OWWA, nakiisa sa panawagan sa mga Pinoy sa Lebanon na lumikas na

Nakikiisa ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa panawagan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ating mga kababayan na nasa Lebanon na lumikas na habang may pagkakataon pang umuwi. Ito ay sa gitna ng tumitinding sitwasyon doon sa pagitan ng Hezbollah at Israeli Forces. Kaya naman patuloy ang paalala ng Embahada ng Pilipinas sa… Continue reading OWWA, nakiisa sa panawagan sa mga Pinoy sa Lebanon na lumikas na

94.2% ng budget para sa 2024, nailabas na ng DBM nitong katapusan ng Hulyo

Iniulat ng Department of Budget and Management (DBM) na umabot sa 94.2% ng 2024 national budget ang nailabas sa katapusan ng Hulyo. Ito ay katumbas ng higit sa ₱5.44 trilyon mula sa ₱5.77 trilyong General Appropriations Act (GAA) na naitalaga sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Sa mga pangunahing departamento, ang Department of Education (DepEd)… Continue reading 94.2% ng budget para sa 2024, nailabas na ng DBM nitong katapusan ng Hulyo

Paggamit ng fire truck para sa isang swimming pool sa Rizal, pinaiimbestigahan na ng DILG

Ipinag-utos na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang imbestigasyon sa umano’y paggamit ng fire truck sa isang pribadong swimming pool sa Taytay Rizal.  Partikular na inatasan ni Abalos si BFP Chief Fire Director Louie Puracan na alamin ang alegasyong “unlawful” na paggamit… Continue reading Paggamit ng fire truck para sa isang swimming pool sa Rizal, pinaiimbestigahan na ng DILG

Minister of Foreign Affairs ng Democratic Republic of Timor-Leste bibisita sa bansa bukas, August 19

Nakatakdang dumating sa Pilipinas ang Minister of Foreign Affairs and Cooperation ng Democratic Republic of Timor-Leste na si Bendito dos Santos Freitas para sa isang official visit simula bukas araw ng Lunes, Agosto 19 hanggang 21, 2024. Ito ang kauna-unahang pagbisita ni Minister dos Santos Freitas sa Pilipinas bilang Foreign Minister, isang tungkuling kanyang sinimulan… Continue reading Minister of Foreign Affairs ng Democratic Republic of Timor-Leste bibisita sa bansa bukas, August 19

Mga hakbang kontra ASF, mas pinaigting pa ng NMIS

Mas pinaigting pa ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang kanilang mga hakbang kasunod ng paglaganap ng African Swine Fever sa Batangas. Ayon kay NMIS-NCR Regional Technical Director Dr. Jocelyn Salvador, makakatulong umano ito para maiwasang maipuslit papasok ng Metro Manila ang mga apektadong baboy. Bukod sa accreditation at registration, puspusan na rin ang surveillance… Continue reading Mga hakbang kontra ASF, mas pinaigting pa ng NMIS

300 kawani ng PCG, nakatanggap ng libreng gamot at konsultasyon sa ilalim ng Tamang Alaga Program

Tinatayang humigit-kumulang sa 300 kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nakinabang sa libreng konsultasyon at gamot sa paglulunsad ng Tamang Alaga Program na isinagawa sa National Headquarters nito sa Port Area, Maynila, nitong linggo. Ang nasabing programa ay resulta ng pakikipagtulungan ng PCG sa Unilab Pharmaceutical Company na nagbigay din ng diskwento sa mga… Continue reading 300 kawani ng PCG, nakatanggap ng libreng gamot at konsultasyon sa ilalim ng Tamang Alaga Program

Operasyon ng Navigational Gate sa Malabon-Navotas River, susubukan na sa Miyerkules

Susubukan nang ilagay sa Close at Open Position ang inaayos na Navigational Gate sa Malabon-Navotas River sa Miyerkules, Agosto 21. Ayon kay Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, hanggang ngayon ay may mga tinatapos pang pagsasaayos sa gate. Masusubukan nila ito bago ang pagtaas ng lebel ng high tide sa susunod na linggo. Kasabay nito ang… Continue reading Operasyon ng Navigational Gate sa Malabon-Navotas River, susubukan na sa Miyerkules

DFA, pinag-iingat ang mga Pinoy sa Kenya kasunod ng Mpox outbreak

Hinihimok ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Kenya na mag-ingat dahil sa patuloy na pagkalat ng Mpox na idineklara na ng World Health Organization bilang isang Public Health Emergency of International Concern. Ito ay kasunod ng isang katulad na advisory na inilabas noong nakaraang buwan. Pinapayuhan ng DFA ang mga Pilipino… Continue reading DFA, pinag-iingat ang mga Pinoy sa Kenya kasunod ng Mpox outbreak

Kaso ng dengue at leptospirosis sa QC, patuloy pa ang pagtaas –QC LGU

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng sakit na dengue at leptospirosis sa Lungsod Quezon. Batay sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit mula Enero 1 hanggang Agosto 10, pumalo na sa 2,268 ang kaso ng dengue sa lungsod. May pagtaas ito ng 201 na kaso mula sa 2,067 na naitala hanggang Agosto 3.… Continue reading Kaso ng dengue at leptospirosis sa QC, patuloy pa ang pagtaas –QC LGU

China, naghain ng protesta sa presensiya ng barko ng PCG sa Sabina Shoal

Umalma at naghain ng protesta ang China laban sa Pilipinas sa ilegal umanong pananatili ng Philippine Coast Guard (PCG) vessel sa katubigang sakop ng Sabina Shoal o kilala ring Escoda Shoal. Ayon sa China, pumasok ito sa lagoon nang walang permiso at nanatili doon nang matagal na labag diumano sa soberanya ng China at sa… Continue reading China, naghain ng protesta sa presensiya ng barko ng PCG sa Sabina Shoal