Mga biktima ng lindol sa Mindanao, tiyak na makatatanggap ng government assistance — Pangulong Marcos Jr.

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga biktima ng lindol sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao na matatanggap nila ang lahat ng kinakailangang tulong mula sa pamahalaan. Sa pagtungo ng Pangulo sa GenSan ngayong araw (November 23), upang personal na alamin ang sitwasyon doon, sinabi ng Pangulo na naihanda na ng gobyerno ang… Continue reading Mga biktima ng lindol sa Mindanao, tiyak na makatatanggap ng government assistance — Pangulong Marcos Jr.

Delegasyon ng China sa APPF, kakausapin nina SP Zubiri at House Speaker Martin Romualdez

Pupulungin nina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez ang delegasyon ng China sa 31st Asia Pacific pParliamentary Forum (APPF). Ayon kay Zubiri, tatalakayin nila sa Chinese delegation ang apela ng Pilipinas na magkaroon ng code of conduct sa South China Sea. Layon nito na maiwasan ang mga insidente sa naturang teritoryo.… Continue reading Delegasyon ng China sa APPF, kakausapin nina SP Zubiri at House Speaker Martin Romualdez

Permamenteng pakikibahagi ng youth parliamentarians at pagkakaroon ng secretariat, isinusulong ng Pilipinas sa 31st APPF

Isinusulong ng Pilipinas sa 31st Asia Pacific Parliamentary Forum na maging permanenteng kabahagi ng pulong ang youth parliamentarians.. Isa ito sa mga resolusyong inihain ng Pilipinas sa pangunguna ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. Sa talumpati ni House Speaker Martin Romualdez sa inaugural ceremony ng APPF, binigyang diin nito ang mahalagang papel ng mga… Continue reading Permamenteng pakikibahagi ng youth parliamentarians at pagkakaroon ng secretariat, isinusulong ng Pilipinas sa 31st APPF

Speaker Romualdez, iginagalang ang opinyon ni dating Sec. Harry Roque ukol sa mga resolusyong itinutuak sa Kamara kaugnay sa ICC investigation

Pinabulaanan ni House Speaker Martin Romualdez na siya ang nasa likod ng mga resolusyon sa Kamara na humihikayat sa mga ahensya ng pamahalaan na makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court. Tugon ito ni Romualdez nang hingan ng reakyson sa pahayag ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na target aprubahan ng Kamara sa susunod… Continue reading Speaker Romualdez, iginagalang ang opinyon ni dating Sec. Harry Roque ukol sa mga resolusyong itinutuak sa Kamara kaugnay sa ICC investigation

Paleng-QR PH Plus, inilunsad sa Iloilo City

Pormal nang inilunsad ang Paleng-QR PH Plus sa lungsod ng Iloilo nitong Huwebes, Nobyembre 23. Pinangunahan ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Interior and Local Government (DILG) at mga opisyales ng Iloilo City at mga financial service providers. Katuwang ang mga financial service providers at e-money issuers, isinusulong sa Paleng-QR PH Plus… Continue reading Paleng-QR PH Plus, inilunsad sa Iloilo City

Defense Sec. Gibo Teodoro, pinuri ang balik-loob program ng PLGU-Apayao

Pinuri ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. ang balik-loob program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao na bahagi ng pagbibigay ng tulong sa mga nagbabalik-loob na rebelde sa pamahalaan. Sa kaniyang pananalita sa pamamahagi ng insentibo kahapon sa anim na tinatawag na ngayong ‘friends rescued’, sinabi ng kalihim na daan ito, kasama ang mga programa sa… Continue reading Defense Sec. Gibo Teodoro, pinuri ang balik-loob program ng PLGU-Apayao

VP Sara Duterte, pinangunahan ang inagurasyon ng ‘Last Mile School’ building sa Catanduanes

Pinangunahan ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte ang inagurasyon at turnover ng last mile school building sa lalawigan ng Catanduanes ngayong Huwebes, Nobyembre 23. Isang bagong 4-classroom building na nagkakahalaga ng higit P20 million ang ipinagkaloob sa Dororian National High School sa bayan ng Gigmoto, sa ilalim ng Last Mile Schools (LMS) program… Continue reading VP Sara Duterte, pinangunahan ang inagurasyon ng ‘Last Mile School’ building sa Catanduanes

Mahigit 180k pamilya, apektado ng sama ng panahon sa mga nakalipas na araw

Umabot na sa 180,788 pamilya o katumbas ng 721,627 indibidwal ang apektado ng sama ng panahon na dulot ng pinagsamang shear line at low pressure area sa ilang rehiyon sa bansa. Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga apektadong indibidwal ay mula sa 904 mga barangay sa CALABARZON, Regions… Continue reading Mahigit 180k pamilya, apektado ng sama ng panahon sa mga nakalipas na araw

Socioeconomic interventions ng DSWD sa mga dating combatants at rebelde, 99% matagumpay ayon sa DSWD

Itinuturing ni DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan A. Tanjusay na 99% matagumpay ang mga inilalatag na socioeconomic interventions ng kagawaran para matulungan ang mga dating combatants at rebelde na makapagbagong buhay Sa DSWD Forum, inilatag ni Usec. Tanjusay ang ibat ibang programa ng ahensya sa mga sumusukong dating miyembro ng NPA-CPP,… Continue reading Socioeconomic interventions ng DSWD sa mga dating combatants at rebelde, 99% matagumpay ayon sa DSWD

Kaso ng Dengue, unti-unti nang bumababa — DOH

Iniulat ng Department of Health na unti-unti nang nagkakaroon ng pagbaba ng sakit na Dengue sa bansa simula noong nakaraang buwan. Ayon sa ahensya, naitala ang 10.96% na pagbaba o katumbas ng 12,169 mula October 15 hanggang October 25 kumpara sa 12,619 ng October 1-14. Wala na ring rehiyon sa Pilipinas ang nakapagtala ng pagtaas… Continue reading Kaso ng Dengue, unti-unti nang bumababa — DOH