Pangulong Marcos Jr., nanawagan na tiyaking naaayon sa batas aang mga ipinapatupad na hakbang, proseso sa housing program ng pamahalaan

Umaapela si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan at mga kabalikat nito sa pribadong sektor na nakatutok sa housing program ng administrasyon na gawin ang kanilang mandato nang mayroong katapatan. Sa ground breaking ceremony ng housing project sa Panganiban Drive sa Naga City, Camarines Sur, nanawagan ang pangulo sa mga… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nanawagan na tiyaking naaayon sa batas aang mga ipinapatupad na hakbang, proseso sa housing program ng pamahalaan

Sapat na suplay ng isda hanggang Semana Santa, tiniyak ng BFAR

Siniguro ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) na mayroong sapat na suplay ng isda sa bansa kahit ngayong papalapit ang holy week. Ayon kay BFAR Spokesperson Nazario Briguera, nasa peak season naman ang pangingisda sa ilang rehiyon kaya kakayaning punan ang suplay kahit tumaas pa ang demand sa Mahal na Araw.… Continue reading Sapat na suplay ng isda hanggang Semana Santa, tiniyak ng BFAR

Mga nalagdaang MOU para sa housing program ng pamahalaan, umabot na sa 83

Umakyat na sa 83 Memorandum of Understanding ang nalagdaan sa pagitan ng national government katuwang mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatuloy ng layon ng Marcos Administration na mabigyan ng pabahay ang mga Pilipino. Nasa apat naman ang nalagdaan na Memorandum of Agreement. Sa groundbreaking ceremony ng housing project sa Barangay Balatas, Naga, Camarines Sur,… Continue reading Mga nalagdaang MOU para sa housing program ng pamahalaan, umabot na sa 83

Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Masinloc, Zambales; pagyanig, ramdam sa ilang bahagi ng Metro Manila

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang bahagi ng Masinloc sa Zambales ngayong tanghali. Ayon sa PHIVOLCS, tumama ang lindol ganap na alas-12:21 ng tanghali at tectonic ang origin nito. Natunton ang epicenter nito sa layong 14km hilagang silangan ng Masinloc, Zambales at may lalim na 22km. Naramdaman ang Intensity III sa Quezon City habang… Continue reading Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Masinloc, Zambales; pagyanig, ramdam sa ilang bahagi ng Metro Manila

House Speaker Romualdez, Legal Counsel ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves, nagkausap na hinggil sa sitwasyon ng mambabatas

Kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez na nakausap niya sa isang pribadong pulong si Atty. Ferdinand Topacio, ang legal counsel ni Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. Dito ay ipinaabot aniya ni Atty. Topacio ang mensahe at alinlangan ni Rep. Teves hinggil sa kanIyang sitwasyon. Ngunit nanindigan ang House leader sa kanyang panawagan sa… Continue reading House Speaker Romualdez, Legal Counsel ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves, nagkausap na hinggil sa sitwasyon ng mambabatas

DICT, muling iginiit na ligtas ang datos ng publiko sa SIM Registration

Muling pinawi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pangamba ng publiko sa SIM registration partikular na ang agam-agam na maaaring makompromiso ang kanilang mga personal na impormasyon. Pagtitiyak ng DICT, ligtas ang datos at impormasyon ng publiko sa SIM Registration dahil ipinapatupad ito kaakibat ng Data Privacy Act ng 2012. Ibig sabihin,… Continue reading DICT, muling iginiit na ligtas ang datos ng publiko sa SIM Registration

BFAR, namahagi ng tulong sa mga naapektuhanng oil spill sa Oriental Mindoro

Nagpapatuloy ang relief operations ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) sa mga pamilyang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro. Kamakailan lang, nag-turnover ang BFAR MIMAROPA ng suplay ng pagkain sa pamahalaang panlalawigan na para sa 5,000 apektadong pamilya. Binubuo ito 1,000 sako ng bigas, 10,000 lata ng sardinas at 5,000… Continue reading BFAR, namahagi ng tulong sa mga naapektuhanng oil spill sa Oriental Mindoro

Ethics Committe Chair, bibigyan ng 5 araw para pagpaliwanagin si Rep. Teves sa kaniyang expired travel authority

Limang araw ang ibinigay na palugit ng House Committee on Ethics and Privileges kay Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves upang magpaliwanag hinggil sa expired niyang travel authority. Ayon kay COOP-NATCO Party-list Rep. Felimon Espares, Chair ng komite, ngayong araw o bukas ang pagpapadala nila ng sulat kay Teves upang hingin ang panig nito sa… Continue reading Ethics Committe Chair, bibigyan ng 5 araw para pagpaliwanagin si Rep. Teves sa kaniyang expired travel authority

Mga pumatay sa anak ni VACC President Boy Evangelista, hinatulan ng habang buhay na pagkakakulong

Reclusion Perpetua o habang buhay na pagkabilanggo ang hatol ng Quezon City Regional Trial Court sa mga miyembro ng Dominguez Carnapping Group na pumatay sa anak ng Presidente ng Volunteers Against Crime and Corruption. Sa desisyon ni Branch 251 Presiding Judge Rafael Hipolito, napatunayan umano ng prosekusyon na sina Roger Dominguez, Jayson Miranda at Rolando… Continue reading Mga pumatay sa anak ni VACC President Boy Evangelista, hinatulan ng habang buhay na pagkakakulong

Constitutional Amendments Committe Chair, dadalo sa pagdinig ng Senado sa panukalang amyendahan ang Saligang Batas

Dadalo si House Constitutional Amendments Committee Chair Rufus Rodriguez sa isasagawang public hearing ng Senado sa Lunes, March 20 patungkol sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 o panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas. Ayon kay Rodriguez, inimbitahan siya ni Senate Constitutional Amendments and Revision of Codes Chair Robinhood Padilla sa pagdinig. Sasamantalahin aniya ito… Continue reading Constitutional Amendments Committe Chair, dadalo sa pagdinig ng Senado sa panukalang amyendahan ang Saligang Batas