Pamahalaan, tiniyak ang tulong para sa mga Pilipino na umuwi sa bansa mula sa Gaza

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tutulungan ang mga Pilipino na umuwi sa Pilipinas mula sa Gaza Strip. Ito ay kasunod ng pagdating sa bansa ngayong araw ng ikatlong batch ng mga Pilipino na inilikas mula sa Gaza. Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Robert Ferrer, nabigyan na ng tulong pinansyal sa Cairo,… Continue reading Pamahalaan, tiniyak ang tulong para sa mga Pilipino na umuwi sa bansa mula sa Gaza

DOTr, nakahanda na para sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na nakahanda na ang ahensya para sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, nakahanda na ang transportation sector lalo na ang Ninoy Aquino International Airport ngayong Kapaskuhan. Ito ang sinabi ng kalihim sa sidelines ng paglulunsad ng libreng WiFi sa NAIA Terminal… Continue reading DOTr, nakahanda na para sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season

DSWD, iginiit ang suporta para sa mga patapos nang 4Ps beneficiaries

Muling inulit ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang pangako na susuportahan pa rin ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na aalis na sa programa. Sila itong nasuri bilang non-poor sa isinagawang revalidation kamakailan ng ahensya. Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez magbibigay ang ahensya ng iba pang mga… Continue reading DSWD, iginiit ang suporta para sa mga patapos nang 4Ps beneficiaries

Mga bagong halal na BSKE officials sa Valenzuela, nanumpa na sa pwesto

Pormal nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na barangay at SK officials sa lungsod ng Valenzuela. Pinangunahan ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang mass oathtaking ceremony na isinagawa sa WES Arena. Kasama rin sa dumalo rito sina DSWD Sec. Rex Gatchalian, at Sen. Win Gatchalian. Si Senate President Migz Zubiri naman ang nanguna… Continue reading Mga bagong halal na BSKE officials sa Valenzuela, nanumpa na sa pwesto

Pagpapalabas ng honoraria para sa mga guro na nagsilbi sa BSKE, ikinatuwa ng DepEd

Nagpasalamat ang Department of Education sa Commission on Elections. Ito’y para sa mabilis at napapanahong pagpapalabas ng honoraria para sa mga guro at iba pang tauhan ng edukasyon na nagsilbi nitong nakalipas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Sa inilabas na pahayag ng DepEd ngayong araw, sinabi nito na natanggap na ng mga guro at… Continue reading Pagpapalabas ng honoraria para sa mga guro na nagsilbi sa BSKE, ikinatuwa ng DepEd

DOE, walang inaasahang brownout sa 2024; paggamit ng nuclear energy sa bansa, patuloy na isusulong

Walang inaasahang brownout ang Department of Energy sa buong Luzon, Visayas at Mindanao sa susunod na taon. Ginawa ng DOE ang pahayag sa pamamagitan ng sponsor ng panukalang 2024 budget nila na si Senador Sherwin Gatchalian sa naging plenary budget deliberations kagabi. Iprinesenta ni Gatchalian ang graph ng DOE na nagpapakitang walang inaasahang yellow o… Continue reading DOE, walang inaasahang brownout sa 2024; paggamit ng nuclear energy sa bansa, patuloy na isusulong

Dagdag na pondo para sa DMW, igigiit ng mga senador

Isinusulong ng mga senador na maibalik ang natapyas na pondo sa panukalang 2024 budget ng Department of Migrant Workers (DMW). Sa ilalim kasi ng 2024 National Expenditure Program (NEP) na mula sa ehekutibo, pinaglaanan ng P15.3 bilyon ang DMW pero nabawasan ito at naging P12.75 bilyon na lang sa inaprubahang 2024 General Appropriations Bill (GAB)… Continue reading Dagdag na pondo para sa DMW, igigiit ng mga senador

Pagpapakalat ng kamalayan hinggil sa isyu ng WPS, idinaan sa isang interactive exhibit

Pormal na binuksan ang isang interactive exhibit na tumatalakay sa usapin ng West Philippine Sea ngayong araw. Sa pangunguna ng grupong Pinoy Aksyon o Pilipino Aksyon for Governance and the Environment, binuksan ang exhibit sa isang mall sa Ortigas. May pamagat na “Not One Inch: Our Seas, Our Hope.” inilalahad dito ang mga kwento ng… Continue reading Pagpapakalat ng kamalayan hinggil sa isyu ng WPS, idinaan sa isang interactive exhibit

Ad Hoc Committee para aralin ang posibleng paglilipat ng lokasyon ng House of Representatives, binuo

Bumuo ang Kamara ng isang ad hoc committee na siyang mangunguna sa pag-aaral sa posibleng paglipat ng lokasyon ng House of Representatives. Kasunod ito ng pagpapatibay ng House Resolution 1390. Dito itinutulak ang posibleng paglipat ng HREP building sa Taguig o BGC upang mas maging malapit sa bagong building naman ng Senado para sa mas… Continue reading Ad Hoc Committee para aralin ang posibleng paglilipat ng lokasyon ng House of Representatives, binuo

Film Development Council of the Philippines, naglaan ng P500-k para sa mga pelikulang kalahok sa MMFF

Lumagda sa isang Memorandum of Agreement sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson at concurrent MMFF Overall Chairperson Atty. Don Artes at Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman at CEO Tirso Cruz III. Ito’y para sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga opisyal na pelikulang kalahok sa ika-49 Metro Manila Film Festival… Continue reading Film Development Council of the Philippines, naglaan ng P500-k para sa mga pelikulang kalahok sa MMFF