Unang araw ng paghahain ng COC, nanatiling mapayapa, ayon sa PNP

Nanatiling mapayapa ang unang araw paghahain ng Certoficate of Candidacy (COC). Ito ay ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperspn PCol Jean Fajardo. Batay sa report ng Directorate for Operations, wala pa silang na-monitor na mga untoward incident sa bansa. Matatandaang mas pinaigting ng PNP ang seguridad kasabay ng pagsisimula ng paghahain ng COC ngayong… Continue reading Unang araw ng paghahain ng COC, nanatiling mapayapa, ayon sa PNP

Pag-akyat sa 3% ng biodiesel mix sa bansa, maganda ang magiging epekto sa kalikasan

Isa sa mga pinro-protektahan ng Biofuel Law ay ang kalikasan ng Pilipinas. Pahayag ito ni Energy Usec. Alessandro Sales kasunod ng implementasyon ng karagdagang 1% ng coconut methyl esther (CME) sa biodiesel mix sa bansa. Ibig sabihin, mula sa dating 2%, magiging 3% na CME content na ang diesel fuel. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag… Continue reading Pag-akyat sa 3% ng biodiesel mix sa bansa, maganda ang magiging epekto sa kalikasan

P125 milyong halaga ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Julian, magkatuwang na inihanda ng Office of the Speaker, Tingog party-list at DSWD

Salig na rin sa atas ng Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr., agad nagkasa ng relief efforts ang Office of the House Speaker at Tingog party-list katuwang ang DSWD para sa mga nasalanta ng Bagyong Julian. Tinukoy nina Speaker Martin Romualdez at Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre ang sampung congressional district na lubhang pinadapa ng… Continue reading P125 milyong halaga ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Julian, magkatuwang na inihanda ng Office of the Speaker, Tingog party-list at DSWD

Bagong QCPD Chief, hinamon ni Mayor Belmonte na gawing prayoridad ang seguridad ng mga taga-Quezon City

Hinamon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang bagong liderato ng Quezon City Police District (QCPD) na iprayoridad ang kaligtasan at seguridad ng bawat mamamayan ng lungsod Quezon. Apela ito ng alkalde matapos italaga bilang bagong acting chief ng QCPD si PCol. Melecio Buslig, Jr., kapalit ni PBGen. Redrico Maranan. Sa panig ni General Maranan umaasa… Continue reading Bagong QCPD Chief, hinamon ni Mayor Belmonte na gawing prayoridad ang seguridad ng mga taga-Quezon City

Bilang ng mga nakapagpatala para sa 2025 midterm election, lagpas sa target ng COMELEC

Nahigitan ng Commission on Elections (COMELEC) ang target nitong bilang ng mga nagpatalang botante para sa 2025 midterm election. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni COMELEC Spokesperson Rex Laudiangco, na nasa tatlong milyon lamang ang itinakdang target ng komisyon. Ngunit base sa pinakahuling datos ng COMELEC noong nakaraang linggo, nakapag tala na ang pamahalaan ng… Continue reading Bilang ng mga nakapagpatala para sa 2025 midterm election, lagpas sa target ng COMELEC

Mga POGO malapit sa base militar, palaisipan kung bakit hindi nasisita ng mga lokal na pamahalaan ayon kay Defense Sec. Teodoro

Inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. ang kaniyang pagdududa kung bakit hindi nasisita ng mga lokal na pamahalaan ang mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator o POGO na malapit sa mga base militar. Sa ambush interview sa Camp Aguinaldo, partikular na binanggit ni Teodoro ang ni-raid na scam hub sa Bamban, Tarlac na… Continue reading Mga POGO malapit sa base militar, palaisipan kung bakit hindi nasisita ng mga lokal na pamahalaan ayon kay Defense Sec. Teodoro

Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, mananatiling nakasuporta kay Sen. Imee Marcos

Muling iginiit ni Alyansa Para sa Bagong Pilipinas campaign manager Rep. Toby Tiangco na patuloy nilang susuportahan si Sen. Imee Marcos. Ito’s sa gitna ng anunsyo ng senadora na nagdesisyon siyang tatakbo bilang independent senatorial candidate. Naniniwala aniya ang Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa kakayanan ng senadora para maisakatuparan ang legislative agenda ng Pangulong… Continue reading Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, mananatiling nakasuporta kay Sen. Imee Marcos

Bagyong Julian, lumalayo na sa Batanes, pero nakararanas pa rin ng matinding pag-ulan sa Northern Luzon –PAGASA

Papalayo na sa Batanes ang Bagyong Julian patungo sa hilagang-kanlurang hangganan ng Philippine Area of Resposibility (PAR). Sa ulat ng PAGASA-DOST ngayong hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 95 km ng kanluran-timog kanluran ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 km kada oras malapit sa gitna at bugso… Continue reading Bagyong Julian, lumalayo na sa Batanes, pero nakararanas pa rin ng matinding pag-ulan sa Northern Luzon –PAGASA

Pilipinas, nanawagan ng reporma sa United Nations para sa pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran

Ipinanawagan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo sa United Nations General Assembly sa New York, United States ang mga reporma sa multilateralismo upang tugunan ang mga pandaigdigang krisis at makamit ang mga layunin nito tungo sa kaunlaran. Sa kanyang pahayag, inulit nito ang panawagan ng mga lider ng iba’t ibang bansa na… Continue reading Pilipinas, nanawagan ng reporma sa United Nations para sa pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran

Alice Guo, pumalag sa isang dokumentaryo ukol sa mga Chinese spies; Guo nanindigang Pilipino at hindi spy

Isang dokumentaryo ng Al Jazeera tungkol sa mga Chinese spy ang iprinesenta ni Davao Oriental Rep. Cheeno Almario sa ika-pitong pagdinig ng Quad Committee. Tungkol ito sa kwento ni She Zhijang isang espiya ng China na inaming narecruit sa Pilipinas at ngayon ay nakakulong sa Thailand. Isa sa mga naging kaibigan niya sa kulungan ang… Continue reading Alice Guo, pumalag sa isang dokumentaryo ukol sa mga Chinese spies; Guo nanindigang Pilipino at hindi spy