Senado, magkakasa ng pagdinig tungkol sa pagiging epektibo ng flood control projects

Magkakaroon ng Senate inquiry ang Senate Committee on Public Works na pinamumunuan ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., tungkol sa pagiging epektibo ng flood control projects ng pamahalaan. Ito ay matapos ang naranasang malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit pang lugar dulot ng habagat at Bagyong Carina. Ayon kay Senate President Chiz Escudero,… Continue reading Senado, magkakasa ng pagdinig tungkol sa pagiging epektibo ng flood control projects

Big-ticket flood control projects, iminungkahi ni Sen. JV Ejercito

Nanawagan si Senador JV Ejercito na maglatag na ang pamahalaan ng mga high impact o big-ticket flood control projects para maramdaman ang resulta ng ganitong mga proyekto. Paliwanag ni Ejercito, kapag nagpatuloy kasi ang paggawa ng flood control projects na patse-patse o unti-unti lang ay walang mangyayari at magsasayang lang ng pera ang pamahalaan. Pinunto… Continue reading Big-ticket flood control projects, iminungkahi ni Sen. JV Ejercito

Lagpas sa 1,800 tauhan ng PNP, apektado ng bagyo at habagat

Iniulat ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na 1855 pulis at 33 non-uniformed personnel ang apektado ng bagyong Caring at ng habagat. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na ipinag-utos ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang accounting ng lahat ng apektadong tauhan upang masiguro ang… Continue reading Lagpas sa 1,800 tauhan ng PNP, apektado ng bagyo at habagat

PNP, nakapagtala ng 21 nasawi dahil sa bagyo at habagat

Iniulat ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na umabot sa 21 ang bilang ng naitalang nasawi dahil sa bagyong Carina at habagat. Base ito sa mga ulat mula sa lokal na himpilan ng pulis sa mga apektadong lugar. Ayon kay Fajardo, pinakamarami ang iniulat na nasawi sa Region 4A na nasa… Continue reading PNP, nakapagtala ng 21 nasawi dahil sa bagyo at habagat

DENR chief, nagtungo na sa Limay, Bataan para inspeksyunin ang nangyaring oil spill

Personal na nagtungo ngayon sa Limay, Bataan si Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga upang makapagsagawa ng inspeksyon sa nangyaring oil spill sa Lamao Point. Aalamin ng kalihim ang lawak ng pinsala sa kapaligiran ng pagtagas ng langis mula sa tumaob na motor tanker. Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)… Continue reading DENR chief, nagtungo na sa Limay, Bataan para inspeksyunin ang nangyaring oil spill

9 na suspek sa ‘vishing scam’ naaresto ng ACG sa kasagsagan ng bagyo

Hindi naging hadlang ang Bagyong Carina sa PNP Anti-Cybercrime Group para magsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng siyam na miyembro ng sindikato na sangkot sa “vishing scam” kagabi sa Cavite. Sa ulat ni ACG Acting Director Police Brig. General Ronnie Francis M. Cariaga, nagpatupad ang mga tauhan ng ACG Cyber Response Unit (CRU)… Continue reading 9 na suspek sa ‘vishing scam’ naaresto ng ACG sa kasagsagan ng bagyo

PBBM, inatasan ang DENR at DOST na i-assess ang sitwasyon ng oil spill mula sa lumubog na fuel tanker malapit sa Limay, Bataan

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng assessment kaugnay sa paglubog ng fuel tanker na may kargang 1,494 metriko tonelada ng langis malapit sa Limay, Bataan, kaninang ala- una ng madaling araw. Base sa ulat ng DOTr, tumagas na ang langis na dala dito.… Continue reading PBBM, inatasan ang DENR at DOST na i-assess ang sitwasyon ng oil spill mula sa lumubog na fuel tanker malapit sa Limay, Bataan

Higit 360k family food packs, naibaba na ng National Government sa mga LGU para sa mga sinalanta ng Bagyong Carina

Nakahanda na sa DSWD Field Offices at available na para sa mga lokal na pamahalaan ang 360,228 family food packs para sa mga sinalanta ng Bagyong Carina. Sa situation briefing na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong umaga (July 25), sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na pinakamarami sa mga ito ay inilaan… Continue reading Higit 360k family food packs, naibaba na ng National Government sa mga LGU para sa mga sinalanta ng Bagyong Carina

Pagsailalim ng buong Metro Manila sa state of calamity, pag- uusapan ng mga alkalde

Pag-uusapan ng mga alkalde sa National Capital Region kung kailangan na bang isailalim ang Metro Manila sa state of calamity. Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ambush interview kasunod ng pinangunahan nitong situational briefing sa NDRRMC. Ayon sa Pangulo, hindi naman maikakaila kung gaano din naapektuhan ng tuloy-tuloy na pag-ulan ang… Continue reading Pagsailalim ng buong Metro Manila sa state of calamity, pag- uusapan ng mga alkalde

Senado, nangakong patuloy na isusulong ang kalayaan at soberanya ng Pilipinas

Inihayag ni Senate President Chiz Escudero na mananatiling matatag ang Senado sa pagtatanggol sa kalayaan at soberanya ng Pilipinas. Kabilang ito sa mga nabanggit ni Escudero sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng sesyon ng third regular session ng Senado. Binigyang diin ni Escudero ang walang patid na pangako sa pagprotekta sa pambansang interes. Binigyang diin… Continue reading Senado, nangakong patuloy na isusulong ang kalayaan at soberanya ng Pilipinas