Pagyanig ng 6.5. magnitude na lindol, walang naitalang epekto sa Davao Region ayon sa OCD 11

Walang natalang epekto sa Davao Region matapos yumanig ang 6.5 magnitude na lindol na naka-sentro sa karagatan ng Surigao del Sur. Sa mensahe ni Office of the Civil Defense 11 (OCD 11) Operations Chief Franz Irag sa Radyo Pilipinas Davao, wala pa silang natatanggap na mga reports mula sa mga local disaster risk reduction and… Continue reading Pagyanig ng 6.5. magnitude na lindol, walang naitalang epekto sa Davao Region ayon sa OCD 11

Bulkang Taal, tatlong beses na nagkaroon ng phreatic eruption kagabi –PHIVOLCS

Sa pagitan ng alas-7:15 hanggang alas-7:23 kagabi, August 2, nagparamdam ng tatlong mahihinang phreatic eruption ang Taal Volcano sa Batangas. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyari ito sa main crater ng bulkan at tumagal ng isang minuto bawat event. Ang phreatic eruption o steam-driven explosions ay lumikha ng plumes na umabot… Continue reading Bulkang Taal, tatlong beses na nagkaroon ng phreatic eruption kagabi –PHIVOLCS

27 Chinese POGO workers idineport pabalik ng China

Sa pangunguna ng Bureau of Immigration (BI), ipinadeport na pabalik ng China ang 27 Chinese national na sinasabing sangkot sa mga illegal gaming activity sa bansa. Sakay ang mga nasabing Chinese national ng isang Philippine Airlines flight kung saan dadalhin ang mga ito papuntang Shanghai, China. Target sana ng BI na ibalik ang kabuuang 33… Continue reading 27 Chinese POGO workers idineport pabalik ng China

DILG, pinakiusapan ang publiko na iwasan ang pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar

Nanawagan sa publiko si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na huwag magtapon ng basura kung saan-saang lugar. Ginawa ng kalihim ang apela kasunod nang malawakang pagbaha sa Metro Manila kasunod ng nagdaang bagyo kung saan isa sa mga dahilan ang basura na bumara sa mga daluyan ng tubig. Paalala ng… Continue reading DILG, pinakiusapan ang publiko na iwasan ang pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar

Bahagi ng EDSA Southbound, pansamantalang isasara para sa isasagawang road repair

Abiso sa mga motorista! Isasara ng Department of Public Works and Highways—South Manila District Engineering Office (DPWH-SMDEO) ang middle lane ng EDSA Southbound para sa pagsasaayos ng kalsada na nagsimula alas-10:00 kagabi, August 2, hanggang August 5, alas-5:00 ng umaga. Sakop ng pagsasara ang Southbound na bahagi ng EDSA, mula E. Rodriguez Extension hanggang L.… Continue reading Bahagi ng EDSA Southbound, pansamantalang isasara para sa isasagawang road repair

PHIVOLCS, walang nakitang banta ng tsunami sa nangyaring lindol sa Lingig, Surigao del Sur

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng publiko na magkaroon ng tsunami pagkatapos ng lindol kaninang umaga sa Lingig, Surigao Del Sur. Sa inilabas na tsunami alert ng PHIVOLCS, walang banta ng tsunami na tatama sa lugar na apektado ng lindol na may lakas na magnitude 6.5. Alas-6:23 ng umaga… Continue reading PHIVOLCS, walang nakitang banta ng tsunami sa nangyaring lindol sa Lingig, Surigao del Sur

PBBM nag-isyu na ng Executive Order para sa salary increase ng government workers

Inisyu na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order No. 64, na nagdaragdag ng sahod sa mga kawani ng pamahalaan. Ang EO 64 ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin kahapon at magkakabisa sa sandaling mailathala na sa Official Gazette o sa mga pahayagan na may nationwide circulation. Nakasaad sa nilagdaang EO 64,… Continue reading PBBM nag-isyu na ng Executive Order para sa salary increase ng government workers

DPWH, nanawagan sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura

Umapela sa publiko ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa responsableng pagtatapon ng basura. Partikular dito sa mga estero upang dumaloy ng tama sa karagatan ang tubig-ulan. Nanindigan si DPWH Secretary Manuel Bonoan na hindi ang mga reclamation works sa Manila Bay ang dahilan ng mga pagbaha sa Metro Manila noong kasagsagan… Continue reading DPWH, nanawagan sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura

Bilang ng mga nasawi sa leptospiroris sa Quezon City, nadagdagan pa

Umabot na sa 13 ang namatay sa sakit na leptospirosis sa Quezon City. Sa kabuuang bilang ng nasawi, anim ay mula sa District 5, tatlo dito ay mula sa Barangay Nagkaisang Nayon, tig-isa sa Barangay Bagbag, Fairview at San Agustin. Tatlo sa District 2, dalawa sa Barangay Commonwealth at isa sa Barangay Payatas B, habang… Continue reading Bilang ng mga nasawi sa leptospiroris sa Quezon City, nadagdagan pa

Sen. Villanueva, iginiit na hindi ligtas ang mga economic zone sa pagsunod sa POGO ban sa Pilipinas

Hinikayat ni Senador Joel Villanueva ang mga economic zone sa bansa na kumilos para alisin na rin sa kanilang mga nasasakupan ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Binigyang diin ni Villanueva na hindi exempted ang mga ecozone sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tungkol sa pagbabawal ng operasyon ng mga POGO… Continue reading Sen. Villanueva, iginiit na hindi ligtas ang mga economic zone sa pagsunod sa POGO ban sa Pilipinas