Pondo na kakailanganin sa Automated Counting Machines, wala pang eksaktong halaga — COMELEC

Aminado ang Commission on Elections na bagama’t nanawagan sila ng karagdagang pondo sa kongreso ay hindi pa nila alam ang kailangan nilang halaga para sa mga gagamiting bagong makina sa 2025 elections. Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ito ang isa sa dahilan kung bakit nila agad inilabas ang mga term of reference… Continue reading Pondo na kakailanganin sa Automated Counting Machines, wala pang eksaktong halaga — COMELEC

Kamara, handa sa hamon ni PBBM na tumulong na pagtibayin ang relasyon ng PH at US

Handang tumugon ang Kamara sa hamon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagtibayin pa ang relasyon ng Pilipinas at US ayon kay House Speaker Martin Romualdez. Kasunod ito ng naging pulong ng pangulo kasama ang miyembro ng US Senate sa pangunguna ni Sen. Robert Menendez, chairman ng US Senate Foreign Relations Committee. Dito, sinabi… Continue reading Kamara, handa sa hamon ni PBBM na tumulong na pagtibayin ang relasyon ng PH at US

Party-list solon, iminungkahi ng limitahan ang bilang ng SIM card na maaaring irehistro ng isang indibidwal

Pinkokonsidera ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred delos Santos na limitahan ang bilang ng SIM card na maaaring irehistro ng isang indibidwal. Ayon sa mambabatas, posibleng ang isang indibidwal na magrerehistro ng multiple SIM card ay mga spammer o scammer. Maliban dito, hinimok din ng kinatawan ang mga telco na alisin na sa kanilang database… Continue reading Party-list solon, iminungkahi ng limitahan ang bilang ng SIM card na maaaring irehistro ng isang indibidwal

Mahigit 1k na biktima ng human trafficking, nasagip ng ACG sa Clark

Nasagip ng pinagsanib na pwersa ng PNP Anti-Cybercrime Group at iba’t ibang ahensya ng gubyerno ang mahigit sa isang libong biktima ng human trafficking sa Clark, Pampanga. Ito’y matapos na maghain ang mga awtoridad ng search warrant at warrant to search, seize and examine computer data sa isang kumpanya sa loob ng Clark Free Port… Continue reading Mahigit 1k na biktima ng human trafficking, nasagip ng ACG sa Clark

Limang taga-suporta at isang miyembro ng kilusang komunista, sumuko sa lalawigan ng Quezon

Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang limang CPP-NPA-NDF supporters at isang miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) sa Quezon. Ayon kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander, Maj. Gen. Roberto Capulong ang sumukong miyembro ng SPL ay mula sa Brgy. Ilayang, Tayuman, San Francisco at ang limang NPA supporters ay mula sa Brgy. Maguibuay,… Continue reading Limang taga-suporta at isang miyembro ng kilusang komunista, sumuko sa lalawigan ng Quezon

Pangulong Marcos Jr., ginamit ang pagbisita sa US upang ibida ang mga naging hakbang ng gobyerno sa pagpapaganda ng business climate sa bansa

Muling nanghikayat ng foreign investors si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., upang dumami ang mga mamumuhunan sa bansa. Sa harap ng US-ASEAN Business Council, US Chamber of Commerce, at ilang American business executives, ibinida ng pangulo ang pagiging hinog ng bansa para sa pagpasok ng maraming investor. “We aim to inform the world: the Philippines… Continue reading Pangulong Marcos Jr., ginamit ang pagbisita sa US upang ibida ang mga naging hakbang ng gobyerno sa pagpapaganda ng business climate sa bansa

Pagbabalik ng mandatory face mask policy, pinauubaya ni Sen. Go sa mga eksperto

Pinauubaya na ni Senate Committee on Health Chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go sa mga eksperto kung gagawin bang muli na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa bansa sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. Ayon kay Go, dapat pag-aralang mabuti ito ng mga eksperto. Giit ng senador, dapat laging science-based ang pagtugon… Continue reading Pagbabalik ng mandatory face mask policy, pinauubaya ni Sen. Go sa mga eksperto

Matataas na kalibre ng armas, nasabat sa checkpoint sa Cotabato Province

Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng AFP at PNP ang sampung M-16 rifle at 21 ibat-ibang parte ng baril sa Army Checkpoint sa Grebona Patrol Base ng Libungan, Cotabato ngayong umaga. Ayon kay Lieutenant Colonel Rey Rico, Commanding Officer ng 34th Infantry (Reliable) Battalion, narekober ang mga armas mula sa isang suspek na nakasakay sa… Continue reading Matataas na kalibre ng armas, nasabat sa checkpoint sa Cotabato Province

Full implementation ng Philippine Vape Law, hiningi ng ilang anti-smoking advocates

Umaapela sa pamahalaan ang ilang Anti-smoking advocate na mahigpit na ipatupad ang Philippine Vape Law. Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga namamatay at nagkakasakit dahil sa paninigarilyo. Sabi ni Mr. Joze Songsong ng ASCRA Consulting Inc., nasa 19.5% ng mga Pilipino ang gumagamit ng sigarilyo araw-araw. Sa bilang na ito,… Continue reading Full implementation ng Philippine Vape Law, hiningi ng ilang anti-smoking advocates

Planong pagtatayo ng Moderna ng pasilidad sa bansa, welcome kay Sen. Bong Go

Ikinatuwa ni Senate Committee on Health Chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go ang plano ng Moderna na magpatayo ng vaccine production facility sa Pilipinas. Ito ay matapos ianunsyo ng malacañang na plano ng Moderna na magtayo ng Shared Service Facility for Pharmacovigilance, ito ang una sa Asya at pangatlong pasilidad sa buong mundo. Para kay Go,… Continue reading Planong pagtatayo ng Moderna ng pasilidad sa bansa, welcome kay Sen. Bong Go