Malakas na lindol sa Russia, walang banta ng tsunami sa Pilipinas –PHIVOLCS

Tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng malakas na lindol kaninang madaling araw sa bansang Russia. Ito’y batay sa inilabas na Tsunami Alert ng PHIVOLCS ilang minuto matapos maganap ang lindol. Dahil dito, walang dapat ipangamba ang mamamayan sa bansa partikular sa mga baybaying… Continue reading Malakas na lindol sa Russia, walang banta ng tsunami sa Pilipinas –PHIVOLCS

NHA, patuloy sa pagsulong ng gender sensitive na mga komunidad

Limang araw na nagsagawa ng Gender and Development Pool of Trainer’s Training ang National Housing Authority (NHA) para mga piling opisyal at kawani ng ahensya. Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, ang aktibidad na ito ay bahagi ng commitment ng ahensya sa gender equality. Nilalayon nitong makapagtalaga ng mga bihasa at competent in-house trainers… Continue reading NHA, patuloy sa pagsulong ng gender sensitive na mga komunidad

DPWH at ADB, mas pinalakas pa ang pagtutulungan para sa pagpapabilis ng mga mahahalagang infrastructure project sa bansa

Pinagtibay pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pakikipagtulungan nito sa Asian Development Bank (ADB) upang bigyang prayoridad at pabilisin ang ilang mahahalagang proyektong pang-imprastruktura dito sa bansa. Sa isang pulong nitong linggo na pinangunahan ni DPWH Senior Undersecretary Emil Sadain at ADB Country Director Pavit Ramachandran, naging sentro ng diskusyon ang… Continue reading DPWH at ADB, mas pinalakas pa ang pagtutulungan para sa pagpapabilis ng mga mahahalagang infrastructure project sa bansa

ARTA, dinayo ang Zamboanga City para sa Bagong Pilipinas Town Hall Meeting

Aabot sa 98 kinatawan ng Barangay sa Zamboanga City ang dumalo sa Bagong Pilipinas Town Hall Meeting ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) kahapon. Ang inisyatibang ito ng ARTA ay upang higit pang isulong ang mandato at mga hakbangin nito sa ilalim ng administrasyong Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. Ang Zamboanga City ang ika-23 locality na… Continue reading ARTA, dinayo ang Zamboanga City para sa Bagong Pilipinas Town Hall Meeting

Alternatibong masasakyan ng mga commuter na apektado ng pansamatalang pagsasara ng LRT-1 tuwing weekends ibinhagi ng LRMC

Inilatag ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang ilang alternatibong masasakyan ng kanilang mga mananakay sa pansamatalang pagsasara ng LRT-1 tuwing weekends simula ngayong araw, August 17. Ilan sa mga alternatbong masasakyan na itinuro ng LRMC ay ang pagsakay sa mga bus mula Malanday patungong MOA, EDSA Carousel na may biyaheng Monumento hanggang sa PITX,… Continue reading Alternatibong masasakyan ng mga commuter na apektado ng pansamatalang pagsasara ng LRT-1 tuwing weekends ibinhagi ng LRMC

Singapore President bumisita sa Taguig City para sa pagpapalakas ng kolaborasyon sa larangan ng healthcare

Personal na binista ng Singaporean President Tharman Shanmugaratman ang lungsod ng Taguig upang palakasin pa ang ugnayan nito sa bansa partikular na sa kolaborasyon sa larangan ng kalusugan. Sa nasabing kaganapan, binigyang-diin ni President Tharman ang pagpapahalaga sa kalusugan ng mga ina at mga bata, lalo na sa kanilang unang dalawang taon. Binanggit din nito… Continue reading Singapore President bumisita sa Taguig City para sa pagpapalakas ng kolaborasyon sa larangan ng healthcare

CSC, ikinasa na ang Nationwide Job Fair sa susunod na buwan

Itinakda na sa Setyembre 2 hanggang 6 ngayong taon ang Nationwide Job Fair ng Civil Service Commission. Ang hakbang na ito ng CSC ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-124 na anibersaryo ng Philippine Civil Service. Ang 2024 Government Job Fair ay isang onsite event na layong mabigyan ng pagkakataon ang mga indibidwal na nagpaplanong ituloy… Continue reading CSC, ikinasa na ang Nationwide Job Fair sa susunod na buwan

Biyahe ng libreng sakay ng QCity Bus sa Lunes, hindi sususpindihin ng QC LGU

Tuloy-tuloy ang libreng sakay ng QCity Bus sa Lunes, Agosto 19 kahit idineklarang holiday sa Lungsod Quezon. Sa abiso ng QC LGU, mananatili ang biyahe ng libreng sakay sa walong ruta nito sa lungsod. Magkakaroon lamang ng 30 minutong pagitan ang biyahe sa rutang Quezon City Hall hanggang Cubao, QC Hall hanggang Litex/IBP Road, QC… Continue reading Biyahe ng libreng sakay ng QCity Bus sa Lunes, hindi sususpindihin ng QC LGU

DSWD, patuloy ang pamamahagi ng cash aid sa mga college student ng Tara, Basa! Tutoring Program

Tuloy-tuloy na ang pagbabayad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa cash-for-work ng mga college student na nagsilbing tutor at Youth Development Workers at parents at guardians ng elementary – beneficiaries ng Tara, Basa! Tutoring Program. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, sa bahagi ng Central Visayas, SOCCSKSARGEN at Bangsamoro Autonomous Region… Continue reading DSWD, patuloy ang pamamahagi ng cash aid sa mga college student ng Tara, Basa! Tutoring Program

2,500 litro ng langis, nakolekta mula sa lumubog na MT Terra Nova sa Bataan

Patuloy ang mga isinasagawang operasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Bataan kaugnay ng mga lumubog na barko sa karagatan doon. Sa pinakahuling update, matagumpay na nakolekta ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 2,500 litro ng langis mula sa lumubog na MT Terra Nova. Aktibo rin ang kinontratang salvor sa ground zero upang mag-alis ng mga… Continue reading 2,500 litro ng langis, nakolekta mula sa lumubog na MT Terra Nova sa Bataan