Panukala para sa proteksyon ng mga refugee at stateless persons, inihain sa Kamara

Inihain nina House Speaker Martin Romualdez at Tingog party-list Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre ang isang panukalang batas na layong bigyang proteksyon ang mga refugee at stateless person. Sa ilalim ng Comprehensive Refugees and Stateless Persons Protection Bill o House Bill 10799, isasabatas ang Refugee and Stateless Status Determination Procedure salig sa 1951 Refugee… Continue reading Panukala para sa proteksyon ng mga refugee at stateless persons, inihain sa Kamara

Ilang mga dokumento, pinasusumite ng Quad Comm kay dating Presidential Spox Harry Roque

Pinasusumite kay dating Presidential Spokesperson Harry ang ilang mga dokumento sa isinasagawang 2nd joint hearing ng Quad Committee ng Kamara. Sa interpellation ni Batangas Rep. Jinky “Bitriks” Luistro, hiniling nito sa Quad Committee Chair na isumite ng dating Malacañang official ang kanyang Statement of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN) ng 2016-2022, audited financial… Continue reading Ilang mga dokumento, pinasusumite ng Quad Comm kay dating Presidential Spox Harry Roque

Tuloy-tuloy na monitoring ng Mpox, ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr.

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan ang patuloy na pag-monitor sa mga lugar at indibidwal na pinaka-vulnerable sa Mpox. “Continue surveillance especially on areas and people most vulnerable to the disease,” — Pangulong Marcos Jr. Ginawa ng Pangulo ang direktiba sa naganap na pulong kasama si Health Secretary… Continue reading Tuloy-tuloy na monitoring ng Mpox, ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr.

Milyon-milyong halaga ng high grade marijuana, nasabat sa isang major drug bust Pampanga

Naharang ng mga tauhan ng law enforcement officials sa Clark Freeport Zone ang dalawang kahon na naglalaman ng Marijuana Kush. Ayon sa inilabas na report ng PNP Aviation Security Group nagkakahalaga ang naturang kargamento ng nasa mahigit P17 milyon. Patunay anila ang nasabing matagumpay na operasyon ng maigting na pagbabantay at koordinasayon ng Clark Drug… Continue reading Milyon-milyong halaga ng high grade marijuana, nasabat sa isang major drug bust Pampanga

Usapin ng impeachment ng kahit sinong opisyal, hindi uusad sa Senado ayon kay SP Escudero

Planong kitilin ni Senate President Chiz Escudero ang anumang usapin hinggil sa impeachment. Sa ginanap na armshow sa SMX Pasay, pinayuhan din ng senador ang mga kasamahan nito sa Senado na huwag makialam o manghimasok sa anumang isyu na may kinalaman sa impeachment. Paliwanag ni Escudero, bilang mga senador ay sila ang tatayong mga hukom… Continue reading Usapin ng impeachment ng kahit sinong opisyal, hindi uusad sa Senado ayon kay SP Escudero

Rehab para sa mga PDL, mas pinalakas ng BuCor

Nagsanib pwersa ang Bureau of Corrections at ang De La Salle Santiago Zobel School (DLSZ) para gawing opisyal ang 20 taong pagtutulungan sa pamamagitam ng pagpirma ng isang Memorandum of Agreement. Ayon sa inilabas na pahayag ng BuCor, layon ng naturang kasunduan na suportahan ang reformation at rehabilitation ng Persons Deprived of Liberty (PDLs). Ang… Continue reading Rehab para sa mga PDL, mas pinalakas ng BuCor

Moratorium sa pagbabawal ng tattoo sa mga pulis, inalis na ng PNP

Hinihintay na lamang ng Philippine National Police (PNP) ang guidelines mula sa Technical Working Group (TWG) hinggil sa kung paano aalisin o buburahin ang visible tattoos sa mga pulis. Ito’y makaraang alisin na ng liderato ng PNP ang moratorium matapos ang masusing pagrepaso sa naturang patakaran. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean… Continue reading Moratorium sa pagbabawal ng tattoo sa mga pulis, inalis na ng PNP

AFP, nag-donate ng P4-M para sa mga biktima ng Bagyong Carina

Nag-donate ng P4 milyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mga biktima ng Bagyong Carina. Ang tseke ay tinurn-over ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa GMA Kapuso Foundation sa kanilang Sagip Dugtong Buhay bloodletting event sa Lungsod Quezon noong Sabado. Sinabi ng AFP Chief na inaasahan niyang gagamitin… Continue reading AFP, nag-donate ng P4-M para sa mga biktima ng Bagyong Carina

Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na nakibahagi sa BPSF, pinasalamatan ni Speaker Martin Romualdez

Ipinaabot ni Speaker Martin Romualdez sa lahat ng ahensya ng pamahalaan ang taos-pusong pasasalamat sa pakikibahagi sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair. Sa ginanap na BPSF Agency Summit, binigyang diin ng House leader na ang serbisyo caravan na ito ay ipinapakita ang kapangyarihan ng inter-agency collaboration. Aniya, isa itong ehemplo na ang pagtatrabaho ng gobyerno ay… Continue reading Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na nakibahagi sa BPSF, pinasalamatan ni Speaker Martin Romualdez

Mga benepisyaryo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, umabot na sa 2.5 milyon

21 probinsya at 17 rehiyon na ang naikot ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair. Ito ang ibinahagi ni House Deputy Secretary General at BPSF National Secretariat lead Sofonias Gabonada Jr. sa panayam ng House media sa unang BPSF Agency Summit. Aniya, sa unang taon ng serbisyo caravan, 2.5 milyong Pilipino na ang nakabenepisyo sa programa. Higit… Continue reading Mga benepisyaryo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, umabot na sa 2.5 milyon