Pagbawas ng tubig sa IPO Dam, itinigil na habang tuloy pa sa Ambuklao at Binga Dams

Itinigil na ang discharge o pagbawas ng tubig sa IPO Dam. Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, naibaba na sa 100.46 meters ang water elevation sa dam. Samantala, minimal na rin ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao at Binga dam. Tig-isang gate na lamang na may taas na 3 metro ang bukas sa… Continue reading Pagbawas ng tubig sa IPO Dam, itinigil na habang tuloy pa sa Ambuklao at Binga Dams

South Korea, nananatiling numero unong pinagmumulan ng tourist arrivals sa first half ng 2024

Pinangungunahan muli ng South Korea ang bilang ng mga pangunahing pinagmumulan ng mga dayuhang bisita sa Pilipinas sa unang anim na buwan ng taon. Iniulat ng Department of Tourism (DOT) na umabot sa kabuuang 824,798 na mga turistang Koreano ang pumasok sa bansa, na kumakatawan sa 25.99% ng kabuuang bilang ng mga dayuhang turista. Malugod… Continue reading South Korea, nananatiling numero unong pinagmumulan ng tourist arrivals sa first half ng 2024

DSWD chief, sinigurong mabigyan ng cash assistance ang mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Carina

Makikipagtulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lahat ng affected local government units para sa probisyon ng cash assistance sa mga sinalanta ng Bagyong Carina at habagat. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ilan sa interventions na tinitingnan ng ahensya ay sa ilalim ng recovery at rehabilitation phase. Kabilang dito ang pagbibigay… Continue reading DSWD chief, sinigurong mabigyan ng cash assistance ang mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Carina

DOH, nagpaalala sa banta sa kalusugan at mga dapat gawin kapag may oil spill

Ipinaabot ng Department of Health (DOH) sa publiko na may dulot na panganib hindi lamang sa kalikasan kundi pati na rin sa kalusugan ng tao ang pangyayari tulad ng oil spill kaya naman katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan, ay nagbigay ng mga paalala ang kagawaran para sa kaligtasan ng publiko. Kabilang dito ang… Continue reading DOH, nagpaalala sa banta sa kalusugan at mga dapat gawin kapag may oil spill

Baha sa ilang kalsada sa Valenzuela, humupa na habang ang iba ay hindi pa madadaanan

May mga lugar pa sa Valenzuela City ang hindi madadaanan ng mga sasakyan dahil sa tubig baha. Sa ulat ng Valenzuela City LGU ngayong umaga, hanggang ngayon, mula 16 na pulgada hanggang tuhod ang tubig baha sa bahagi ng Pasolo Road, gayundin sa Rivera St sa Polo na aabot pa sa 28 pulgada ang lalim… Continue reading Baha sa ilang kalsada sa Valenzuela, humupa na habang ang iba ay hindi pa madadaanan

DOE, suportado ang Oil Pollution Management Fund Committee sa pagtugon sa paglilinis ng oil spill dulot ng paglubog ng MT Terra Nova sa Bataan

Lubos na sinusuportahan ng Department of Energy (DOE) ang Oil Pollution Management Fund Committee sa pagtugon sa mga kagyat na pangangailangan sa pagpopondo para sa pagpigil, pag-alis, at paglilinis ng oil spill kasunod ng paglubog ng MT Terra Nova sa baybayin ng Limay, Bataan noong Huwebes. Ito’y alinsunod sa Republic Act No. 9483, na kilala… Continue reading DOE, suportado ang Oil Pollution Management Fund Committee sa pagtugon sa paglilinis ng oil spill dulot ng paglubog ng MT Terra Nova sa Bataan

DHSUD, inatasan ang shelter agencies na magbigay ng moratorium sa housing monthly amortizations

Ipinag-utos na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa Key Shelter Agencies (KSAs) na magpatupad ng moratorium sa monthly payments ng kanilang benepisyaryo na naapektuhan ng Bagyong Carina. Sa kanyang Memorandum, inatasan ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund, National Housing Authority, Social Housing Finance… Continue reading DHSUD, inatasan ang shelter agencies na magbigay ng moratorium sa housing monthly amortizations

PCG, binigyang pagkilala ang mga tripulante ng BRP Melchora Aquino sa pagresponde sa lumubog na MV Terra Nova sa Bataan

Pinangunahan ni Coast Guard District National Capital Region – Central Luzon Commander, CG Commodore Arnaldo Lim ang pagbibigay parangal para sa mga tripulante ng BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) para sa kanilang natatanging pagganap sa mga kamakailang search and rescue mission kung saan kabilang ang lumubog na fuel tanker na MV Terra Nova sa Bataan. Sa… Continue reading PCG, binigyang pagkilala ang mga tripulante ng BRP Melchora Aquino sa pagresponde sa lumubog na MV Terra Nova sa Bataan

PRC, nananawagan ng donasyon para sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo

Umapela na ng tulong ang Philippine Red Cross (PRC) para sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Carina at habagat. Hanggang ngayon, libo-libo pang pamilya ang nangangailangan ng pagkain, tubig, masisilungan  at iba pang basic services. Sino man ang mag-donate ng pera ay makipag-ugnayan lang sa PRC o di kaya ay ihulog sa mga bank accounts… Continue reading PRC, nananawagan ng donasyon para sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo

RORE Mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, matagumpay na naisagawa ngayong araw ayon sa DFA

Matagumpay na naisakatuparan ang rotation and reprovisioning o RORE mission sa BRP Sierra Madre na matatagpuan sa Ayungin Shoal ngayong araw, Hulyo 27, 2024, ayon sa pinakahuling pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ang nasabing RORE mission ay ang kauna-unahang naisagawa sa ilalim ng bagong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Ginamitan ang… Continue reading RORE Mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, matagumpay na naisagawa ngayong araw ayon sa DFA