Philippine Army, tiniyak na mananatiling non-partisan sa darating na 2025 midterm elections

Pinaalalahanan ng Philippine Army ang kanilang mga tauhan na pairalin ang pagiging non-partisan sa darating na 2025 midterm elections. Ito ang inihayag ni Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala kasunod ng pagtatapos ng paghahain ng certificate of candidacy sa mga nais na tumakbo sa halalan sa susunod na taon. Tiniyak din ng Philippine Army sa… Continue reading Philippine Army, tiniyak na mananatiling non-partisan sa darating na 2025 midterm elections

Dating Mayor Alice Guo, hindi na tatakbo sa 2025 midterm elections

Kinumpirma ni dating Mayor Alice Guo na hindi na siya tatakbo bilang alkalde ng Bamban, Tarlac. Sa pagdinig ng Senado ngayong araw, sinabi ni Guo na haharapin muna niya ang mga kasong kinakaharap niya at lilinisin muna niya ang kanyang pangalan. Lumalabas din sa pagdinig na nagsisinungaling sina dating mayor alice guo at ng sinasabing… Continue reading Dating Mayor Alice Guo, hindi na tatakbo sa 2025 midterm elections

DA, nagpatupad ng import ban sa mga hayop mula sa Turkey na madaling kapitan ng FMD

Nagpatupad ng temporary ban sa pag-angkat ng mga hayop ang Department of Agriculture (DA) mula sa bansang Turkey. Partikular ang mga hayop na madaling kapitan ng foot and mouth disease pati ang mga produkto nito. Ginawa ang kautusan upang maiwasan ang pagpasok ng FMD virus sa Pilipinas. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.,… Continue reading DA, nagpatupad ng import ban sa mga hayop mula sa Turkey na madaling kapitan ng FMD

Mga naghain ng COC sa pagkakongresista sa NCR ngayong araw, umabot sa 17

Buhos ngayong araw ang mga naghain ng kandidatura sa pagkakongresista sa Metro Manila. Labimpitong kandidato ang naghain ngayon ng certificate of candidacy sa COMELEC-NCR, pinakamarami sa nakalipas na pitong araw ng filing ng COC. Dahil naman dito nasa kabuuang 69 na kandidato sa congressional race na ang nakapaghain ng kandidatura. Muli naman nagpaalala si COMELEC… Continue reading Mga naghain ng COC sa pagkakongresista sa NCR ngayong araw, umabot sa 17

CSC, kinumpirma ang pagbibitiw sa pwesto ni CSC Chairman Nograles

Photo courtesy of Civil Service Commission

Nagbitiw na sa kanyang tungkilin si Civil Service Commision Chairman Karlo Nograles. Ito ang kinumpirma ni CSC Commissioner Aileen Lizada ngayong gabi. Sa kanyang pinadalang resignation letter kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. epektibo ang kanyang pagbibitiw ngayong araw, Oktubre 7. Walang binanggit na mabigat na dahilan si Nograles sa kanyang pagbitiw sa pwesto. Bago… Continue reading CSC, kinumpirma ang pagbibitiw sa pwesto ni CSC Chairman Nograles

Philippine Red Cross, nagpadala ng tulong sa mga pamilya na naapektuhan ng Bagyong Julian sa Batanes

Nagpadala ang Philippine Red Cross (PRC) ngayong araw ng mga tauhan at kagamitan sa lalawigan ng Batanes upang tumulong sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Julian. Kabilang sa mga ipinadala ang 4×4 service vehicle, dalawang generator set, water treatment unit na kayang mag-produce ng 4,500 litro ng malinis na tubig kada oras, at mga radio… Continue reading Philippine Red Cross, nagpadala ng tulong sa mga pamilya na naapektuhan ng Bagyong Julian sa Batanes

Legalidad ng palipat-lipat ng distrito ni Marikina Mayor Marcy Teodoro, ipinapaubaya na ni Senador Koko Pimentel sa mga election lawyer

Ipinapaubaya na ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa mga election lawyers ang kwestiyon tungkol sa ginawang palipat-lipat ni Mayor Marcelino Teodoro ng voters’ registration sa dalawang distrito ng Marikina. Una na kasing sinabi ni Pimentel na noong Pebrero ay nagpalipat ng voters’ registration si Teodoro sa district 2 ng Marikina City alinsunod sa usapan… Continue reading Legalidad ng palipat-lipat ng distrito ni Marikina Mayor Marcy Teodoro, ipinapaubaya na ni Senador Koko Pimentel sa mga election lawyer

Pilipinas, kinokondena ang insidente ng pangha-harass ng China sa Vietnamese fishermen, sa South China Sea

Kinokondena ng National Security Council (NSC) ang ginawang pangha-harass ng China sa mga mangingisda ng Vietnam sa Paracel Island, sa South China Sea (SCS) na pasok naman sa teritoryo ng Vietnam. “Mariin po nating kinokondena itong nangyaring insidenteng ito laban sa mga mangingisda ng Vietnam naman. At hindi po tayo puwedeng manahimik dito kasi remember,… Continue reading Pilipinas, kinokondena ang insidente ng pangha-harass ng China sa Vietnamese fishermen, sa South China Sea

Miro Quimbo, magbabalik Kongreso sa 2025

Balik Kongreso ang target ngayon ni dating Cong. Miro Quimbo na naghain ng kandidatura ngayong araw bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Marikina. Papalitan niya ang asawang si incumbet Congw. Stella Quimbo na tatakbo naman bilang alakalde ng lungsod. Giit ni Quimbo, mahirap ang naging desisyon nilang mag-asawa na sabay na tumakbo ngunit kailangan aniya… Continue reading Miro Quimbo, magbabalik Kongreso sa 2025

Valenzuela City LGU, namigay ng sasakyan sa mga public school sa lungsod

Nagkaloob ng mga bagong sasakyan ang Valenzuela City government at ang opisina ni Senator Win Gatchalian sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. Kabuuang 63 WIN Serbisyo Vans ang ipinamigay sa 36 na public school para magamit sa pangkalahatang pangangailangan sa transportasyon ng mga paaralan. Bawat isang van ay nagkakahalaga ng P1,099,900 para sa kabuuang P69,293,700.… Continue reading Valenzuela City LGU, namigay ng sasakyan sa mga public school sa lungsod