Reclamation project sa Manila Bay, hindi dahilan ng mga pagbaha sa Metro Manila –DPWH

Nilinaw ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na wala pa silang sapat na pag-aaral na naging dahilan ng pagbaha sa Metro Manila ang reclamation project sa Manila Bay. Sa Saturday News Forum, sinabi ni DPWH Undersecretary Cathy Cabral, kailangang magsagawa  pa ng pag-aaral ang ilang ahensya ng pamahalaan para malaman kung may kontribusyon… Continue reading Reclamation project sa Manila Bay, hindi dahilan ng mga pagbaha sa Metro Manila –DPWH

PPP Center at USAID nagsagawa ng seminars para sa pagpapalakas ng PPP pagpapahusay sa paghahatid ng serbisyo publiko

Patuloy ang pagsasagawa ng Public-Private Partnership (PPP) Center at ang Urban Connect Project ng United States Agency for International Development (USAID) ng mga seminar para mapabuti pa ang pagbibigay ng pampublikong serbisyo sa pamamagitan ng Public-Private Partnerships (PPPs) sa siyam na pangunahing lungsod sa Pilipinas. Pinamagatang “Introduction to the PPP Code and its Implementing Rules… Continue reading PPP Center at USAID nagsagawa ng seminars para sa pagpapalakas ng PPP pagpapahusay sa paghahatid ng serbisyo publiko

Inter-Agency Task Force, pinabuo ni PBBM kaugnay ng Bataan oil spill

Iniutos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng Inter-Agency Task Force na tututok sa insidente ng oil spill sa lalawigan ng Bataan. Sa situation briefing na pinangunahan ng Pangulo sa Provincial Capitol ng Bulacan, sinabi nitong mabuting magkaroon ng inter-agency task force para mapagtulong- tulungan ng iba’t ibang ahensiya ang anumang concern… Continue reading Inter-Agency Task Force, pinabuo ni PBBM kaugnay ng Bataan oil spill

PBBM, pinasisimulan na ang rehabilitation at recovery phase kasunod ng agricultural damage na nilikha ng nagdaang kalamidad

Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masimulan na ang rehabilitation at recovery phase sa agrikultura at sa imprastraktura. Kasunod ito ng iniwang pinsala o agricultural damage ng bagyo at habagat  na sinabayan pa ng high tide. Ang direktiba ng Pangulo sa Department of Agriculture (DA) ay habulin ang planting season at ng sa… Continue reading PBBM, pinasisimulan na ang rehabilitation at recovery phase kasunod ng agricultural damage na nilikha ng nagdaang kalamidad

Pagpapakawala ng tubig sa ilang dam sa Luzon nilimitahan na ngayong araw –PAGASA

Nilimihatan na ang pagpapakawala ng tubig sa tatlong dam sa Luzon matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina at habagat. Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division, mula sa anim na gate na binuksan sa Ambuklao Dam, isa na lamang ang iniwang bukas, dalawa sa Binga Dam at isa sa Ipo Dam. Ngayong umaga, naibaba na… Continue reading Pagpapakawala ng tubig sa ilang dam sa Luzon nilimitahan na ngayong araw –PAGASA

69 sex offenders, naharang ng BI sa unang quarter ng 2024

Tinatayang aabot sa 69 ng dayuhang sex offender ang napigilang makapasok ng bansa ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa unang quarter pa lamang ng taon. Ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa 84 na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon. Sa ulat nit BI Commissioner Norman Tansingco, sa mga hinarang… Continue reading 69 sex offenders, naharang ng BI sa unang quarter ng 2024

OPLAN Biyaheng Ayos, Balik-Eskwela 2024, ipatutupad na ng MRT 3

Simula ngayong araw, Hulyo 27 hanggang Agosto 3, itataas sa heightened alert ang seguridad ng buong linya ng MRT-3. Ito’y bilang paghahanda para sa ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga estudyante sa susunod na linggo. Ayon sa pamunuan ng MRT 3, magtatalaga sila ng mga security at station personnel sa linya na aalalay sa pangangailangan ng… Continue reading OPLAN Biyaheng Ayos, Balik-Eskwela 2024, ipatutupad na ng MRT 3

PBBM, nagpaabot ng pagbati sa ika-110 anibersaryo ng Iglesia ni Cristo

Inilarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang makasaysayang pagdiriwang ang ika-110 anibersaryo ng Iglesia ni Cristo ngayong araw na ito, July 27. Kalakip ng pagbati na ipinaabot ng Punong Ehekutibo sa Iglesia ay ang paglalarawan nito sa matibay na pananampalataya at dedikasyong ipinamamalas ng mga kaanib nito. Ayon sa Pangulo, ang walang sawang… Continue reading PBBM, nagpaabot ng pagbati sa ika-110 anibersaryo ng Iglesia ni Cristo

PCG, patuloy sa pagtutok sa epekto ng paglubog ng fuel tanker sa Bataan

Patuloy na tinutugunan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nangyaring paglubog ng fuel tanker na MT Terra Nova at ang pagtagas ng langis mula sa nasabing barko. Ayon kay PCG Spokesperson CG Rear Admiral Armando Balilo, ang mga tauhan ng Marine Environmental Protection (MEP) ay gumagamit na ng oil dispersants at nangongolekta ng emulsified oil… Continue reading PCG, patuloy sa pagtutok sa epekto ng paglubog ng fuel tanker sa Bataan

Paghahatid ng tulong sa mga residente sa NCR na apektado ng bagyo at habagat, tuloy-tuloy na –DSWD

Tuloy-tuloy na ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente sa Metro Manila na naapektuhan ng bagyong Carina at habagat. Batay sa ulat ng DSWD-National Capital Region, hanggang kahapon ng hapon, aabot na sa 49,270 family food packs ang naipamahagi sa mga sinalanta ng kalamidad. Mahigpit nang nakipag-ugnayan… Continue reading Paghahatid ng tulong sa mga residente sa NCR na apektado ng bagyo at habagat, tuloy-tuloy na –DSWD