43 overstaying OFW mula UAE, balik-bansa na

Nakauwi na sa Pilipinas ang pangalawang batch ng mga overstaying na Filipino mula Abu Dhabi at Dubai sa ilalim ng UAE Amnesty Program na inilunsad magmula noong September 1 nitong taon. Binubuo ang nasabing grupo ng 43 OFWs na nakinabang sa amnestiya upang makabalik na bansa. Sa kanilang pag-uwi, agad silang sinalubong ng Department of… Continue reading 43 overstaying OFW mula UAE, balik-bansa na

Daan-daang trabaho, naghihintay sa extended job fair sa lungsod ng Maynila

Pinahaba pa ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang programang “Marangal na Trabaho para sa bawat Manileño” sa pangunguna ni Mayor Dra. Honey Lacuna at ng Public Employment Service Office (PESO) ng Maynila ang “TRABADO” o “Hanap Trabaho tuwing Sabado” para sa mga job seekers na Manileño. Ngayong araw, September 21, 2024, mula 10:00 AM… Continue reading Daan-daang trabaho, naghihintay sa extended job fair sa lungsod ng Maynila

Ilan pang LGU sa Northern Luzon, nakipag-partner sa DHSUD para sa 4PH program ng gobyerno

Tatlo pang local government units sa Northern Luzon ang naghayag ng interes na magtayo ng housing projects sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Pormal nang lumagda sa  kasunduan sina DHSUD Undersecretary Gary De Guzman,ang 4PH Project Management Office  Head, Delfin Albano ,Isabela Mayor Arnold Edward Co,Rizal… Continue reading Ilan pang LGU sa Northern Luzon, nakipag-partner sa DHSUD para sa 4PH program ng gobyerno

QC LGU, palalakasin pa ang kampanya laban sa basura at pagbaha sa Quezon City

Pinaplantsa na ng Quezon City Government ang ilulunsad na city wide program na “QC Tanggal Bara, Iwas Baha sa 142 Barangay sa Lungsod”. Katunayan, pinulong na ni Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan upang mabigyang solusyon ang madalas na pagbabaha sa lungsod ngayong tag-ulan. Nais ng alkalde na pangunahan ng mga… Continue reading QC LGU, palalakasin pa ang kampanya laban sa basura at pagbaha sa Quezon City

Malacañang, nagtalaga ng OIC sa Energy Regulatory Commission

Itinalaga bilang Officer-in-Charge Chairperson and Chief Executive Officer ng Malakanyang si Atty. Jesse Hermogenes T. Andres sa Energy Regulatory Commission. Base ito sa inilabas na Memorandum ng tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang September 20, 2024. Ang pagkakatalaga kay Atty. Andres ay ginawa sa gitna ng umiiral na 6 months suspension order… Continue reading Malacañang, nagtalaga ng OIC sa Energy Regulatory Commission

BAN Toxic, inalerto ang QC government sa nadiskubreng mercury leakage sa isang barangay

Naalarma ang grupong BAN Toxic sa nadiskubreng mercury leakage sa stockpile ng mga busted flourescent lamps sa Barangay Blue Ridge -A sa Quezon City. Sa ulat ng Toxic Watchdog, ang mga stockpile ay kinolekta sa komunidad para matiyak ang tamang disposal ng hazardous waste mula sa mga kabahayan. Ayon kay Tony Dizon ng Ban Toxic,… Continue reading BAN Toxic, inalerto ang QC government sa nadiskubreng mercury leakage sa isang barangay

GSIS, naglaan ng ₱1.5 bilyon para sa dengue loan

Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng ₱1.5 bilyon na emergency loan sa mga miyembro at pensioners nito na apektado ng dumaraming kaso ng dengue. Sinabi ni GSIS president at general manager Wick Veloso na binuksan ng ahensya ang emergency loan window nito para sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity… Continue reading GSIS, naglaan ng ₱1.5 bilyon para sa dengue loan

PUP Open University inilunsad ang isang programa para sa mga PDL ng Manila City Jail

Inilunsad ng Polytechnic University of the Philippines Open University System (PUPOUS) ang isang makabagong inisyatiba na nag-aalok ng higher education program para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Manila City Jail. Tinatayang nasa 72 PDL mula sa Manila City Jail Male Dormitory ang naka-enroll sa kursong Bachelor of Science in Business Administration na… Continue reading PUP Open University inilunsad ang isang programa para sa mga PDL ng Manila City Jail

PSA, nakapag-rehistro na ng 90 million Pilipino sa National ID System

Umabot na ng higit 90 milyong Pilipino ang nairehistro ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa National ID System. Hanggang Setyembre 19, 2024, pumalo sa 90,017,181 o 97.8% ng 92 million target registrations ang naitala ngayong taon. Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General, tuloy-tuloy pa ang pagpaparehistro pati ang… Continue reading PSA, nakapag-rehistro na ng 90 million Pilipino sa National ID System

Budget ng DOST, mabilis na lumusot sa House plenary deliberation

Mabilis na lumusot ang budget deliberasyon ng Department of Science and Technology (DOST) na nagkakahalaga ng P26.73 billion. Sa manifestation ni Act Teachers Partylist France Castro, sinabi nito na kuntento sila sa budget biefing ng DOST at humanga na nasagot lahat ni DOST Sec. Renato Solidum ang lahat ng katanungan at issues ng mga mambabatas.… Continue reading Budget ng DOST, mabilis na lumusot sa House plenary deliberation