Dating pinuno ng DENR – EMB, kinuwestiyon dahil sa pagpapahintulot ng reclamation sa Las Piñas-Parañaque Wetland

Pinuna ni Senadora Cynthia Villar ang pagbibigay ng environmental compliance certificate (ECC) para sa mga reclamation activity sa Las Piñas-Parañaque Wetland. Sa pagdinig sa Senado, kinuwestiyon ni Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change Chairperson Senadora Cynthia Villar si dating DENR Environmental Management Bureau (EMB) Director William Cuñado kung bakit hindi ikinonsidera ang… Continue reading Dating pinuno ng DENR – EMB, kinuwestiyon dahil sa pagpapahintulot ng reclamation sa Las Piñas-Parañaque Wetland

DMW at Embahada ng Romania sa Pilipinas, nagpulong para palakasin ang labor cooperation

Nagpulong ang Department of Migrant Workers (DMW) at Embahada ng Romania sa Pilipinas upang paigtingin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba’t ibang usapin. Sa ginanap na courtesy call ni Romanian Ambassador to the Philippines Raduta Dana Matache kay Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac sa DMW Office Mandaluyong City ngayong araw, napag-usapan ang labor… Continue reading DMW at Embahada ng Romania sa Pilipinas, nagpulong para palakasin ang labor cooperation

BFP Mandaluyong, patuloy ang paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at Undas 2023

Puspusan na rin ang paghahanda ng Bureau of Fire Protection (BFP) Mandaluyong City para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at Undas 2023. Kaugnay nito ay tumanggap ng medical kits ang BFP Mandaluyong mula sa lokal na pamahalaan na maaaring magamit sakaling magkaroon ng emergency sa panahon ng halalan at Undas. Personal na… Continue reading BFP Mandaluyong, patuloy ang paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at Undas 2023

Number coding scheme, suspendido sa araw ng eleksyon at Undas, ayon sa MMDA

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang pagpapatupad ng number coding scheme sa mga susunod na araw na idineklara bilang special non-working days. Sa isang panayam, sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na kabilang sa mga araw na suspendido ang coding ay sa October 30, Lunes na araw ng Barangay… Continue reading Number coding scheme, suspendido sa araw ng eleksyon at Undas, ayon sa MMDA

Mga senador ng Pilipinas, bumisita sa Senado ng bansang Espanya; pagpapabuti ng free trade relations sa pagitan ng Pilipinas at Spain, tinalakay

Pinangunahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang official parliamentary visit ng mga senador sa Senado ng bansang Espanya nitong Lunes. Personal na tinanggap ni Spanish Senate President Pedro Rollán ang mga senador ng Pilipinas. Ayon kay Zubiri, layunin ng pagbisita nila sa Spain ang mapalakas ang interparliamentary relations at mapalawak ang kalakaran sa pagitan… Continue reading Mga senador ng Pilipinas, bumisita sa Senado ng bansang Espanya; pagpapabuti ng free trade relations sa pagitan ng Pilipinas at Spain, tinalakay

Mahigit 9K Pangasinense, nakinabang sa serbisyong hatid ng “LAB For All Caravan” ni First Lady Liza Araneta Marcos

Umakyat na sa kabuong bilang na 9,507 na Pangasinense mula sa limang bayan ng Pangasinan ang napagkalooban ng mga libreng laboratory services ng programang “LAB for All Caravan” ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos. Nag-umpisang lumibot sa mga bayan ng Pangasinan ang programa ng Unang Ginang noong ika-19 Oktubre at nagtuloy-tuloy hanggang ngayong araw… Continue reading Mahigit 9K Pangasinense, nakinabang sa serbisyong hatid ng “LAB For All Caravan” ni First Lady Liza Araneta Marcos

Innotech Director Briones receives ‘World Class Superhero’ award at the Ladies of All Nations World Summit

Manila, Philippines — SEAMEO INNOTECH Center Director Prof. Leonor Magtolis-Briones, along with other distinguished leaders around the country, were honored at the prestigious World Class Superheroes Awards. Briones personally received the ‘World Class Superhero’ award at the sidelines of the Ladies of All Nations International (LOANI) World Summit held at the Diamond Hotel on 20… Continue reading Innotech Director Briones receives ‘World Class Superhero’ award at the Ladies of All Nations World Summit

Bangkay ng ikatlong OFW na namatay sa Israel, nakarating na sa kanilang tahanan sa Cadiz City, Negros Occidental

Nakarating na sa kanilang tahanan sa Cadiz City, Negros Occidental ang bangkay ng Negrense overseas Filipino worker (OFW) na isa sa mga nasawi sa sorpresang pag-atake ng Hamas militants sa Israel ngayong buwan. Kung matatandaan, noong Oktubre 22 dumating sa probinsiya ang bangkay ni Loreta “Lorie” Villarin Alacre at dinala sa punerarya. Mula sa punerarya… Continue reading Bangkay ng ikatlong OFW na namatay sa Israel, nakarating na sa kanilang tahanan sa Cadiz City, Negros Occidental

Resulta ng imbestigasyon ng PCG kaugnay sa pagbangga ng China sa Philippine vessel, inaasahan sa susunod na limang araw

Matatapos ng Philippine Coast Guard (PCG) sa loob ng limang araw o mas maaga pa ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa pinakahuling insidente ng pangha-harass ng China sa West Philipppine Sea (WPS) na nag-resulta ng pagbangga ng Chinese vessel sa Philippine vessel. Ayon kay Philippine Coast Guard Admiral Ronnie Gil Gavan, tututukan ng PCG ang lala… Continue reading Resulta ng imbestigasyon ng PCG kaugnay sa pagbangga ng China sa Philippine vessel, inaasahan sa susunod na limang araw

DepEd at World Bank, nagpulong para isulong at maisakatuparan ang MATATAG Agenda ng kagawaran

Nagpulong ang Department of Education (DepEd) at mga kinatawan ng World Bank Group ngayong araw. Pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang naturang pulong kasama si Ndiame Diop ang Country Director ng World Bank sa Brunei, Malaysia, Philippines, at Thailand. Ayon kay VP Sara, ikinatuwa niya na kinikilala ng World Bank ang… Continue reading DepEd at World Bank, nagpulong para isulong at maisakatuparan ang MATATAG Agenda ng kagawaran