LTO, naglabas ng pahayag tungkol sa viral video ng SUV na may plate no. 7 sa EDSA Busway

Iniimbestigahan na ng Land Transportation Office (LTO) ang kaso ng viral video ng sports utility vehicle (SUV) na may plate number 7 na pumasok sa EDSA Busway. Sa kanilang pahayag, malinaw na may nagawang paglabag ang driver ng SUV. Sa inisyal na imbestigasyon, walang protocol plakang inisyu sa partikular sa SUV na nakita sa viral… Continue reading LTO, naglabas ng pahayag tungkol sa viral video ng SUV na may plate no. 7 sa EDSA Busway

50 toneladang basura, nakolekta sa mga sementeryo sa Metro Manila sa panahon ng Undas –MMDA

Umabot sa 50 tonelada ng basura ang nakolekta sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila sa panahon ng Undas. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), katumbas ito ng 2,347 na garbage bags o 12 truckloads ng basura na naipon mula October 26 hanggang November 4. Nasa 380 tauhan mula sa Metro Parkways Clearing Group… Continue reading 50 toneladang basura, nakolekta sa mga sementeryo sa Metro Manila sa panahon ng Undas –MMDA

PCG, mahigpit na binabantayan ang seguridad ng mga turista sa Boracay sa panahon ng Undas

Patuloy na mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa isla ng Boracay kasunod ng pagdating ng mga turista roon para sa Undas 2024. Sa Cagban Jetty Port, masugid ang kanilang monitoring sa pagdating at pag-alis ng mga turista mula sa Caticlan Jetty Port Terminal, kung saan sinisigurado ng PCG ang maayos… Continue reading PCG, mahigpit na binabantayan ang seguridad ng mga turista sa Boracay sa panahon ng Undas

Pasig City gov’t political officer, bistadong lider ng ‘troll campaign’

Isang Universal Serial Bus (USB) ang nagbisto sa umano’y ‘troll campaign’ operations na inilunsad ng grupo ng mga batang technology savvy laban sa natalong pulitiko ng lungsod na ito noong halalan 2019. Ang 29 anyos na lider ng nasabing “technophiles” ay isa na ngayong political affairs officer ng Pasig City government at pinangambahan na patuloy… Continue reading Pasig City gov’t political officer, bistadong lider ng ‘troll campaign’

MPD, may paalala sa mga patuloy na bumibisita sa mga sementeryo ngayong panahon ng Undas

Muling nagbigay paalala ang Manila Police District sa pangunguna ng hepe nito na si PBGen. Arnold Thomas Ibay na magdoble ingat ngayong panahon ng Undas. Paalala ng MPD Chief, kung aalis ng bahay dapat i-secure at i-lock ang mga ito, gayundin ang pagtanggal sa saksakan ng mga appliances upang makaiwas sa anumang insidente ng sunog.… Continue reading MPD, may paalala sa mga patuloy na bumibisita sa mga sementeryo ngayong panahon ng Undas

Mga bumibisita sa Manila North Cemetery, patuloy sa pagdating ngayong All Souls’ Day

Mas kakaunti kumpara kahapon ang dumarating sa Manila North Cemetery ngayong All Souls’ Day, Nobyembre 2, kumpara sa bilang na naitala kahapon. Sa pinakahuling tala ng Manila Police District, as of 1pm, nasa 136,000 ang bilang ng mga taong nagsidatingan ngayong araw sa pinakamalaking sementeryo sa Metro Manila. Inaasahan naman na dadami pa ang bilang… Continue reading Mga bumibisita sa Manila North Cemetery, patuloy sa pagdating ngayong All Souls’ Day

Bilang ng mga bumibisita sa mga sementeryo sa QC, bumaba na

Bumaba na ang bilang ng mga nagtutungo sa limang sementeryo at mga columbarium sa Quezon City ngayong All Souls Day, Nobyembre 2. Sa monitoring ng Quezon City Police District (QCPD), hanggang alas-9:00 kaninang umaga, may 21,228 katao ang pumasok sa limang sementeryo. Mas mababa ito kumpara sa ganitong oras nitong Boyernes, Nobyembre 1. Sa Himlayang… Continue reading Bilang ng mga bumibisita sa mga sementeryo sa QC, bumaba na

‘Alabang Boys’, nakatakdang ipa-deport ng BI

Nakatakda nang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang mga tinagurian nitong ‘Alabang Boys’ na inaresto ng mga kawani nito dahil umano sa pagiging mga illegal alien. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, walong illegal alien na kinabibilangan ng anim na Chinese, isang Vietnamese, at isang Chinese woman, ang naaresto sa isang operasyon sa… Continue reading ‘Alabang Boys’, nakatakdang ipa-deport ng BI

QC LGU, pinaalalahanan ang mga pulitiko sa tamang paglalagay ng election paraphernalia sa lungsod

Bago ang pagsisimula ng pangangampanya,nagpaalala na ang Quezon City Government sa mga pulitiko na maging responsable sa paglalagay ng kanilang  banners at tarpaulins sa Lungsod Quezon. Alinsunod sa City Ordinance # SP -2021 S-2010, anumang political propaganda sa QC ay dapat ipaskil lamang sa mga lugar na itinalaga ng Commission on Elections. Ipinagbabawal din ng… Continue reading QC LGU, pinaalalahanan ang mga pulitiko sa tamang paglalagay ng election paraphernalia sa lungsod

PBBM, idineklara ang November 4 bilang ‘National Day of Mourning’ para sa mga biktima ng Bagyong Kristine

Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang darating na November 4, araw ng Lunes bilang ‘National Day of Mourning’. Ang deklarasyaon ay ginawa ng Pangulo para sa mga biktima ng nagdaang Bagyong Kristine. Sa pamamagjtan ng Proclamation no. 728 na nagdedeklara sa November 4, 2024 bilang ‘National Day of Mourning’, iniuutos din sa lahat… Continue reading PBBM, idineklara ang November 4 bilang ‘National Day of Mourning’ para sa mga biktima ng Bagyong Kristine