Gilas at iba pang Atleta sa Asian Games bibigyan ng plaque at cash ni Speaker Romualdez

Pararangalan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Gilas Pilipinas Basketball Team matapos iuwi ang gintong medalya sa bansa, makaraan ang 61-taon. Matatandaang tinalo ng Gilas ang Team Jordan sa score na 70-60 sa China noong Biyernes. Ayon kay Speaker Romualdez, “Gilas taught us Filipinos once again our resilience against all odds, yun bang never… Continue reading Gilas at iba pang Atleta sa Asian Games bibigyan ng plaque at cash ni Speaker Romualdez

House panel Chair, pinatitiyak ang kaligtasan ng mga OFW sa Israel matapos ang umano’y pandurukot ng grupong Hamas

Pinasisiguro ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Ron Salo sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) ang kaligtasan ng mga OFW na naiipit ngayon sa gulo matapos atakihin ng grupong Hamas ang Israel. Pinaka-ikinababahala ni Salo ay ang napaulat na pandurukot ng naturang grupo sa mga indibidwal kasama… Continue reading House panel Chair, pinatitiyak ang kaligtasan ng mga OFW sa Israel matapos ang umano’y pandurukot ng grupong Hamas

Tulong pinansyal sa pamilya ng OFW fisherman na nasawi sa Taiwan, ipinaabot ng pamahaalan

Ipinaabot na ng pamahalaan ang tulong pinansyal sa pamilyang naiwan ng Filipino fisherman na nasawi sa Taiwan. Sinasabing ang Pilipinong mangingisda ay nagtatrabaho sa isang fishing company sa Taiwan na namatay habang nasa loob ng isang Taiwanese vessel noong huling bahagi ng Hunyo. Ayon kay MECO Chairman Silvestre Bello III, ito ang unang kasong naitala… Continue reading Tulong pinansyal sa pamilya ng OFW fisherman na nasawi sa Taiwan, ipinaabot ng pamahaalan

Mga naaresto dahil sa paglabag sa gun ban, higit isang libo na -PNP

Nasa 1,135 indibidwal ang naaresto na ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa gun ban habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Sa kabuuang bilang, 1,088 sa mga naaresto ay mga sibilyan, labing anim(16) naman ang security guard, dalawa (2) ang elected government official , limang (5) pulis at apat ( 4… Continue reading Mga naaresto dahil sa paglabag sa gun ban, higit isang libo na -PNP

Speaker Romualdez, kaisa sa pagkondena sa pag-atake sa Israel; kaligtasan ng mga OFW pinatitiyak

Nakiisa si House Speaker Martin Romualdez sa mga nagpahayag ng pagkondena sa ginawang pag-atake sa Israel kung saan marami sa mga bikita ay sibilyan. Ayon sa House leader, ang karahasan ay lalo lamang magdudulot ng gulo. Nanawagan din ito sa lahat ng partido lalo na ang lider ng Hamas na idaan sa payapang pag-uusap ang… Continue reading Speaker Romualdez, kaisa sa pagkondena sa pag-atake sa Israel; kaligtasan ng mga OFW pinatitiyak

Embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia may abiso sa publiko para sa schedule ng kanilang mga consular services

Inanunsyo ng Embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia sa publiko ang pansamantalang schedule para sa ilang consular services. Ayon sa abiso, ang mga sumusunod na consular services ay ibibigay lamang sa pamamagitan ng appointment mula ika-15 hanggang ika-19 ng Oktubre 2023, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali. Kabilang dito ang marriage application, report… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia may abiso sa publiko para sa schedule ng kanilang mga consular services

12 Pinoy evacuees mula Sudan nakauwi na ng bansa

Balik-pinas na ang 12 overseas Filipino na lumikas sa bansang Sudan matapos matulungan ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo. Ayon sa Philippine Embassy sa Cairo, tumulong sila sa paglikas ng 12 overseas Filipinos na nasa Sudan upang umasiste sa kanilang mga kinakailangang dokumento papuntang Cairo at pauwi ng Pilipinas. Sa kabuuan, 830 Pilipino ang umalis… Continue reading 12 Pinoy evacuees mula Sudan nakauwi na ng bansa

Pagiging epektibo ng student discount sa pampublikong transportasyon, nilinaw ng LTFRB

Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga jeepney driver at operator sa pagbibigay ng fare discount sa mga estudyante. Alinsunod sa Republic Act No. 11314 o ang Student Fare Discount Act, makatatanggap ng dalawampung porsyentong (20%) diskwento sa pamasahe ang mga estudyante na sasakay sa mga jeepney, buses, taxi at iba… Continue reading Pagiging epektibo ng student discount sa pampublikong transportasyon, nilinaw ng LTFRB

921 pamilya sa Camalig, Albay, balik na sa kanilang mga tahanan matapos ang apat na buwang pananatili sa evacuation center

Balik na sa kanilang mga normal na pamumuhay ang 921 pamilya sa bayan ng Camalig Albay matapos ang mahigit apat na buwang pananatili sa evacuation center simula nang mag-alburoto ang Bulkang Mayon nitong Hunyo. Matapos maglabas ng kautusan ang Pamahalaang Panlalawigan ukol sa decampment ng mahigit dalawang libong pamilya sa Albay ay agad na nag-empake… Continue reading 921 pamilya sa Camalig, Albay, balik na sa kanilang mga tahanan matapos ang apat na buwang pananatili sa evacuation center

DILG Secretary Abalos, pinangunahan ang pamamahagi ng cash assistance sa mga dating rebelde sa Samar

Pinangunahan ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang pamamahagi ng cash assistance sa mga nagbalik loob na mga dating rebelde sa Region 8. May 35 dating rebelde mula sa Northern Samar at 16 din mula sa Eastern Samar ang nakatanggap ng package assistance na nagkakahalaga ng P2.9 million sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration… Continue reading DILG Secretary Abalos, pinangunahan ang pamamahagi ng cash assistance sa mga dating rebelde sa Samar