamon na kinahaharap ng mga… Continue reading DOF, pinangunahan ang project implementation-capacity building workshop upang i-streamline ang People’s Survival Fund

Mylah Roque, nasa labas na ng bansa ayon sa Quad Comm co-chair

Nasa labas na ng bansa si Mylah Roque, ang asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque. Ito ang sinabi ni Public Order and Safety Committee Chair Dan Fernandez sa panayam ng House media. Aniya, batay sa ulat na nakuha niya mula Bureau of Immigration (BI) ay lumabas ng bansa pa-Singapore si Ginang Roque noong unang… Continue reading Mylah Roque, nasa labas na ng bansa ayon sa Quad Comm co-chair

Paggawad ng pardon ng UAE sa 143 na mga Pilipino, maagang pamasko ayon kay Sen. Jinggoy Estrada

Ipinahayag ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na maituturing na maagang pamasko para sa 143 na mga Pilipino at kanilang mga pamilya ang iginawad na pardon ng United Arab Emirates (UAE). Nakiisa si Estrada sa pagpapasalamat kay UAE president Sheikh Mohamed bin Zayed sa ibinigay na pardon sa mga kababayan nating nakagawa ng mga… Continue reading Paggawad ng pardon ng UAE sa 143 na mga Pilipino, maagang pamasko ayon kay Sen. Jinggoy Estrada

Pondo para sa pagpapatayo ng mga kalsada patungo sa mga tourist destinations, inaapela ng DOT

Isusulong ni Senadora Loren Legarda na magkaroon ng special provision sa binubuong 2025 national budget para mapondohan ang mga bagong daan at kalsada patungo sa mga tourist destinations sa bansa. Sa pagpapatuloy kasi ng pagdinig sa panukalang budget ng department of tourism para sa susunod na taon, napag alaman na walang nailaang pondo para sa… Continue reading Pondo para sa pagpapatayo ng mga kalsada patungo sa mga tourist destinations, inaapela ng DOT

Pangulong Marcos, nanawagan sa climate stakeholders na bilisan at doblehin ang aksyon para sa disaster risk reduction

Umaapela si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga climate stakeholder na doblehin at bilisan pa ang mga hakbang na tutugon sa climate change at magsusulonng ng disaster risk reduction framework implementation para sa isang mas matatag na hinaharap. Sa opening ceremony ng 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference Disaster Risk Reduction, pinatitiyak rin ng pangulo na… Continue reading Pangulong Marcos, nanawagan sa climate stakeholders na bilisan at doblehin ang aksyon para sa disaster risk reduction