Mahigit 100 distressed OFWs, napauwi ng DFA nitong Holy Week

Matagumpay na napauwi ng Department of Foreign Affairs ang mahigit 100 Overseas Filipino Workers mula sa Kuwait nitong Holy Week break. Sa nabanggit na bilang, tatlo ang may medical condition at isa sa kanila ang paralisado matapos mahulog sa bintana ng kaniyang amo. Nakabalik na rin sa bansa sa tulong ng DFA ang anim na… Continue reading Mahigit 100 distressed OFWs, napauwi ng DFA nitong Holy Week

Dagdag pensyon sa war veterans, dapat ayusin — Pangulong Marcos Jr.

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na dapat maayos ang additional pension ng mga beterano bilang bahagi ng pagkilala sa naging kontribusyon ng mga ito para sa kalayaan ng bansa. Sa ambush interview sa Chief Executive sa Mt. Samat National Shrine sa Pilar, Bataan, inihayag ng Pangulo na kailangan talagang gumawa ng hakbang… Continue reading Dagdag pensyon sa war veterans, dapat ayusin — Pangulong Marcos Jr.

2019 water crisis, hindi na dapat maulit ayon sa QC Solon

Pinaghahanda na ni Quezon City Rep. Marvin Rillo ang dalawang major water concessionaire sa bansa upang hindi na maulit ang sinapit na water crisis noong 2019. Ayon kay Rillo, dapat maaga pa lamang ay makapaghanda na ang Maynilad at Manila Water sa worst-case scenario SA oras na tumama ang El Niño. Paalala ng House Committee… Continue reading 2019 water crisis, hindi na dapat maulit ayon sa QC Solon

66 nasawi sa pagkalunod at aksidente sa daan ngayong Holy Week ayon sa PNP

Iniulat ng Philippine National Police na hindi babababa sa 66 ang nasawi sa nakalipas na Semana Santa dahil sa vehicular accident at pagkalunod. Partikular na naitala ang mga insidente sa Region 1, 2, 3 at 4A. Dito’y 62 ang iniulat na nasawi sa 57 “drowning incident”; habang apat naman ang iniulat na nasawi sa 11… Continue reading 66 nasawi sa pagkalunod at aksidente sa daan ngayong Holy Week ayon sa PNP

DOTr, nakiisa sa paggunita ng ika-81 aniversaryo ng Araw ng Kagitingan

Nakikiisa ang department of Transportation sa paggunita sa araw ng Kagitingan Ayon kay Secretary Jaime Bautista saludo at nagpapasalamat sila sa mga magigiting nating mga sundalo na nakipaglaban para sa ating kalayaan Dagdag pa ng kalihim Nawa’y patuloy nating isabuhay ang kanilang ipinamalas na kagitingan at pagmamahal sa bayan, kalakip ang diwa ng pagkakaisa at… Continue reading DOTr, nakiisa sa paggunita ng ika-81 aniversaryo ng Araw ng Kagitingan

Mobile Money Operators, hinamon ng Makati Solon na tumulong sa pagpapababa ng remittance fee ng OFWs

Hinamon ni Makati City Rep. Luis Campos Jr. ang iba pang Philippine-based mobile money operators gaya ng GCash na tumulong para mapababa ng binabayarang remittance fee ng Overseas Filipino Workers (OFWs). Kasunod na rin ito ng pag-roll out ng serbisyo ng GCash sa ibang mga bansa kahit walang Philippine-registered SIM. Ayon kay Campos, kung ang… Continue reading Mobile Money Operators, hinamon ng Makati Solon na tumulong sa pagpapababa ng remittance fee ng OFWs

China, hindi kailangang mangamba sa EDCA sites sa bansa ayon sa Punong Ehekutibo

Hindi dapat magkaroon ng anumang pangamba ang China sa dagdag na mga Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites sa bansa. Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ambush interview sa Bataan na kung saan, inihayag ng Punong-Ehekutibo na dati na namang base militar ang mga nadagdag na EDCA sites. Hindi… Continue reading China, hindi kailangang mangamba sa EDCA sites sa bansa ayon sa Punong Ehekutibo

Mga taxpayer, hinikayat ni Sen. Sherwin Gatchalian na maghain ng ITR bago ang deadline

Nagpaalala si Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian sa mga taxpayer na maghain ng income tax return (ITR) ngayong papalapit na ang deadline. Nakatakda na kasi sa April 17 ang deadline ng paghahain ng 2022 Annual Income Tax Return (AITR) at ang pagbabayad ng kaukulang buwis. Giit ni gatchalian, wala nang… Continue reading Mga taxpayer, hinikayat ni Sen. Sherwin Gatchalian na maghain ng ITR bago ang deadline

Focus crimes, bumaba ng 17.69% mula Enero hanggang Abril

Iniulat ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na bumaba ng 14.69 na porysento ang focus crimes sa bansa mula Enero 1 hanggang Abril 8 sa taong ito kumpara sa nakalipas na taon. Base ito sa naitalang 9,345 na insidente sa loob ng nabanggit na panahon, kumpara sa 10,954 sa parehong panahon noong nakaraang… Continue reading Focus crimes, bumaba ng 17.69% mula Enero hanggang Abril

Hindi pagtatayo ng First Border Inspection Facilities ng DA, pinuna ng SINAG

Kinukwestyon ngayon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang tila kawalan ng interes ng Department of Agriculture na magtayo ng mga pasilidad para sa pag-iinspeksyon sa ipinapasok na mga karne ng baboy na kontaminado ng African Swine Fever. Ayon sa grupo, ngayong isa nang global phenomenon ang banta ng ASF halos lahat ng bansa sa… Continue reading Hindi pagtatayo ng First Border Inspection Facilities ng DA, pinuna ng SINAG