Miro Quimbo, magbabalik Kongreso sa 2025

Balik Kongreso ang target ngayon ni dating Cong. Miro Quimbo na naghain ng kandidatura ngayong araw bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Marikina. Papalitan niya ang asawang si incumbet Congw. Stella Quimbo na tatakbo naman bilang alakalde ng lungsod. Giit ni Quimbo, mahirap ang naging desisyon nilang mag-asawa na sabay na tumakbo ngunit kailangan aniya… Continue reading Miro Quimbo, magbabalik Kongreso sa 2025

Valenzuela City LGU, namigay ng sasakyan sa mga public school sa lungsod

Nagkaloob ng mga bagong sasakyan ang Valenzuela City government at ang opisina ni Senator Win Gatchalian sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. Kabuuang 63 WIN Serbisyo Vans ang ipinamigay sa 36 na public school para magamit sa pangkalahatang pangangailangan sa transportasyon ng mga paaralan. Bawat isang van ay nagkakahalaga ng P1,099,900 para sa kabuuang P69,293,700.… Continue reading Valenzuela City LGU, namigay ng sasakyan sa mga public school sa lungsod

NEA at PHILRECA, tutulong na sa power restoration efforts sa Batanes

Binuhay na ng National Electrification Administration (NEA) at Philippine Rural Electric Cooperatives Association Inc (PHILRECA) ang Task Force Kapatid para tumulong sa rehabilitation efforts sa Batanes Electric Cooperative (BATANELCO) na grabeng tinamaan ng Bagyong Julian. May 17 linemen at dalawang engineer mula sa NEA Disaster Risk and Management Department ang idineploy para tulungan ang mga… Continue reading NEA at PHILRECA, tutulong na sa power restoration efforts sa Batanes

Erwin Tulfo, umanib na sa Lakas-CMD

Pormal na nanumpa si Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo bilang miyembro ng partido Lakas CMD. Mismong si Speaker Martin Romualdez ang nanguna sa panunumpa ni Tulfo, na siyang ika-112 miyembro ng Kamara na umanib sa partido. Para kay Romuladez na siyang party president, isang valuable addition si Tulfo sa Lakas at kumpiyansa siya… Continue reading Erwin Tulfo, umanib na sa Lakas-CMD

NCRPO Dir. Nartatez, itinalaga na bilang number 2 man ng PNP

Itinalaga na bilang officer-in-charge ng Office of The Deputy Chief for Administration ng Philippine National Police (PNP) si NCRPO Director Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr. Ang panibagong balasahan ay ginawa ni PNP Chief Director General Rommel Francisco Marbil matapos mabakante ang dalawang Command Group position dahil sa pagreretiro ng dalawang mataas na opisyal.… Continue reading NCRPO Dir. Nartatez, itinalaga na bilang number 2 man ng PNP

Bahagi ng Brgy. Lourdes sa Tarlac City, idineklarang special economic zone

Idineklarang special economic zone ang isang bahagi ng isang baranggay sa Tarlac City. Ito’y sa bisa na din sa inilabas na Proclamation No. 701na lumilikha at nagtatakda ng isang bahagi ng lupa sa Barangay Lourdes sa lungsod ng Tarlac bilang special economic zone. Ang bagong special economic zone ay may kabuuang sukat na dalawang milyong… Continue reading Bahagi ng Brgy. Lourdes sa Tarlac City, idineklarang special economic zone

Malacañang, idineklara ang Oktubre 15 ng bawat taon bilang National Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day

Sa bisa ng Proclamation No. 700 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ay idinedeklara ang October 15 ng bawat taon bilang National Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day. Batay sa inilabas na proklamasyon ay pinapawalang bisa nito sa kabilang banda ang Proclamation No. 586 na nagdedeklara sa March 25 bawat taon bilang “Day of… Continue reading Malacañang, idineklara ang Oktubre 15 ng bawat taon bilang National Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day

Malacanang, nag-isyu ng Executive Order na magpapalakas sa industriya ng pelikula sa bansa

Inilabas ng Malacanang ang Executive Order No. 70 na magpapalakas sa potensiyal ng Film Industry sa bansa. Sa pamamagitan ng nilagdaang EO ni Executive Secretary Lucas Bersamin ay kikilalanin ng national government ang angking talento ng mga Pinoy na nasa pinilakang tabing at sining. Ito’y sa pamamagitan ng itatatag na National Film Awards na magbibigay… Continue reading Malacanang, nag-isyu ng Executive Order na magpapalakas sa industriya ng pelikula sa bansa

DA Chief, ikinatuwa ang pagbaba ng inflation noong Setyembre dahil sa mababang food prices

Malugod na tinanggap ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang paghina ng inflation noong Setyembre dahil sa pagbaba ng presyo ng pagkain, partikular na ng bigas. Bumaba ang inflation sa1.9% na pinakamabagal na mula sa 1.6 % na naitala noong Mayo 2020.  Malaki ang ginampanan ng food inflation sa kabuuang deceleration na ito. Partikular… Continue reading DA Chief, ikinatuwa ang pagbaba ng inflation noong Setyembre dahil sa mababang food prices

Ilan pang kandidato para sa pagkakongresista, naghain ng kanilang COC sa COMELEC NCR

Umabot na sa 44 ang mga aspiring candidate para sa pagkakongresista ang naghain ng kanilang certificate of candidacy sa Commission on Elections-National Capital Region. Bago magtanghali kanina, kabilang sa mga naghain pa ng COCs ay sina Dr. Louisito Chua bilang independent para sa ikaapat na Distrito ng Maynila at Florencio Garcia Noel ng Malabon na… Continue reading Ilan pang kandidato para sa pagkakongresista, naghain ng kanilang COC sa COMELEC NCR