MIAA, ililipat na ng terminal ang iba pang international flights

Patuloy ang ginagawang paglilipat ng mga international flight ng MIAA. Ito ay para mas mapabuti ang serbisyo sa mga paliparan. Simula July 1 ang mga international flight sa NAIA Terminal 2 ay ililipat na sa Terminal 3 at 4. Ang rationalization program ng MIAA ang layong gawing pang-domestic travel ang NAIA Terminal 2. Bukod dito, […]

Exclusive Motorcycle Lane, mahigpit nang ipinapatupad sa Commonwealth Avenue

Simula ngayong araw, March 27, maghihigpit na ang Metropolitan Manila Development Authority at QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) sa implementasyon ng motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Ave., sa Quezon City. Pinangunahan nina MMDA Traffic Enforcement Group Dir Atty. Victor Nunez at QC TTMD OIC Dexter Cardenas ang briefing sa humigit kumulang 100 […]

Higit ₱78-M ayuda, naipamahagi ng DSWD sa mga apektado ng Oil Spill

Aabot na sa higit P78 milyon ang halaga ng ayudang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development katuwang ang LGUs sa mga lalawigang naapektuhan ng oil spill. Kabilang sa naabutan ng ayuda ang mga residente mula sa 157 na apektadong barangay sa MIMAROPA at Western Visayas. Kahapon lang, nagsagawa ang DSWD Field Office MIMAROPA […]

Ilang proyekto ng PBS-GAD Committe ngayong Women’s Month, inilunsad

Bilang pakikiisa sa National Women’s Month, ibinida ngayong araw ng Philippine Broadcasting Service- Gender and Development Committee ang ilang inisyatibo nitong kumikilala sa kontribusyon ng mga kababaihan. Pinangunahan ni PBS-BBS Director General Rizal Giovanni Aportadera Jr. at Deputy Director General Joan Marie Domingo na siyang tumatayo ring GAD Chairperson ang official launching at unveiling ng […]

Sunog, sumiklab sa isang barangay sa Lungsod ng Parañaque

Pansamantalang nananatili sa gymnasium ng Bgry. Don Galo Parañaque City ang mga biktima ng sunog. Nagtayo ng modular tent at agad silang binigyan ng barangay ng hygiene kit, first aid kit, pagkain, unan at kumot. Dalawang sunog ang halos magkasabay na sumiklab sa lugar na ilang kanto lamang ang pagitan. Una sa Ferrer compound na […]

Bilang ng rehistradong SIM cards sa bansa, sumampa na sa 50 milyon

Umabot na sa higit 50 milyong SIM cards ang nairehistro na, isang buwan bago ang nakatakdang deadline ng SIM registration sa April 26. Batay sa pinakahuling tala ng National Telecommunications Commision, katumbas na ito ng halos 30% ng target na 169 milyong telco subscribers sa bansa. Mula sa kabuuang SIM card registrants, 25,770,733 ang nakarehistro […]

10 libong litro ng magkahalong langis at tubig, nakolekta sa oil spill cleanup

Iniulat ni Department of National Defense Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. na nakakolekta na ng mahigit 10 libong litro ng magkahalong langis at tubig at 72 tonelada ng oil-contaminated debris sa patuloy na isinasagawang oil spill cleanup sa Oriental Mindoro. Matapos magsagawa ng inspeksyon kahapon sa mga apektadong lugar, sinabi ng kalihim […]

Ipinataw na suspensyon kay Negros Oriental Rep. Arnie Teves, maaaring i-apela

Maaaring i-apela ang ipinataw na suspensyon ng Kamara kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. Ayon kay House Sec. General Reginald Velasco ang paghahain ng rekonsiderasyon ay isang pribilehiyo ng mambabatas. At sakaling may maghain ng apela ay ire-refer ito sa House Committee on Ethics na siyang may hurisdiksyon sa isyu. “..privilege yan ng kahit […]