Bilang ng mga dumalaw sa anim na sementeryo sa Quezon City, pumalo na sa higit 108k ayon sa QCPD

Hanggang ngayong gabi, pumalo na sa 108,746 ang bilang ng mga taong bumisita sa anim na sementeryo sa lungsod Quezon ngayong Undas. Batay sa QCPD Undas Monitoring, pinakamaraming bumisita ay naitala sa Holy Cross Memorial Park na mayroong 56,278, sinundan ng Bagbag Cemetery – 33,480, Novaliches Cemetery – 10,628, Himlayang Pilipino – 7,000, Requerdo Cemetery… Continue reading Bilang ng mga dumalaw sa anim na sementeryo sa Quezon City, pumalo na sa higit 108k ayon sa QCPD

Mahigpit na seguridad sa mga sementeryo sa Davao Region, mananatili sa kabila ng matumal na pagdating ng mga tao para sa Undas 2023

Sa kabila ng kakaunting mga taong dumarating sa ilang sementeryo sa Davao Region, tiniyak ng Police Regional Office 11 (PRO 11) na mananatili ang mahigpit na seguridad na ipinatutupad ngayong Undas 2023. Sa panayam ng Davao Media kay PRO 11 Regional Director Brig. Gen. Alden Delvo, sinabi nitong mananatili ang kapulisan sa mga sementeryo sa… Continue reading Mahigpit na seguridad sa mga sementeryo sa Davao Region, mananatili sa kabila ng matumal na pagdating ng mga tao para sa Undas 2023

Buong police personnel ng Pasay City Police Substation, pinasisibak sa pwesto ni DILG Sec. Abalos

Inirekomenda ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. kay PNP Chief General Benjamin Acorda na alisin sa pwesto ang Substation Commander at mga tauhan nito sa Pasay City. Kasunod nito ang pagkadiskubre ng POGO Hub sa lungsod na may mga ginagawang iligal aktibidad. Una nang sinalakay ng mga tauhan… Continue reading Buong police personnel ng Pasay City Police Substation, pinasisibak sa pwesto ni DILG Sec. Abalos

LTFRB, patuloy ang pagbabantay sa mga transport terminal ngayong Undas

Ipinagpatuloy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagsasagawa ng Oplan Bantay-Biyahe sa mga pampubliko at pribadong terminal sa bansa. Nilalayon nitong tiyakin ang kaligtasan at kaginhawaan ng biyahe ng mga mamamayan sa panahon ng Undas. Sa ngayon, nakalatag pa rin sa mga transport terminal ang Complaint and Public Assistance Help Desk na  … Continue reading LTFRB, patuloy ang pagbabantay sa mga transport terminal ngayong Undas

Isang presinto sa Highway Hills Integrated School sa Mandaluyong City, maagang natapos sa pagbibilang ng boto

Pasado alas-3:00 ng hapon nang simulan ang ang bilangan ng boto sa Highway Hills Integrated School sa Mandaluyong City. May isang presinto naman ang maagang natapos sa pagbibilang ng boto mag-a alas-5:00 ng hapon. Ayon sa poll watcher na nakapanayam ng Radyo Pilipinas, 50 lang kasi ang bumoto sa kabuuang 186 na mga botatente sa… Continue reading Isang presinto sa Highway Hills Integrated School sa Mandaluyong City, maagang natapos sa pagbibilang ng boto

Sec. Abalos, nanawagan sa mga kandidato sa eleksyon na magsumite ng SOCE sa Comelec

Pinaalalahanan ni DILG Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na maghain ng kanilang Statements of Election Contributions and Expenditures (SOCE) nang maaga at huwag hintayin ang 30-day deadline. Partikular na pinayuhan ni Abalos ang mga kandidatong lalabas na mananalo na magsumite ng kanilang SOCE sa Commission on Elections (Comelec).… Continue reading Sec. Abalos, nanawagan sa mga kandidato sa eleksyon na magsumite ng SOCE sa Comelec

Kabuuang 119 na OFW, nakauwi na ng Pilipinas ayon sa DMW

Nasa 119 na mga OFW na ang nakauwi na ng Pilipinas mula sa Israel ayon sa Department of Migrant Workers (DMW). Ito ay kasunod ng pagbabalik bansa ngayong araw ng nasa 60 na mga OFW, kasama ang isang one-month old na sanggol at isang one-year old na bata. Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac,… Continue reading Kabuuang 119 na OFW, nakauwi na ng Pilipinas ayon sa DMW

Pagbibigay prayoridad sa locally manufactured building products, para sa mga hinaharap na infra projects, pinagaaralan na ng Marcos Administration

Tututukan na ng Marcos Administration ang pagbili sa lokal na building materials para sa mga infrastructure projects ng pamahalaan sa hinaharap. Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Infrastructure Cluster, na bigyang prayoridad ang locally manufactured na building materials. Ayon sa PSAC ang local manufacturing… Continue reading Pagbibigay prayoridad sa locally manufactured building products, para sa mga hinaharap na infra projects, pinagaaralan na ng Marcos Administration

Mga pasaherong dumagsa sa pantalan sa Cebu sa unang dalawang araw ng “Oplan Biyaheng Ayos,” pumalo na sa 120,000

Ayon sa datos ng Cebu Port Authority, umabot na sa 123,120 pasahero ang dumaan sa pantalan sa lalawigan ng Cebu mula October 27, ang pagsisimula ng “Oplan Biyaheng Ayos” hanggang kahapon, October 28, 2023. Kabilang na rito ang 52,035 arrival at 71, 085 departure sa nakaraang dalawang araw. Paliwanag ng CPA, mas mataas ang day… Continue reading Mga pasaherong dumagsa sa pantalan sa Cebu sa unang dalawang araw ng “Oplan Biyaheng Ayos,” pumalo na sa 120,000

Mga kandidato, dapat limitahan ang poll watchers, ayon kay DILG Secretary Abalos

Muling nagbabala si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. sa mga kandidato na huwag mandaya sa halalan bukas. Nagpaalala ang kalihim sa mga kandidato upang hindi magka-problema sa sandaling manalo sa halalan. Aniya, kailangan lamang na magtalaga ng tamang bilang ng poll watcher upang hindi maakusahan ng vote buying. Sa ilalim ng COMELEC… Continue reading Mga kandidato, dapat limitahan ang poll watchers, ayon kay DILG Secretary Abalos