Masbate, tatlong beses niyanig ng lindol ngayong umaga -PHIVOLCS

Tatlong magkasunod na lindol ang naitala sa lungsod ng Masbate ngayong umaga. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), dakong alas-6:21 ng umaga nang unang yanigin ng magnitude 4.1 ang lungsod. Natukoy ang epicenter ng lindol sa layong 11 kilometro sa Hilagang-Kanluran ng Masbate. May lalim na 8 kilometro ang pinagmulan nito… Continue reading Masbate, tatlong beses niyanig ng lindol ngayong umaga -PHIVOLCS

Pondo ng PNP, pinadaragdagan para sa pambili ng body cameras

Hinikayat ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano ang mga kasamahang mambabatas na dagdagan ang pondo ng Philippine National Police o PNP para pambili ng body worn cameras. Sa pagsalang ng panukalang 2024 budget ng DILG sa plenaryo, sinabi ni Paduano na kailangang pondohan pa ang body worn cameras upang mapigilan ang anumang posibleng… Continue reading Pondo ng PNP, pinadaragdagan para sa pambili ng body cameras

Higit P2.5-million, naipamahagi na sa micro rice retailers sa Capiz -DSWD

Umabot sa P2,580,000 pondo ang ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa cash subsidy ng 172 eligible micro rice retailers sa lalawigan ng Capiz. Ipinamahagi ang cash subsidy sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program DSWD Field Office VI. Ginawa ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa pamamagitan ng dalawang batches, una ay… Continue reading Higit P2.5-million, naipamahagi na sa micro rice retailers sa Capiz -DSWD

SC, pinabulaanan ang kumakalat na impormasyon sa social media na AI ang gagamitin sa sorting at checking ng 2023 Bar examinations

Mariing pinabulaanan at kinondena ng Korte Suprema ang kumakalat na impormasyon sa social media na artificial intelligence (AI) diumano ang gagamitin sa sorting at checking ng Bar examinations ngayong taon. Sa advisory na inilabas ng Office of the 2023 Bar Chair ng Supreme Court (SC), dalawang Facebook group page ang nakapukaw ng kanilang atensyon na… Continue reading SC, pinabulaanan ang kumakalat na impormasyon sa social media na AI ang gagamitin sa sorting at checking ng 2023 Bar examinations

Mga pamilyang naapektuhan ng pagtaas ng tubig baha kahapon, higit sa 600 -LGU

Nagpalipas ng magdamag sa mga evacuation center sa lungsod Quezon ang maraming pamilya dahil sa pagtaas ng tubig baha sa kanilang lugar dulot ng malakas na ulan. Sa ulat ng Quezon City LGU, napilitang ilikas ang 605 pamilya o 1,528 indibidwal mula sa mga barangay ng Roxas, Damayang Lagi, Bagumbuhay, Quirino 2A, Mangga at Barangay… Continue reading Mga pamilyang naapektuhan ng pagtaas ng tubig baha kahapon, higit sa 600 -LGU

Road reblocking at repairs ng DPWH, magpapatuloy ngayong weekend

Paaalala sa ating mga motorista na bibiyahe ngayong araw, patuloy ang pagsasagawa ng road reblocking and repairs ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila. Sa tala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) may 22 lugar sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ang kasalukuyang isinasailalim ng DPWH sa… Continue reading Road reblocking at repairs ng DPWH, magpapatuloy ngayong weekend

DOLE, handang tumalima kung magkakaroon ng batas para sa national minimum wage

Tatalima ang Department of Labor and Employment (DOLE) oras na magkaroon ng batas para alisin ang regionalized wage setting at isulong ang isang national minimum wage. Sa interpelasyon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, nausisa nito ang DOLE kung ano direksyon nito patungkol sa review sa RA 6727 o Wage Rationalization Act. Isa kasi sa… Continue reading DOLE, handang tumalima kung magkakaroon ng batas para sa national minimum wage

DOT, dismayado kasunod ng insidente ng pagnanakaw ng isang airport personnel sa isang dayuhan

Dismayado ang Department of Tourism (DOT) kasunod ng insidenteng kinasangkutan ng isang airport personnel dahil umano sa pagnanakaw nito ng pera mula sa isang dayuhan. Matatandang nag-viral ang kuha sa CCTV ng paglunok ng sinasabing personnel sa 300 US dollar bills na nawawalang pera ng isang pasaherong paalis ng Maynila. Binigyang-diin ng DOT sa isang… Continue reading DOT, dismayado kasunod ng insidente ng pagnanakaw ng isang airport personnel sa isang dayuhan

PBBM, muling tiniyak na hindi problema ang suplay ng bigas sa bansa; mas malaking ani ngayong taon, ginarantiya

Muling siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang problema ang bansa kung ang pag-uusapan ay suplay ng bigas. Sa ginawang pamamahagi ng bigas ng Pangulo sa Iriga, Camarines Sur, inihayag ng Punong Ehekutibo na maraming bigas, dangan lang at hindi nailalabas ng tama. Kung tutuusin nga sabi ng Pangulo ay mas marami ang… Continue reading PBBM, muling tiniyak na hindi problema ang suplay ng bigas sa bansa; mas malaking ani ngayong taon, ginarantiya

Dalawang mangingisdang Pinoy, nailigtas ng Hukbong Pandagat ng China

Ligtas na ngayon mula sa kapahamakan ang dalawang mangingisdang Pinoy matapos silang ma-rescue ng Chinese People’s Liberation Army (PLA) naval vessel sa karagatang sakop South China Sea. Ayon sa Chinese authorities, naglalayag ang barkong Pinoy sa Silangan ng maritime zone ng Nansha Islands nang lapitan ito ng mga mangingisda upang humingi ng saklolo. Dito natuklasan… Continue reading Dalawang mangingisdang Pinoy, nailigtas ng Hukbong Pandagat ng China