Pagtaas ng respiratory illness sa Northern China, hindi dapat ikabahala dito sa Pilipinas — DOH

Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng publiko kaugnay sa tumataas na kaso ng respiratory illness sa Northern China. Ayon sa DOH, walang kinalaman sa COVID-19 ang pagtaas ng bilang ng mga Tsino na nagkakasakit bagkus ito ay dahil sa malamig na panahon na nararanasan sa Hilagang bahagi ng China. Nakipag-ugnayan na sila sa… Continue reading Pagtaas ng respiratory illness sa Northern China, hindi dapat ikabahala dito sa Pilipinas — DOH

Progressive solon, ikinalugod ang pagbuhay sa peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at NDFP

Positibo ang pagtanggap ni House Deputy Minority Leader France Castro sa muling pagbuhay ng pamahalaan sa peace negotiations kasama ang National Democratic Front of the Philippines. Aniya, magandang hakbang ito upang tugunan ang mga hamon at suliranin kabilang ang isyung pangkalikasan at foreign security threats. Welcoma para sa mambabatas na makalipas ang anim na taon… Continue reading Progressive solon, ikinalugod ang pagbuhay sa peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at NDFP

Mga opisyal ng dalawang kumpanya ng e-cigarette na sangkot umano sa pagpupuslit, pinapaharap sa Kamara

Ipina-subpoena ng House Committee on Ways and Means ang dalawang opisyal ng mga kumpanya ng e-cigarette na konektado umano sa higit P1.4 billion na halaga ng smuggled e-cigarettes na nasabat sa Valenzuela City noong Oktubre. Sa mosyon ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na siya ring naghain ng resolusyon para paimbestigahan ang insidente, pinapaharap… Continue reading Mga opisyal ng dalawang kumpanya ng e-cigarette na sangkot umano sa pagpupuslit, pinapaharap sa Kamara

DA Chief, plano pang i-modernisa ang fisheries sector

Nanawagan si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na amyendahan ang charter ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA). Nais ni Laurel na mapalawak ang tungkulin nito na isama ang pagbuo at pamamahala ng marine at agro-industrial estates sa buong bansa upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain. Bago naging DA Secretary si Laurel ay… Continue reading DA Chief, plano pang i-modernisa ang fisheries sector

American national sex offender, naharang sa NAIA

Hindi na pinapasok ng Bureau of Immigration (BI) sa bansa ang isang American national na sex offender sa kanilang bansa. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang suspek ay si Daniel Ruic Kimball, 64 years old na dumating sa NAIA Terminal 1 sakay ng Japan Airlines flight mula Narita. Ayon kay Tansingco, si Kimball ay… Continue reading American national sex offender, naharang sa NAIA

‘Pag-abot sa Pasko’, ilulunsad ng DSWD sa QC at Eastern Metro Manila

Naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa rollout ng proyektong ‘Pag-Abot sa Pasko’ sa darating na Disyembre. Bahagi ito ng programang Oplan Pag-Abot ng ahensya na nagkakasa ng reach-out operations sa iba’t ibang lansangan para tulungan ang ‘individuals in street situations’. Ngayong Martes, nagsagawa na si DSWD Undersecretary for Innovations… Continue reading ‘Pag-abot sa Pasko’, ilulunsad ng DSWD sa QC at Eastern Metro Manila

BuCor, pinasalamatan ang bayan ng Maigo sa donasyong lupa para sa pagtatayo ng regional penal farm

Pinasalamatan ng Bureau of Corrections ang bayan ng Maigo, Lanao del Norte sa pagdo-donate ng siyam na hektaryang lupa upang pagtayuan ng regional penal farm ng BuCor. Sa isinagawang MOA signing kasama si Maigo Municpal Mayor Rafael Rizalda kasama ang ilang stakeholders at si BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., ang naturang bayan ay ipagkakaloob… Continue reading BuCor, pinasalamatan ang bayan ng Maigo sa donasyong lupa para sa pagtatayo ng regional penal farm

Apat na Pinoy na biktima ng human trafficking, dumating na sa Pilipinas mula Myanmar

Nakabalik na sa Pilipinas ang apat na Pilipinong biktima ng illegal recruitment at human trafficking mula sa bansang Myanmar. Ang mga Pilipinong hindi na pinangalanan para sa kanilang proteksyon ay humingi ng tulong sa pamahalaan para mailikas. Ayon sa Bureau of Immigration (BI), ang mga biktima ay sumakay sa Thai Airways flight at mula sa… Continue reading Apat na Pinoy na biktima ng human trafficking, dumating na sa Pilipinas mula Myanmar

Pamaskong handog ng grupong ATIN ITO para sa mga sundalong nahakimpil sa BRP Sierra Madre, ihahatid ng Philippine Navy

Naatasan ang Philippine Navy na siyang maghatid ng pamaskong handog ng grupong ATIN ITO para sa mga sundalo na nakahimpil sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ito ang inihayag ng National Security Council o NSC makaraan ang kanilang naging pagpupulong matapos hindi payagan ang nakatakda sanang Christmas convoy nito. Sa kalatas na… Continue reading Pamaskong handog ng grupong ATIN ITO para sa mga sundalong nahakimpil sa BRP Sierra Madre, ihahatid ng Philippine Navy

DA, naghatid na ng paunang ayuda sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng lindol sa Mindanao

Nagpaabot na ng agarang tulong ang Department of Agriculture sa mga magsasaka at mangingisda sa South at Central Mindanao na naapektuhan ng tumamang 6.8 magnitude na lindol kamakailan. Personal na inikot na rin ni Agri Sec. Kiko Laurel Jr. ang ilang apektadong lugar kabilang ang General Santos Fish Port Complex para magsagawa ng assessment at… Continue reading DA, naghatid na ng paunang ayuda sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng lindol sa Mindanao