Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu, nanawagan sa NFA na suportahan ang kanilang programang pagbebenta ng P20 per kilo na bigas

Dagdag na suplay. ‘Yan ang naging panawagan ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na sana’y madagdagan ng supply ng bigas ang regional warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Central Visayas (NFA-7) para sa kanilang gagawing pagbebenta ng P20 per kilo na bigas. Ibinunyag ni Garcia na layon ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Cebu… Continue reading Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu, nanawagan sa NFA na suportahan ang kanilang programang pagbebenta ng P20 per kilo na bigas

DILG, tiniyak na tutulong sa COMELEC sa paghabol sa mga kandidatong lalabag sa pangangampanya

Nangako ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na tutulungan ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagtugis sa mga kandidato sa buong bansa na lalabag sa pangangampanya. Kasama ang Philippine National Police (PNP) at attached offices nito, titiyakin ng DILG na maparusahan sila alinsunod sa umiiral na batas sa halalan. Ayon kay DILG… Continue reading DILG, tiniyak na tutulong sa COMELEC sa paghabol sa mga kandidatong lalabag sa pangangampanya

Kaso ng mga Influenza-like Illness (ILI), tumaas ayon sa DOH

Nakikitaan ng Department of Health (DOH) sa huling tala nito na tumataas ang mga kaso ng Influenza-like Illness (ILI) sa bansa. Ayon sa DOH, nitong Oktubre, may kabuuang 151,375 na kaso ng ILI ang naitala sa buong bansa. Ito ay 45% na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, kung saan mayroon lamang… Continue reading Kaso ng mga Influenza-like Illness (ILI), tumaas ayon sa DOH

CHED, nagbukas ng bagong satellite office sa Talisay, Negros Occidental

Binuksan na ng Commission on Higher Education ang bagong satellite office nito sa Talisay, Negros Occidental. Dahil dito, mas mapadadali na ang paghahatid ng mga frontline services sa Rehiyon 6, kabilang ang pag-iisyu ng certifications, special orders, scholarships at iba pang mahahalagang transaksyon sa CHEDRO 6 Office. Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III,… Continue reading CHED, nagbukas ng bagong satellite office sa Talisay, Negros Occidental

Dating Sen. Drilon pinahalagahan ang suporta ni PBBM sa pagkumpleto ng pinakamalaking dam sa labas ng Luzon

Kinilala ni dating Senator Franklin Drilon ang suporta ng ngayong administrasyon ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtayo at pagkumpleto ng pinakamalaking dam sa labas ng Luzon, ang P11.2-billion na Jalaur River Multi-Purpose Project II sa Calinog, Iloilo. Kung maaalala, noong July 19, 2023 inaprubahan ng NEDA ang P8.4-million na hininging dagdag na pondo… Continue reading Dating Sen. Drilon pinahalagahan ang suporta ni PBBM sa pagkumpleto ng pinakamalaking dam sa labas ng Luzon

Speaker Romualdez, personal na nakiramay sa naulilang pamilya ng nasawing Pinoy caregiver

Dinalaw mismo ni Speaker Martin Romualdez ang naiwang pamilya ng isa sa tatlong OFW na nasawi dahil sa gulo sa Israel. Kasamang nakiramay ni Romualdez sina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, Jr. at Pampanga Gov. Dennis Pineda sa pamilya ng Pinoy caregiver na Paul Castelvi na tubong San Fernando Pampanga. Sinamantala na rin ito ni… Continue reading Speaker Romualdez, personal na nakiramay sa naulilang pamilya ng nasawing Pinoy caregiver

Sen. Sherwin Gatchalian, naniniwalang kailangan ang pag-aaral sa Maharlika Investment Fund (MIF) law para matiyak ang pagiging stable ng banking system ng bansa

Para kay Senador Sherwin Gatchalian, prudent move ng presidente ang pag-uutos na suspendihin muna ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) law. Ayon kay Gatchalian, mainam na pag-aralang mabuti ang mga idinedeposito ng Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP) para matiyak ang stability ng dalawang bangko.… Continue reading Sen. Sherwin Gatchalian, naniniwalang kailangan ang pag-aaral sa Maharlika Investment Fund (MIF) law para matiyak ang pagiging stable ng banking system ng bansa

Sen. Chiz Escudero, walang nakikitang masama na pag-aralan munang maigi ang IRR ng Maharlika Investment Fund (MIF) law

Nagpasalamat si Senador Chiz Escudero na nakita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kinakailangan pang pag-aralang mabuti ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF). Ipinaliwanag ni Escudero na hindi naman na pwedeng ibasura ang MIF law at maaari lang pag-aralan kung maaaring maresolba sa implementing rules and regulations (IRR) ang… Continue reading Sen. Chiz Escudero, walang nakikitang masama na pag-aralan munang maigi ang IRR ng Maharlika Investment Fund (MIF) law

Sen. Cynthia Villar, hinimok ang DENR na magdesisyon na tungkol sa patuloy na pagpapatira sa Socorro Bayanihan Services Inc (SBSI) sa isang protected area

Hinikayat ni Senadora Cynthia Villar ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magdesisyon na tungkol sa kanilang Protected Area Community-Based Resource Management Agreement (PACBRMA) sa grupong Socorro Bayanihan Services Inc (SBSI). Sa pagdinig ng panukalang 2024 budget ng DENR, inisa-isa ng ahensya ang mga paglabag ng SBSI sa kanilang kasunduan. Kabilang na dito… Continue reading Sen. Cynthia Villar, hinimok ang DENR na magdesisyon na tungkol sa patuloy na pagpapatira sa Socorro Bayanihan Services Inc (SBSI) sa isang protected area

DSWD, pinasinayaan ang New Press Center at inilunsad ang Viber Community Channel

Binuksan na ang New Press Center (NPC) sa Department of Social Welfare and Development Central Office para palakasin ang media relations at information dissemination efforts ng ahensiya. Binigyang diin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang kahalagahan ng NPC sa information drive ng ahensiya at pagpapatibay ng working relationship nito sa media. Ipinakilala rin ni Gatchalian… Continue reading DSWD, pinasinayaan ang New Press Center at inilunsad ang Viber Community Channel