Cybersecurity Conference, idinaos ng DND

Pinangunahan ng Department of National Defense (DND) ang pagdaraos ng 5th Cyber Security Awareness Conference (CYBERCON) 2023 at 2nd Cyber Exercise (CYBEX) sa AFP Commissioned Officers Club House, Camp Aguinaldo. Ang dalawang araw na pagsasanay nitong Lunes at Martes na may temang theme “Cyber Aware, Nation Secure: Unifying Efforts for Cyber Defense,” ay sa layong… Continue reading Cybersecurity Conference, idinaos ng DND

Bilang ng mga hindi nagamit na COVID-19 vaccine ng Pilipinas, umabot sa higit 49 million doses

Covid-19 Coronavirus Vaccine vials in a row macro close up

Umabot sa kabuuang 49.7 million doses ng COVID-19 vaccine ang hindi nagamit ng Pilipinas mula nang magsimula ang pandemya ayon sa Department of Health (DOH). Ibinahagi ito ng sponsor ng panukalang 2024 budget ng DOH na si Senadora Pia Cayetano sa plenary budget deliberations ng senado. Ayon kay Cayetano, 38.5 million doses sa vaccine wastage… Continue reading Bilang ng mga hindi nagamit na COVID-19 vaccine ng Pilipinas, umabot sa higit 49 million doses

Investment mula sa US na pumapasok sa Pilipinas, nasa ‘upward trend’ — PBBM

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang papataas na trend kung pag- uusapan ay puhunang pumapasok sa bansa mula sa Estados Unidos. Sa FilCom event sa San Francisco Conference Center, sinabi ng Pangulo na tumaas ang investment noong 2022 na pumalo sa $6.2 billion. Ang naitalang datos sabi ngChief Executive ay nasa 15.7% increase… Continue reading Investment mula sa US na pumapasok sa Pilipinas, nasa ‘upward trend’ — PBBM

LTFRB, magpupulong hinggil sa nakaambang na transport strike sa Lunes

Kinumpirma ni Celine Pialago, bagong tagapagsalita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkakaroon ng pulong ngayong araw ang mga opisyal ng ahensya upang talakayin ang mga hakbang sa nakaambang na transport strike ng grupong PISTON. Ayon kay Pialago, pangungunahan ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III ang pulong kasama ang mga miyembro ng… Continue reading LTFRB, magpupulong hinggil sa nakaambang na transport strike sa Lunes

Sobrang pondo ng mga GOCC, pinagagamit para pagkuhanan ng unprogrammed funds

Pasado na sa House Committee on Appropriations ang panukala para i-tap ang sobrang pondo ng mga GOCC o Government-Owned and Controlled Corporations pampondo sa unprogrammed funds. Salig sa House Bill 9513 na inihain ni Albay 2nd district Rep. Joey Salceda, aamyendahan ang RA 11936 o 2023 General Appropriations Act kung saan nagdagdag ng criterion o… Continue reading Sobrang pondo ng mga GOCC, pinagagamit para pagkuhanan ng unprogrammed funds

US Army Pacific deputy commander, bumisita sa Philippine Army HQ

Malugod na tinanggap ni Philippine Army Vice Commander Brig. Gen. Leodevic B. Guinid ang pagbisita ni United States Army Pacific (USARPAC) Deputy Commanding General, Lt. Gen. James B. Jarrard, sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio Taguig kahapon. Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, napag-usapan ang mga nakalinyang bilateral activity sa pagitan ng dalawang pwersa. Ito… Continue reading US Army Pacific deputy commander, bumisita sa Philippine Army HQ

Galing ng mga Pinoy sa Amerika sa iba’t ibang larangan, ibinida ni PBBM

Photo courtesy of PNA by Alfred Frias

Mainit ang naging pagtanggap kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ng mga Pinoy na nagtipon-tipon sa San Francisco Conference Center para sa filcom event. Hindi magkamayaw ang mga Pilipinong nagsama-sama sa pagsalubong sa Punong Ehekutibo na mula pa sa iba’t ibang lugar ng Amerika na sinadya ang San Francisco para makadaupang palad ang Pangulo. Sa… Continue reading Galing ng mga Pinoy sa Amerika sa iba’t ibang larangan, ibinida ni PBBM

Publiko, pinag-iingat sa mga pekeng programa ng DSWD sa social media

Pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development na may programa itong “Unemployment Financial Assistance”. Naglabas ng pahayag ang DSWD kasunod ng kumakalat na kahina-hinalang link sa Facebook post at Messenger. Ayon sa post, magbibigay umano ng unemployment financial assistance na $1,000 ang DSWD sa makakasagot sa isang survey. Paglilinaw ng DSWD, walang pinapasagutang survey… Continue reading Publiko, pinag-iingat sa mga pekeng programa ng DSWD sa social media

Pansamantalang paglaya ni dating Sen. de Lima, welcome sa CHR

Welcome sa Commission on Human Rights ang pansamantalang paglaya ng dating CHR Chairperson at Sen. Leila de Lima matapos pahintulutang makapagpiyansa ng Muntinlupa RTC. Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na matagal na nitong hinihiling na agad mapahintulutan ng korte ang bail application ng dating senadora lalo’t napawalang sala na ito sa dalawa sa tatlong… Continue reading Pansamantalang paglaya ni dating Sen. de Lima, welcome sa CHR

PCG, inaalam na rin ang sanhi ng pagkamatay ng tone-toneladang tilapya sa Cavite

Kumuha na rin ng sample ng tubig at patay na tilapya ang Philippine Coast Guard upang alamin ang sanhi ng ‘fish kill’ sa karagatan ng Brgy. 161 Cavite City noong nakaraang araw. Ayon sa PCG, kasalukuyang sinusuri na ng kanilang Marine Environmental Protection ang mga kinuhang sample na dinala sa kanilang laboratory. Bukod sa PCG,… Continue reading PCG, inaalam na rin ang sanhi ng pagkamatay ng tone-toneladang tilapya sa Cavite