Kamara, nangako ng buong suporta para sa mga guro; mas mataas na sweldo at dagdag benepisyo, itutulak

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez sa harap ng halos isang milyong public school teachers ang buong suporta ng Kamara para sa mga guro sa pamamagitan ng pagsusulong ng mas mataas na sweldo, dagdag benepisyo gayundin ang sapat na kagamitan sa pagtuturo. Sa ginanap na pagdiriwang ng 2024 National Teacher’s Month sa Araneta Coliseum sinabi… Continue reading Kamara, nangako ng buong suporta para sa mga guro; mas mataas na sweldo at dagdag benepisyo, itutulak

Nasa 31 kandidato sa pagka-kongresista sa Metro Manila, naghain na ng COC

Umabot na sa 31 ang kabuuang bilang ng mga naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-kongresista sa Metro Manila sa ikatlong araw ng filing para sa 2025 midterm elections. Sa bilang na ito, 13 ang naghain noong unang araw ng COC filing, habang walo naman sa ikalawang araw ng filing, at 10 naman… Continue reading Nasa 31 kandidato sa pagka-kongresista sa Metro Manila, naghain na ng COC

Agri Party-list Rep. Wilbert Lee, humingi na ng tawad kay BHW Party-list Rep. Angelica Co

Kinumpirma ni BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co na humingi na sa kaniya ng paumanhin si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee. Ayon kay Co, nagkita sila ngayong araw sa Tent City nang maghain ang BHW Party-list ng Certificate of Candidacy. Nagkataon na naroroon din si Lee na sinamahan naman si Dr. Liza Ong, na naghain… Continue reading Agri Party-list Rep. Wilbert Lee, humingi na ng tawad kay BHW Party-list Rep. Angelica Co

PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan

Photo courtesy of Presidential Communications Office Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Executive Secretary Oscar Orbos bilang acting Chairperson at Miyembro ng Board of Directors (BOD) ng People’s Television Network, Inc. (PTNI) bilang kinatawan ng private sector. Kung matatandaan, si Orbos ay naging executive secretary at kalihim ng Department of Transportation and… Continue reading PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan

Incumbent Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at mga kaalyado, naghain na rin ng COC

Nagsumite na ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa Robinsons Town Mall sa Barangay Tinajeros si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at ang kaniyang mga kaalyado. Ayon kay Mayor Sandoval, muli siyang tatakbo upang ipagpatuloy ang mga nasimulang programa para sa ikabubuti ng mga residente. Kabilang sa mga programang ito ang malawakang ayuda sa Blue… Continue reading Incumbent Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at mga kaalyado, naghain na rin ng COC

Ekonomiya ng Pilipinas, inaasahan ang 6% na paglago sa 2025

Inaasahan na lalago ang ekonomiya ng bansa sa mahigit 6% sa 2025 habang nasa 5.8% naman ngayong 2024 sa kabila ng kaliwa’t kanang hamon na kinahaharap ng Pilipinas. Ang pinakahuling pagtaya ng IMF ay mas mababa sa naunang 6% para sa 2024 at 6.2% para sa 2025. Ayon sa International Monetary Fund, bagaman bahagyang tinapyasan… Continue reading Ekonomiya ng Pilipinas, inaasahan ang 6% na paglago sa 2025

Mga nasirang bahay dahil sa Bagyong Julian, pangunahing hamon para sa Batanes

Pinaka hamon ngayon na hinaharap ng Batanes ay ang mga nasirang kabahayan dahil sa Bagyong Julian. Ayon kay Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr. batay sa paunang ulat, halos 50% ng kabahayan sa Batanes ang fully o partially damaged. Aniya, hindi naman ang Bagyong Julian ang pinakamalakas na bagyong tumama sa kanila, ngunit malaki ang idinulot… Continue reading Mga nasirang bahay dahil sa Bagyong Julian, pangunahing hamon para sa Batanes

Dagdag na kalahating bilyong kita, inaasahan ng NFA ngayong 2024

Inaasahan ng National Food Authority (NFA) ang higit sa kalahating bilyong piso na karagdagang kita mula sa mga benta nitong bigas ngayong 2024. Ito’y matapos aprubahan ng NFA council ang price hike na P38 kada kilo ng bigas na ibinibenta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya ng pamahalaan. Ayon… Continue reading Dagdag na kalahating bilyong kita, inaasahan ng NFA ngayong 2024

BIR, maglalabas ng regulasyon para sa VAT compliance ng mga dayuhang DSP

Kasunod ng ipatutupad ng VAT Digital Services Law, inihayag ngayon ni BIR Commissioner Romeo Lumagui na maglalabas sila ng revenue regulation para sa foreign digital service providers na may pananagutan ng magbayad ng Value-Added Tax. Sa Malacañang briefing, sinabi ni Lumagui na layunin ng hakbang na matukoy kung paano magre-report ng kanilang mga kita ang… Continue reading BIR, maglalabas ng regulasyon para sa VAT compliance ng mga dayuhang DSP

Sen. Sherwin Gatchalian, nilinaw na hindi bagong buwis ang batas na nagpapataw ng VAT sa digital services

Nilinaw ni Senate Committee on Ways and Means Chairperson, Senador Sherwin Gatchalian na hindi bagong buwis ang pagsasabatas ng pagpapataw ng 12 percent value-added tax (VAT) sa digital services (RA 112023). Paliwanag ni Gatchalian, kokolektahin lang dito ang buwis na dapat talagang nakukuha mula sa mga dayuhang digital service providers. Pinunto ng senador na sa… Continue reading Sen. Sherwin Gatchalian, nilinaw na hindi bagong buwis ang batas na nagpapataw ng VAT sa digital services