Dating ng mga pasahero sa BFCT, matumal pa rin kahit balik-trabaho na ang marami buhat sa Holy Week break

Nananatiling matumal ang dating ng mga bus sa BFCT Marikina City ngayong unang araw ng trabaho matapos ang Holy Week Break. Ayon sa ilang mga Bus Operator dito ay dahil sa Cubao o sa PITX na nagbababa ng pasahero ang kanilang mga bus bago naman gumarahe rito. Gayunman, mula pa kaninang madaling araw ay nangilan-ngilang… Continue reading Dating ng mga pasahero sa BFCT, matumal pa rin kahit balik-trabaho na ang marami buhat sa Holy Week break

Single Ticketing System, ipatutupad na rin sa Malabon simula ngayong araw

Simula ngayong lunes, April 1, 2024 ay epektibo na rin ang Single Ticketing System sa lungsod ng Malabon. Sa inilabas na abiso ng Malabon LGU, pangungunahan ng Public Safety and Traffic Management Office ang pagpapatupad ng polisiya alinsunod na rin sa City Ordinance #03-2023 na nag-aadopt sa MMDA Resolution No. 23-02 kaugnay ng Single Ticketing… Continue reading Single Ticketing System, ipatutupad na rin sa Malabon simula ngayong araw

Mga kaibigang bansa ng PH, nag-alok ng proteksyon sa harap ng mga pag-atake ng CCG at ng Chinese Maritime Militia — PBBM

Handa ang mga kaibigang bansa ng Pilipinas na tumulong upang protektahan ang soberanya at karapatan nito sa West Philippine Sea. Ito ang ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang social media account sa gitna ng lumalalang harassment ng China Coast Guard at ng Chinese Maritime Militia sa tropa ng pamahalaan na nagsasagawa lang… Continue reading Mga kaibigang bansa ng PH, nag-alok ng proteksyon sa harap ng mga pag-atake ng CCG at ng Chinese Maritime Militia — PBBM

PBBM, nagbaba ng direktiba kaugnay sa pinakahuling harassment sa tropa ng gobyerno sa WPS

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may inilabas na siyang direktiba sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kaugnay ng huling pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa tropa ng gobyerno sa West Philippine Sea. Ayon sa Chief Executive, may kautusan na siyang ibinigay kina National Security Adviser Eduardo Año at Department of… Continue reading PBBM, nagbaba ng direktiba kaugnay sa pinakahuling harassment sa tropa ng gobyerno sa WPS

FDIs, inaasahang tataas ngayong taon base sa pagtaya ng HSBC Global Research

Inaasahang magkakaroon ng pagtaas sa foreign direct investments (FDIs) ngayong taon sa gitna ng mga isinasagawang reporma at trade and investment opportunities sa Amerika at Europa. Sa inilabas na ulat ng HSBC Global Research, mas bubuti ang FDI “competitiveness” ngayong taon dahil sa repormang isinasagawa ngayon ng gobyerno. Base sa pinakahuling datos ng Bangko Sentral… Continue reading FDIs, inaasahang tataas ngayong taon base sa pagtaya ng HSBC Global Research

Pilipinas, nakakuha ng suporta mula sa India, laban sa agresyon ng China sa WPS

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pahayag na suporta ng pamahalaan ng India sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), na ayon sa Pangulo ay isang mahalagang development para sa mga Pilipino. “So, whatever it is that we can do to make the situation better, in partnership with India, which certainly… Continue reading Pilipinas, nakakuha ng suporta mula sa India, laban sa agresyon ng China sa WPS

Sen. Joel Villanueva, nanawagan sa DFA na gawin ang lahat ng hakbang para matigil na ang mga agresibong aksyon ng China sa WPS

Maghahain si Senate Majority Leader Joel Villanueva ng isang resolusyon na mananawagan sa Department of Foreign Affairs (DFA) na gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang para matigil na ang mga agresibong aksyon ng China laban sa mga tropa ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ang pahayag na ito ay kasabay ng pagkondena ng senador sa… Continue reading Sen. Joel Villanueva, nanawagan sa DFA na gawin ang lahat ng hakbang para matigil na ang mga agresibong aksyon ng China sa WPS

Sen. JV Ejercito, nakiramay sa babaeng nasawi sa Bohol Loop event

Nagpahayag ng pakikiramay si Senador JV Ejercito sa pagpanaw ng isang babaeng nagmomotorsiklo habang isinasagawa ang Bohol Loop 2024 noong Sabado (March 23) ng umaga sa Sikatuna, Bohol. Nasawi ang biktimang si Ana Marie Tasic nang makabanggaan ang babaeng rider na si Suzette Lacanaria na kalahok din sa Bohol Loop. Nilinaw ni Ejercito, na isa… Continue reading Sen. JV Ejercito, nakiramay sa babaeng nasawi sa Bohol Loop event

Mga generator set para sa mga outpost sa WPS, tinanggap ng Philippine Navy

Nakatanggap ang Philippine Navy ng 10 generator set na donasyon ng Armed Forces and Police Savings and Loans Associations, Inc. (AFPSLAI) para sa mga outpost sa West Philippine Sea. Pormal na tinanggap ni Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. ang mga generator set mula kay AFPSLAI President and CEO, retired Navy Vice… Continue reading Mga generator set para sa mga outpost sa WPS, tinanggap ng Philippine Navy

Grupo ng mga dating-rebelde sa Mt. Province, nagsagawa ng peace and unity walk sa Bontoc

Pinangunahan ng Balik-Loob Organization of Mountain Province (BLOMP) na binubuo ng mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan, ang “Peace and Unity Walk and Talks” sa Bontoc, Mountain Province kahapon, Marso 26. Lumahok sa aktibidad ang mga estudyante, mga empleyado ng lokal na pamahalaan, iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa lalawigan, at tauhan ng pulis… Continue reading Grupo ng mga dating-rebelde sa Mt. Province, nagsagawa ng peace and unity walk sa Bontoc