Pagbuo ng task force para imbestigahan ang kaso ng pagpatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon, inirerekomenda ni Senate President Zubiri

Iminumungkahi ni Senate President Juan Miguel Zubiri kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumuo ng task force para matutukan ang imbestigasyon tungkol sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Juan “Johnny Walker” Jumalon sa Misamis Occidental. Ang pahayag na ito ng Senate president ay kasabay ng pagpapahayag niya ng mariing pagkondena sa pagpatay sa… Continue reading Pagbuo ng task force para imbestigahan ang kaso ng pagpatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon, inirerekomenda ni Senate President Zubiri

Sapat at malinis na tubig, tiniyak sa isinagawang 19th Asia Water Council

Tumugon ang apat na mga kumpanya at ahensya ng pamahalaan sa panawagan na magkaroon ng sapat at malinis na tubig ang bansa. Ito ang nagkakaisang pahayag ng Metro Manila Waterworks and Sewerage System, Maynilad Water Services Inc., Manila Water Company Inc at Luzon Clean Water Development Corporation matapos ang matagumpay na pag-host nila sa 19th… Continue reading Sapat at malinis na tubig, tiniyak sa isinagawang 19th Asia Water Council

Resolusyon para tindigan ang integridad ng Kamara at pagsuporta sa liderato ni Speaker Romualdez, pinagtibay

Nagkaisa ang mga mambabatas para pagtibayin ang House Resoluton 1414 o resolusyon para panindigan ang integridad at dangal ng Kamara at ihayag ang pagsuporta sa liderato ni Speaker Martin Romualdez. Sa ilalim ng resolusyon, nagkaisa ang Kamara para depensahan ang institusyon laban sa mga walang basehang kritisismo at mga pag-atake. Ayon kay House Majority Leader… Continue reading Resolusyon para tindigan ang integridad ng Kamara at pagsuporta sa liderato ni Speaker Romualdez, pinagtibay

Tatlong core projects, inilunsad ng DA

Inilunsad ngayong hapon ng Department of Agriculture ang tatlong pangunahing proyekto sa ilalim ng bagong talagang kalihim na si Francisco Tiu Laurel. Ito ay ang Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up, ang Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIADP), at ang Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project. Ayon sa DA, ang tatlong proyekto ay tutuon… Continue reading Tatlong core projects, inilunsad ng DA

Pagbuo ng Special Investigation Task Group sa kaso ng pagpatay sa radio anchor sa Misamis Occidental, ipinag-utos na ng PRO-10

Ipinag-utos na ng Police Regional Office 10 ang pagtatatag ng Special Investigation Task Group (SITG) na mag-iimbestiga sa kaso ng pinatay na radio broadcaster sa Misamis Occidental kaninang umaga. Nais ni PRO 10 Director General Ricardo Layug Jr. na matutukan at mapabilis ang pagresolba sa kaso at matukoy ang mga nasa likod ng krimen. Sinabi… Continue reading Pagbuo ng Special Investigation Task Group sa kaso ng pagpatay sa radio anchor sa Misamis Occidental, ipinag-utos na ng PRO-10

Granadang itinapon sa isang gas station sa Siquijor, agad na-detonate ng kapulisan

Laking pasasalamat ni Siquijor Governor Jake Vincent Villa sa matagumpay na pagresponde ng kapulisan sa insidente ng pagtapon ng granada sa isang gasoline station sa kanilang lalawigan. Ayon kay Villa, malaking bagay ang maagap na kilos ng Siquijor Police Provincial Office at Siquijor Municipal Police Station dahil walang nasaktan sa nasabing insidente. Matapos makatanggap ng… Continue reading Granadang itinapon sa isang gas station sa Siquijor, agad na-detonate ng kapulisan

Suspensyon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, lifted na, ayon sa MalacaƱang

Binawi na ng Office of the President ang preventive suspension na una nang ipinataw kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, makaraang madawit sa akusasyon ng katiwalian sa tanggapan. Pahayag ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kasunod ng inihaing Affidavit of Recantation ni Jefferson Tumbado, kung saan binawi nito ang mga una nang paratang kay Guadiz.… Continue reading Suspensyon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, lifted na, ayon sa MalacaƱang

Suspended LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, ibinalik na sa pwesto -DOTR

Simula bukas, Nobyembre 6, balik na sa kanyang panunungkulan si suspended LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III. Ito ang kinumpirma ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista. Ayon kay Secretary Bautista, ang desisyong ito ay batay sa kautusan ng Office of the President matapos bawiin ang 90-days suspension ni Guadiz. Kasunod ito ng recantation ni Jeffrey… Continue reading Suspended LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, ibinalik na sa pwesto -DOTR

Cash Assistance and Rice Distribution o CARD program, sabayang inilunsad sa NCR at Laguna ngayong araw

Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez, kasama ang ilan pang mambabatas ngayong Linggo ang pag-arangkada ng Cash Assistance and Rice Distribution o CARD Program. Ang CARD program ay tugon sa hamon ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr., sa House Speaker na bumuo ng programa para maabutan ng mura at kalidad na bigas ang mga mahihirap. Katuwang… Continue reading Cash Assistance and Rice Distribution o CARD program, sabayang inilunsad sa NCR at Laguna ngayong araw

Radio broadcaster, binaril habang naka live-broadcast kaninang umaga

Binaril at napatay ng hindi pa kilalang salarin ang isang radio broadcaster habang nagpro-programa kaninang umaga sa loob ng kanyang isatasyon sa Misamis Occidental. Sa ulat ng Calamba, Misamis Occidental Municipal Police Station na nakarating sa camp Crame, kinilala ang biktima na si Juan Jumalon o mas kilala sa pangalang DJ Johnny Walker, 57-anyos, residente… Continue reading Radio broadcaster, binaril habang naka live-broadcast kaninang umaga