3 babae na biktima ng ‘sex trafficking’ at 2 hinihinalang recruiter, naharang sa NAIA

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang tatlong babaeng biktima ng ‘sex trafficking’ at dalawang hinihinalang recruiter sa Ninoy Aquino International Airport na patungo sanang Taiwan. Sinabi ng immigration na naharang ang tatlong biktima at dalawang hinihinalang recruiter sa NAIA Terminal 3 bago sila makasakay ng Cebu Pacific Air flight papuntang Taipei. Ang… Continue reading 3 babae na biktima ng ‘sex trafficking’ at 2 hinihinalang recruiter, naharang sa NAIA

Mababang kapulungan ng kongreso, malinis ang audit sa nakalipas na 6 na taon — COA

Binigyan ng Commission on Audit ang House of Representatives ng malinis na audit sa nakalipas na anim na taon. Base sa annual audit reports ng Kamara mula 2017 hanggang 2022 walang masamang natuklasan ang COA sa mga dokumento at transaksyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa pinakahuling audit sa Lower House idineklara ng COA na… Continue reading Mababang kapulungan ng kongreso, malinis ang audit sa nakalipas na 6 na taon — COA

Usapin sa digitalisasyon at AI, tampok sa Quezon City Future of Work Conference 2023

Pormal nang binuksan ang kauna-unahang Quezon City Future of Work Conference 2023 ngayong araw na layong itampok ang mga bagong inisyatibo sa workplace environment. Pinangunahan nina QC Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, DICT Sec. Ivan John Uy, Israeli Ambassador Ilan Fluss at BPLD Head Marge Santos ang pormal na pagbubukas ng dalawang araw… Continue reading Usapin sa digitalisasyon at AI, tampok sa Quezon City Future of Work Conference 2023

Mga nakasaad sa revised IRR, naayon sa batas na naglalayon na patatagin ang corporate governance ng Maharlika Investment Fund-DoF

Buo ang suporta ng Department of Finance sa revised Implementing Rules and Regulations ng Maharlika Investment Fund Act. Ayon sa DoF, ang enhancement na isinagawa sa IRR ay lahat alinsunod sa naitakda ng batas na naglalayong patatagin ang corporate governance nito. Titiyakin ng IRR ang independence ng Board of Directors ng MIF na magkaroon ng… Continue reading Mga nakasaad sa revised IRR, naayon sa batas na naglalayon na patatagin ang corporate governance ng Maharlika Investment Fund-DoF

Pagtatatag ng Dangerous Drug Court sa lahat ng siyudad, ipinapanukala sa Kamara

Itinutulak ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagtatatag ng a Dangerous Drugs Court sa lahat ng siyudad at probinsya sa buong bansa. Ito ay para mapabilis aniya ang paglilitis sa may 300,000 na drug cases na nakabinbin sa iba’t ibang korte. Tinukoy ng chairman of the House Committee on Dangerous Drugs, ang… Continue reading Pagtatatag ng Dangerous Drug Court sa lahat ng siyudad, ipinapanukala sa Kamara

DICT Sec. Uy, sinaksihan ang paglunsad ng ‘Free Wi-Fi for All’ sa Iligan City

Sinaksihan ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Atty. Ivan John Uy ang paglunsad ng Free Wi-Fi for All (FWFA) sa City Public Plaza sa Lungsod ng Iligan noong Nobyembre 8, 2023. Ang Free Wi-Fi for All ay sakop ng Free Public Internet Access Program, ang pangunahing programa ng DICT na naglalayong padaliin… Continue reading DICT Sec. Uy, sinaksihan ang paglunsad ng ‘Free Wi-Fi for All’ sa Iligan City

Barko ng Pilipinas para sa resupply mission sa WPS, muling nakatikim ng water cannon mula sa CCG

Nabigo ang China sa panibagong tangka nito na pigilan ang resupply mission sa BRP Sierra Madre. Sa ulat ng National Task Force on West Philippine Sea kaninang 7:30 ng umaga nang harasin ng mga barko ng Chinese Coast Guard at Chinese Military Militia ang supply boats na Unaiza Mae 1 at M/L Kalayaan. Bukod sa… Continue reading Barko ng Pilipinas para sa resupply mission sa WPS, muling nakatikim ng water cannon mula sa CCG

Amyenda sa CREATE law, target aprubahan sa Kamara bago matapos ang buwan ng Nobyembre

Target tapusin ng House Ways and Means Committee ang amyenda sa CREATE Law ngayong Nobyembre at diretsong isumite sa Senado. Ito ang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda, chair ng Komite kasunod ng pagtalakay sa ‘CREATE MORE’ na layong ayusin ang tax incentives system para makasabay sa estado ng global market at mas maging competitive.… Continue reading Amyenda sa CREATE law, target aprubahan sa Kamara bago matapos ang buwan ng Nobyembre

Kampanya kontra malnutrisyon sa mga bata, bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month ng DOH

Kaisa ng maraming ahensya ng pamahalaan, ang pagtutok sa kampanya sa malnutrisyon sa mga bata ay bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month ng Department of Health. Sa kick-off ceremony ng naturang pagdiriwang, nakiisa ang Department of Health sa pamamagitan ng Public Health Services Team ni Undersecretary Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire na ginawa sa Valenzuela… Continue reading Kampanya kontra malnutrisyon sa mga bata, bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month ng DOH

Kamara, hindi prayoridad na lumipat ng lokasyon sa ngayon

Hindi pa prayoridad sa ngayon ng Kamara na lumipat ng lokasyon. Ito ang inihayag ni House Secretary General Reginald Velasco nang matanong tungkol sa inihaing resolusyon para bumuo ng isang ad hoc committee at aralin ang paglilipat ng House of Representatives sa Taguig o BGC para mas lumapit sa Senado. Ayon kay Velasco, mas nakatuon… Continue reading Kamara, hindi prayoridad na lumipat ng lokasyon sa ngayon