Nasawi sa habagat at tatlong bagyo, umakyat sa 24

Umakyat sa 24 ang iniulat na nasawi sa pinagsamang epekto ng habagat at mga bagyong Ferdie, Gener at Helen. Sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), siyam sa iniulat na nasawi ay sa MIMAROPA; lima sa Region 6; apat sa Region 9, apat sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao… Continue reading Nasawi sa habagat at tatlong bagyo, umakyat sa 24

NEDA, ibinida ang istratehiya ng PH sa imprastraktura at pagbabago sa 4th Philippines-Singapore Business and Investment Summit

Ibinida ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga nagawa ng Pilipinas sa pagpapaunlad ng imprastraktura at pagbabago sa bansa. Ito ang binigyang diin ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan sa kaniyang pagharap sa ika-4 na Philippines-Singapore Business and Investment Summit sa Singapore. Dito, inilatag ni Balisacan ang mga prayoridad ng administrasyong Marcos Jr. na… Continue reading NEDA, ibinida ang istratehiya ng PH sa imprastraktura at pagbabago sa 4th Philippines-Singapore Business and Investment Summit

Kamara, inisyuhan ng show cause order ang asawa ni dating Sec. Roque

Nagpalabas ng show cause order ang House Quad Committee laban sa asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque na si Mylah Roque. Bunsod pa rin ito ng patuloy na hindi pagdalo ni Ginang Roque sa pagsisiyasat ukol sa iligal na POGO sa kabila ng makailang ulit na imbitasyon ng komite. Si Mylah Roque ay nagsilbing… Continue reading Kamara, inisyuhan ng show cause order ang asawa ni dating Sec. Roque

Sen. Francis Tolentino, nanawagan sa DBM na tugunan ang isyu ng budget allocation para sa probinsya ng Sulu

Umapela si Senate Majority Leader Francis Tolentino sa Department of Budget and Management (DBM) na agad na solusyunan ang problema ngayon sa budget ng lokal na pamahalaan ng Sulu. Ito ay kasunod ng naging desisyon ng Korte Suprema na nag-aalis sa Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sa pagdinig ng senador sa… Continue reading Sen. Francis Tolentino, nanawagan sa DBM na tugunan ang isyu ng budget allocation para sa probinsya ng Sulu

DA, nanawagan sa PPA na pabilisin ang paglabas ng imported na bigas sa mga pantalan sa Maynila

Nanawagan si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa Philippine Ports Authority (PPA) na agarang aksyunan ang paglabas ng halos 1,000 container vans na puno ng imported na bigas na ilang buwan nang nakatiwangwang sa mga pantalan sa Maynila. Batay sa datos ng PPA, mayroong mahigit 888 container vans na naglalaman ng tinatayang 20… Continue reading DA, nanawagan sa PPA na pabilisin ang paglabas ng imported na bigas sa mga pantalan sa Maynila

Panukalang CREATE MORE, magdadala ng mas maayos at pinalakas na pamumuhunan sa bansa — Finance Secretary Ralph Recto

Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto sa harap ng Singaporean investors na magdudulot ng mas maayos at pinalakas na pagnenegosyo sa bansa ang inaasahang pagsasabatas ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy o CREATE MORE. Ayon kay Recto ang bagong amyendang ito sa fiscal incentives regime o… Continue reading Panukalang CREATE MORE, magdadala ng mas maayos at pinalakas na pamumuhunan sa bansa — Finance Secretary Ralph Recto

Mga pasyenteng mayroong dengue at leptospirosis, maaaring makakuha ng benepisyo mula sa PhilHealth

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na sakop ng kanilang benepisyo ang pagpapagamot sa mga pasyenteng mayroong dengue at leptospirosis. Ayon sa PhilHealth, ang mga pasyenteng may dengue fever ay maaaring makakuha ng hanggang P13,000, habang ang mga may severe dengue hemorrhagic fever ay maaaring makatanggap ng hanggang P16,000. Samantala, ang mga may… Continue reading Mga pasyenteng mayroong dengue at leptospirosis, maaaring makakuha ng benepisyo mula sa PhilHealth

Dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog, napatawad na ang dating Pangulong Duterte sa dinanas na paghihirap matapos idawit sa iligal na droga

Humarap sa Quad Committee ng Kamara ang dating alkalde ng Iloilo City na si Jed Patrick Mabilog. Nitong September 10 lang nang magbalik bansa si Mabilog matapos ang pitong taong pagtatago matapos makakuha ng asylum sa Amerika dahil sa takot sa buhay niya at para sa kaniyang pamilya. Naging emosyonal si Mabilog nang ilahad ang… Continue reading Dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog, napatawad na ang dating Pangulong Duterte sa dinanas na paghihirap matapos idawit sa iligal na droga

Resulta ng imbestigasyon ng COMELEC laban kay Alice Guo, posibleng ilabas na sa susunod na linggo

Inaasahang mailalabas na ng Commission on Elections (COMELEC) sa susunod na linggo ang desisyon kung matutuloy ang pagkakaso nila ng ‘misrepresentation’ laban kay dating Mayor Alice Guo. Sa panayam matapos ang pagdinig ng Senado sa panukalang 2025 budget ng poll body, sinabi ni COMELEC Chairperson George Garcia na hinihintay na lang nilang mapirmahan ang rekomendasyon… Continue reading Resulta ng imbestigasyon ng COMELEC laban kay Alice Guo, posibleng ilabas na sa susunod na linggo

High-value target, arestado sa pinaigting na operasyon ng NCRPO vs. iligal na droga

Bunsod ng mas pinalakas na kampanya ni NCRPO PMGen. Jose Melencio Nartatez na sugpuin ang iligal na droga sa Kalakhang Maynila, arestado ang isang high-value target sa lungsod ng Taguig. Ayon sa awtoridad nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit, Taguig CPS operatives na pinangunahan ni PCpt. Kenny Khamar Khayad na nagresulta sa… Continue reading High-value target, arestado sa pinaigting na operasyon ng NCRPO vs. iligal na droga