Biyahe ng mga sasakyan sa gitna ng isinagawang transport strike, normal sa pangkalahatan -DILG

Itinuring ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na normal ang sitwasyon sa Metro Manila sa gitna ng transport strike na isinagawa ng grupong MANIBELA. Batay sa assessment mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinabi ni Abalos na ang epekto ng transport strike ay hindi naman gaano nakaapekto sa commuters. Ito aniya, ay dahil sa… Continue reading Biyahe ng mga sasakyan sa gitna ng isinagawang transport strike, normal sa pangkalahatan -DILG

Gaza isinailalim na sa Alert Level 4 o Mandatory Repatriation ayon sa DFA

Isinailalim na ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang Gaza sa Alert Level 4 o Mandatory Repatriation dahil sa kasalukuyang kaguluhan doon. Ibig sabihin nito, kailangan nang umalis ng Gaza ang lahat ng mga Pilipino na nandoon. Sa ngayon, nakapag-account na ang Philippine Government ng 131 na Pilipino sa Gaza, at hindi bababa sa… Continue reading Gaza isinailalim na sa Alert Level 4 o Mandatory Repatriation ayon sa DFA

Peoples Caravan ng NHA sa Zamboanga City, dinagsa ng tao

Humigit-kumulang 2,000 benepisyaryo ang lumahok sa People’s Caravan na inorganisa ng National Housing Authority (NHA) sa Zamboanga City. Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, inilapit ng ahensya ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno sa mga tao sa isang lugar bukod sa pagbibigay ng mga bahay. Kabilang sa kalahok ang Department of Agriculture, bitbit ang… Continue reading Peoples Caravan ng NHA sa Zamboanga City, dinagsa ng tao

Political leaders sa Kamara, umapela kay dating Pang. Duterte na huwag pagbantaan ang sinomang miyembro ng Kapulungan

Hiniling ng mga lider ng partido politikal sa Kamara kay dating Pang. Rodrigo Duterte na huwag naman pagbantaan ang miyembro ng Kapulungan. Sa isang joint statement, apela ng mga political leader sa dating pangulo at iba pang partido na iwasan ang pagbabanta o pagnanais ng masama sa sino mang House member o sa buong institusyon.… Continue reading Political leaders sa Kamara, umapela kay dating Pang. Duterte na huwag pagbantaan ang sinomang miyembro ng Kapulungan

Official website ng Kamara, na-hack

Kinumpirma ng Office of the House Secretary General na na-hack ang official website ng House of Representatives. Pasado alas-11:00 ng umaga nang ma-hack ang HREP website kung saan may mensaheng nakalagay na “Happy April Fullz, kahit October palang! Fix your website.” Ayon kay House Sec. Gen. Reginald Velasco, agad inaksyunan ng Kamara ang isyu at… Continue reading Official website ng Kamara, na-hack

Mga lokal na opisyal ng gobyerno sa Pangasinan, nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ng OFW na pinatay sa Saudi Arabia

Bumuhos ang pakikiramay sa mga naulila at naiwan ni Marjorette Garcia, ang OFW na karumal-dumal na pinatay ng kanyang kasamahan sa trabaho sa Saudi Arabia. Dumagsa ang mga opisyal ng gobyerno upang bigyang pugay ang sakripisyong ipinamalas ni Marjorette sa kanyang pamilya sa ginanap na Hero’s Welcome kahapon, ika-14 Oktubre 2023. Dumalo ang mga lokal… Continue reading Mga lokal na opisyal ng gobyerno sa Pangasinan, nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ng OFW na pinatay sa Saudi Arabia

Mga bata mula Baseco at Batangas, nakaranas ng vessel tour hatid ng PCG

Inilapit ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga bata mula Baseco at Batangas ang iba’t ibang aktibidad na mga bantay dagat sa pamamagitan ng isang vessel tour na ginanap sa Pier 13, Port Area Manila. Dito nakita ng mga bata ang loob ng barkong BRP Teressa Magbanua at BRP Malabrigo at nasaksihan rin ang mga… Continue reading Mga bata mula Baseco at Batangas, nakaranas ng vessel tour hatid ng PCG

Higit 4,200 na bagong miyembro ng PCG, nagsimula na ng kanilang pagsasanay

Nagsimula na ang pagsasanay ng aabot sa higit 4,200 na bagong miyembro Philippine Coast Guard (PCG) na nagmula pa sa iba’t ibang regional training centers sa buong bansa. Ang mga bagong miyembro ay binubuo ng 400 Coast Guard Officer’s Course (CGOC) trainees at 3,820 Coast Guard Non-Officer’s Course (CGNOC) trainees, na may kabuuang bilang na… Continue reading Higit 4,200 na bagong miyembro ng PCG, nagsimula na ng kanilang pagsasanay

2,900 na ektarya na hindi nataniman ng palay, may positibong epekto sa mga magsasaka

Aminado ang Provincial Agriculture Office (PAO) na hindi nakuha ang target na dapat taniman ng palay ngayong taon na umabot lamang sa mahigit 49,000 ektarya o 94.51% mula sa 52,838 na ektarya. Ipinaliwanag ni Senior Agriculturist Danny Arado, focal person ng PAO, na mayroong 2,900 na ektaryang hindi nataniman ng palay dahil rain fed areas… Continue reading 2,900 na ektarya na hindi nataniman ng palay, may positibong epekto sa mga magsasaka

Pambansang Pabahay ng administrasyong Marcos, itinatayo na sa Davao City

Itinatayo na sa Davao City ang 82-building project sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ininspeksyon na ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar at Social Housing Finance Corporation (SHFC) President Federico Laxa ang project site, kasama ang iba pang… Continue reading Pambansang Pabahay ng administrasyong Marcos, itinatayo na sa Davao City