NGCP, naglabas ng Power Situation Update ngayong bisperas ng eleksyon

Iniulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nasa normal ang operasyon ng transmission lines and facilities nito ngayong bisperas ng Barangay at SK elections. Gaya ng pahayag kahapon, regular na magbibigay ng advisory sa power situation ang NGCP sa buong bansa kada apat na oras simula ngayong araw. Muling tiniyak ng NGCP… Continue reading NGCP, naglabas ng Power Situation Update ngayong bisperas ng eleksyon

Election paraphernalia na gagamitin bukas sa BSKE, patuloy na ipinamamahagi sa Maynila

Patuloy na ipinamamahagi ngayong araw sa Lungsod Maynila ang mga election paraphernalia at ballot boxes na gagamitin para sa isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections bukas. Trak-trak na mga ballot boxes ang hinahakot ngayong araw sa warehouse sa tabi ng Manila City Hall para dalhin sa mga paaralan. Matapos i-load sa mga magde-deliver na trak… Continue reading Election paraphernalia na gagamitin bukas sa BSKE, patuloy na ipinamamahagi sa Maynila

Romualdez, nanawagan ng mapayapang BSK Elections bukas

Nanawagan si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa lahat ng kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na panatilihin ang isang mapayapa at maayos na halalan. Ang panawagan ni Speaker Romualdez ay bunsod na rin sa pagpatay sa mahigit dalawampung mga kandidato ng BSK Elections nitong mga nagdaang araw sa buong bansa. “Nakikiusap tayo sa… Continue reading Romualdez, nanawagan ng mapayapang BSK Elections bukas

Mahigit 31,000 PDLs, boboto bukas sa BSKE 2023, ayon kay DILG Sec. Abalos

Inanunsyo ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na may kabuuang 31,125 persons deprived of liberty (PDL) ang boboto sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections bukas. Sinabi ni Abalos na ang pagboto ng mga PDL ay isang testamento sa demokratikong kalayaan ng isang bansa na itinakda sa Universal Declaration of Human Rights, International Covenant on Rights,… Continue reading Mahigit 31,000 PDLs, boboto bukas sa BSKE 2023, ayon kay DILG Sec. Abalos

Tatlong magkakahiwalay na insidente ng sunog sa mga paaralan, iniimbestigahan ng COMELEC

Patuloy na iniimbestigahan ngayon ng Commission on Elections ang tatlong magkakahiwalay na insidente ng sunog na tumupok sa tatlong paaralan sa Maguindanao at Lanao del Norte. Ayon sa report, 1:50 ng madaling araw kahapon nang maganap ang sunog sa Ruminimbang Elementary School sa may Brgy. Ruminimbang, Barira, Maguindanao. Tuluyang nasunog ang ilang silid-aralan mula Grade… Continue reading Tatlong magkakahiwalay na insidente ng sunog sa mga paaralan, iniimbestigahan ng COMELEC

Election paraphernalia para sa District 4,5 at 6, sinimulan nang ipamahagi ngayong araw sa QC

Ipinagpatuloy ngayong araw ang distribusyon ng mga election paraphernalia sa Quezon City Hall para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections bukas. Ang pamamahagi ng mga kagamitan ay para sa polling precints sa District 4, 5 at 6. Pagkatapos makuha sa City Hall ay inihahatid ang mga guro ng mga sasakyan kasama ang escort na pulis… Continue reading Election paraphernalia para sa District 4,5 at 6, sinimulan nang ipamahagi ngayong araw sa QC

Anim na barangay sa Indanan, Sulu, inilagay sa security classification ng PNP para sa BSKE

Handa na ang mga kapulisan sa bayan ng Indanan, Sulu para gampanan ang kanilang tungkulin sa araw ng Barangay at Sangguniang Kabataang Elections o BSKE sa Lunes, ika-30 ng Oktubre ngayong taon. Sa pahayag ni PCapt. Ergie Wanawan, officer-in-charge ng Indanan Municipal Police Station, nasa 462 ang pwersa nila, kinabibilangan ng 55 mula sa kanilang… Continue reading Anim na barangay sa Indanan, Sulu, inilagay sa security classification ng PNP para sa BSKE

Pilipinas, nasungkit ang apat na nominasyon sa tinaguriang “Oscars” ng travel industry

Muling ipinakita ng Pilipinas ang kagandahan at husay nito pagdating sa travel industry dahil hindi lang isa kung hindi apat na nominasyon ang nasungkit nito sa prestihiyosong World Travel Awards na itinuturing na Oscars ng travel industry. Dito, back-to-back na nakuha muli ng bansa ang nominasyon para sa World’s Leading Beach Destination at World’s Leading… Continue reading Pilipinas, nasungkit ang apat na nominasyon sa tinaguriang “Oscars” ng travel industry

One-Way Traffic Scheme sa ilang kalsada sa Pasig City, ipatutupad sa Undas

Simula alas-2:00 ng hapon ng Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1, 2023, ipatutupad ng Pasig City local government ang One-Way Traffic Scheme sa ilang kalsada sa lungsod para bigyang daan ang paggunita ng Undas. Sa Traffic Advisory ng LGU, maaapektuhan nito ang C. Raymundo Avenue partikular mula sa E. Angeles St. hanggang Mercedes Ave. (North Bound).… Continue reading One-Way Traffic Scheme sa ilang kalsada sa Pasig City, ipatutupad sa Undas

Dalawang nawawalang mangingisda na-rescue ng PCG sa West Philippine Sea

Natagpuan na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisda na unang napaulat na nawawala sa Bulig Shoal. Sinasabing nawala malapit sa Bulig Shoal ang mga mangingisda matapos maubusan ng gasolina ang kanilang sinasakyang motorbanca. Ito na rin ang naging dahilan upang sila ay dalhin ng malakas na hangin at alunin palayo… Continue reading Dalawang nawawalang mangingisda na-rescue ng PCG sa West Philippine Sea