Dagdag suporta para sa PCG at PNP maritime group, ipinahayag ni Senate Pres. Zubiri

Muling tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang ibibigay na dagdag na suporta ng Mataas na Kapulungan ng Senado sa Philippine Coast Guard para mapaigting ang pagbabantay sa ating mga karagatan. Ayon kay Zubiri, maliban sa commitment na taasan ang pondo para sa pagbili ng mga dagdag na sasakyang pandagat ay tataasan rin aniya… Continue reading Dagdag suporta para sa PCG at PNP maritime group, ipinahayag ni Senate Pres. Zubiri

Isang miyembro ng rebeldeng NPA, sumuko sa mga awtoridad sa Misamis Occidental

Sumuko sa mga awtoridad ang isang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos masugatan at iwan ng kanyang mga kasamahan sa bundok ng Misamis Occidental. Kinilala ni B/Gen. Elmer Suderio, kumandante ng 102nd Infantry “Igsoon” Brigade ng Philippine Army, ang sumukong rebelde na si Roldan Langheras, 27 anyos na taga Purok 5 sa Barangay… Continue reading Isang miyembro ng rebeldeng NPA, sumuko sa mga awtoridad sa Misamis Occidental

Guro na nanampal ng Grade 5 student sa Antipolo City, naghain ng indefinite leave of absence

Kinumpirma ng principal ng Peñafrancia Elementary School sa Cupang, Mayamot, Antipolo City na si Dr. Marilyn Rodriguez na naghain ngayong araw ng leave of absence ang guro na si Mrs. Marisol Sison. Sa panayam ng media kay Rodriguez, indefinite leave ang inilagay sa leave form na pirmado at isinumite ni Sison sa paaralan kaninang umaga.… Continue reading Guro na nanampal ng Grade 5 student sa Antipolo City, naghain ng indefinite leave of absence

10-wheeler truck, naaksidente sa Ortigas Avenue-Junction; kahon-kahong mga beer, nagkalat sa kalsada

Mabigat na trapiko nararanasan sa may bahagi ng Ortigas Avenue Extension- Junction tapat ng Villarica Pawnshop, direksyon na papunta sa Antipolo City. Ito ay matapos maaksidente ang isang 10-wheeler truck at nagkalat sa kalsada ang mga case ng beer. Bandang alas-4:30 ng hapon nangyari ang aksidente. Kasalukuyan namang inaayos na ng mga tuanan ng Cainta… Continue reading 10-wheeler truck, naaksidente sa Ortigas Avenue-Junction; kahon-kahong mga beer, nagkalat sa kalsada

DSWD, tinulungan ang pamilya ng namayapang 5th grader na sinampal umano ng guro

Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ni Francis Jay Gumikib, ang Grade 5 student mula sa Antipolo City na namatay dahil sa umanoy pananampal ng kanyang guro. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, nagpaabot na ng tulong pinansiyal ang DSWD Field Office 4A sa naulilang pamilya para… Continue reading DSWD, tinulungan ang pamilya ng namayapang 5th grader na sinampal umano ng guro

“No Swimming, No Sailing Policy”, mahigpit na ipinapatupad sa Tondaligan Beach sa Dagupan City dahil sa bagyong Jenny

Ipinagbabawal ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang pagligo at pagpalaot sa Tondaligan Beach dahil sa epekto ng bagyong Jenny. Kaugnay nito, mahigpit ang ginagawang monitoring ng mga kawani ng Tondaligan Park Administration kasabay na rin ng kanilang paalala sa mga taong bumibisita sa beach hinggil sa pinaiiral na kautusan. Katuwang rin ng tanggapan sa… Continue reading “No Swimming, No Sailing Policy”, mahigpit na ipinapatupad sa Tondaligan Beach sa Dagupan City dahil sa bagyong Jenny

Mga nakatira malapit sa Sinucalan River sa Pangasinan, inalerto dahil sa bagyong Jenny

Inalerto ng pamunuan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan ang kanilang mga residenteng nakatira malapit sa Sinucalan River kasunod ng bagyong Jenny. Sa abiso ng tanggapan sa pamumuno ni MDRRM Officer Raymond Santos, dapat na paghandaan ng mga residente lalo na sa mga nakatira malapit sa ilog… Continue reading Mga nakatira malapit sa Sinucalan River sa Pangasinan, inalerto dahil sa bagyong Jenny

Dalawang araw na ‘Kadiwa ng Pangulo’ program, matagumpay na nailunsad sa kapitolyo ng Zamboanga Sibugay

Naging matagumpay ang inilunsad na dalawang araw na “Kadiwa ng Pangulo” program na ginanap sa Provincial Capitol Atrium sa Barangay Ipil Heights sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay. Ang okasyon ay nilahukan ng 13 DOLE-assisted exhibitotrs na nagmumula sa iba’t ibang mga bayan ng lalawigan. Tampok sa mga display ng Kadiwa ng Pangulo ang mga… Continue reading Dalawang araw na ‘Kadiwa ng Pangulo’ program, matagumpay na nailunsad sa kapitolyo ng Zamboanga Sibugay

Dalawang barangay sa Jolo, tututukan ng mga kinauukulan sa nalalapit na BSKE

Tututukan ng Commission on Elections (COMELEC) sa pakikipagtulungan sa magsasanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapatupad ng seguridad sa dalawang barangay sa bayan ng Jolo, Sulu bilang areas of concern kung saan maaaring magkaroon ng mainit na labanan ang mga magtutunggali sa pagkapunong barangay sa Barangay… Continue reading Dalawang barangay sa Jolo, tututukan ng mga kinauukulan sa nalalapit na BSKE

Ina ng grade 5 student sa Antipolo City na nasawi matapos sampalin ng guro, nanawagan ng hustisya kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte

Nanawagan ng hustisya ang ina ng Grade 5 student sa Peñafrancia Elementary School sa Antipolo City na nasawi matapos umanong sampalin ng guro. Kinilala ang biktima na si Francis Jay Gumikib, 14 na taong gulang. Personal na nakausap ng Radyo Pilipinas ang nagdadalamhating ina ni Francis na si Elena Minggoy at ibinahagi nito ang nangyari… Continue reading Ina ng grade 5 student sa Antipolo City na nasawi matapos sampalin ng guro, nanawagan ng hustisya kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte