Retired Police General Thompson Lantion, nanumpa na sa pwesto, bilang bagong Chairman ng BCDA

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Retired Police General Thompson Lantion, bilang bagong Chairman ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA). Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez (September 10). Papalitan ni Lantion ang babakantehing pwesto ni BCDA Chair Delfin Lorenzana. Si Lantion, ay miyembro ng Philippine Military Academy… Continue reading Retired Police General Thompson Lantion, nanumpa na sa pwesto, bilang bagong Chairman ng BCDA

Bagong Catbalogan Airport sa Samar, binuksan na – DOTr

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na binuksan na ang bagong Catbalogan Airport sa Samar. Ayon sa DOTr, mas maluwag at modernong terminal ang bubungad sa mga pasahero mula Samar at karatig probinsya. Sinabi ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista na ang bagong passenger terminal building ay magpapataas ng kapasidad ng Catbalogan Airport mula 10… Continue reading Bagong Catbalogan Airport sa Samar, binuksan na – DOTr

Sen. Jinggoy Estrada, hinikayat ang DOJ na imbestigahan pa kung sino ang mga tumulong kay dating Mayor Alice Guo na makalabas ng bansa

Iginiit ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na dapat pang imbestigahan ng gobyerno, partikular ng Department of Justice (DOJ), kung sino ang mga sangkot sa pagpapalabas sa Pilipinas ni dating Mayor Alice Guo. Ayon kay Estrada, hindi lang dapat matigil sa pagsibak kay dating BI Commissioner Norman Tansingco ang hakbang ng gobyerno. Hindi naniniwala… Continue reading Sen. Jinggoy Estrada, hinikayat ang DOJ na imbestigahan pa kung sino ang mga tumulong kay dating Mayor Alice Guo na makalabas ng bansa

Sen. Escudero, nanawagan sa bagong pinuno ng BI na bilisan ang reimbursement sa mga offloaded passengers

Pinamamadali ni Senate President Chiz Escudero kay Bureau of Immigration (BI) office in charge Atty. Joel Anthony Viado ang pagbibigay ng reimbursement sa mga na-offload na pasahero ng mga eroplano. Binigyang diin ng Senate president na may special provision sa ilalim ng 2024 national budget na nagmamandato na ma-reimburse ang pamasahe ng mga pasahero na… Continue reading Sen. Escudero, nanawagan sa bagong pinuno ng BI na bilisan ang reimbursement sa mga offloaded passengers

Paglipat ng NIA sa Office the President, welcome kay DA Sec. Laurel

Pabor si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pansamantalang ilipat ang National Irrigation Administration (NIA) sa Office of the President (OP) mula sa Department of Agriculture (DA). Tinawag ng Kalihim ang paglilipat na isang “strategic move”para sa pagsasakatuparan ng isang moderno at mas produktibong farm sector.… Continue reading Paglipat ng NIA sa Office the President, welcome kay DA Sec. Laurel

DMW, nanawagan sa House Appropriations Committee na ibalik ang dagdag na pondo ng National Reintegration Program ng mga OFWs.

Nanawagan si Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac sa mga miyembro ng House Appropriations Committee na ibalik ang ₱97 million budget ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO). Sa ilalim kasi ng 2025 National Expenditure Program o NEP nabawasan ng 45% ang budget ng NRCO at ngayon ay nasa 53.72 million na… Continue reading DMW, nanawagan sa House Appropriations Committee na ibalik ang dagdag na pondo ng National Reintegration Program ng mga OFWs.

House Appropriations panel Chair, bumuwelta sa paratang na dalawang tao lang ang may kontrol sa national budget

Dumepensa si House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co sa paratang na siya at si Speaker Martin Romualdez lang ang may hawak at kontrol sa budget ng pamahalaan. Ayon kay Co, pambubudol at panlilihis lamang sa tunay na isyu ang pahayag na ito. Giit niya, malabong sila lang ng House Speaker ang may kontrol sa… Continue reading House Appropriations panel Chair, bumuwelta sa paratang na dalawang tao lang ang may kontrol sa national budget

DMW, nagbabala laban sa mga illegal recruiter sa social media

Muling nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko laban sa mga illegal recruiter na gumagamit ng social media at iba pang online platforms para makapang-akit ng mga nais na maging overseas Filipino workers (OFWs). Sa abiso ng DMW, pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na maging maingat at laging i-verify ang lisensya ng mga… Continue reading DMW, nagbabala laban sa mga illegal recruiter sa social media

Marikina Mayor Marcy Teodoro, kabilang sa top 10 performing mayors ng NCR, ayon sa Pulso ng Bayan survey

Pasok sa top 10 ng mga nangungunang alkalde sa National Capital Region (NCR) si Marikina City Mayor Marcy Teodoro. Ito ay batay sa resulta ng August 2024 Pulso ng Bayan survey. Ayon sa survey, na isinagawa ng Social Pulse Research, layon nitong sukatin ang opinyon ng publiko tungkol sa performance ng mga lokal na lider.… Continue reading Marikina Mayor Marcy Teodoro, kabilang sa top 10 performing mayors ng NCR, ayon sa Pulso ng Bayan survey

Sen. Tolentino, iginiit na ang Senado ang may hurisdiksyon sa kustodiya ni dating Mayor Alice Guo

Naniniwala si Senate Majority Leader Francis Tolentino na ang Senado ang tama at may legal na hurisdiksyon ngayon sa kustodiya ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, ipinunto ni Tolentino na tila mali ang korteng may hawak ng kaso ni Guo. Paliwanag ng majority leader, base sa Republic… Continue reading Sen. Tolentino, iginiit na ang Senado ang may hurisdiksyon sa kustodiya ni dating Mayor Alice Guo