2 barko ng Pilipinas, binangga ng Chinese Coast Guard

Nagtamo ng pinsala ang dalawang barko ng Pilipinas matapos ang dalawang panibagong insidente ng pagbangga ng Chinese Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea. Sa ulat ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) nagsasagawa ng resupply mission ang BRP Bagacay at BRP Cape Engaño ng Philippine Coast Guard (PCG) nang magkahiwalay silang… Continue reading 2 barko ng Pilipinas, binangga ng Chinese Coast Guard

Mga COS at JO personnel ng UP, maaari nang makinabang sa social security coverage ng SSS

Mabibigyan na ng sapat na social security coverage ang mga Job Order, at mga personnel na Contract of Service ng University of the Philippines System. Kasunod ito ng paglagda sa kasunduan ng Social Security System (SSS) at UP System para sa pagpapatupad ng KaSSSangga Collect Program. Pinangunahan nina SSS President and Chief Executive Officer Rolando… Continue reading Mga COS at JO personnel ng UP, maaari nang makinabang sa social security coverage ng SSS

DSWD, hindi lang nakadepende sa datos ng PSA sa paghubog ng anti-poverty programs

Naniniwala rin si DSWD Sec. Rex Gatchalian na kulang ang P21 per meal food threshold. Kasunod ‘yan ng inilabas na datos na hindi maituturing na ‘poor’ ang isang indibdiwal kung nakakayang gumastos nang hindi bababa sa P64 kada araw para sa pagkain o katumbas ng P21 kada meal. Kaugnay nito, nilinaw ni Sec. Gatchalian na… Continue reading DSWD, hindi lang nakadepende sa datos ng PSA sa paghubog ng anti-poverty programs

Party-list solon, pinayuhan ang mga OFW sa Lebanon na lumikas kasunod ng banta ng giyera

Umaapela ngayon si OFW party-list Rep. Marissa Magsino sa mga OFW sa Lebanon na unahin ang kanilang kaligtasan at lumikas. Ito ay sa gitna ng posibilidad ng giyera sa naturang bansa dahil sa tumitinding sitwasyon doon sa pagitan ng Hezbollah at Israeli Forces. Ani Magsino, kung hindi naman kinakailangang manatili ay lumikas na at makipag-ugnayan… Continue reading Party-list solon, pinayuhan ang mga OFW sa Lebanon na lumikas kasunod ng banta ng giyera

DA, magkakasa muna ng blood testing bago mag-bakuna kontra ASF

Sisimulan na ng Department of Agriculture ang orientation at pagkuha ng blood samples para sa mga baboy sa Batangas na isasalang para bakunahan kontra ASF. Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, wala pa munang bakunahan bukas dahil kailangan pang hintayin ang resulta ng blood testing na tatagal ng 20-48 oras. Kapag matukoy na… Continue reading DA, magkakasa muna ng blood testing bago mag-bakuna kontra ASF

3-minute response time, target ng PNP sa bagong e911 service

Target ng PNP na makaresponde ang pulisya sa mga tawag sa loob ng tatlong minuto sa pamamagitan ng kanilang bagong e911 service. Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa demonstrasyon ng bagong serbisyo kasama si Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. sa Camp Crame kaninang umaga.… Continue reading 3-minute response time, target ng PNP sa bagong e911 service

Quad Comm, nagsimula na sa pag-iimbestiga ng POGO, droga at pamemeke ng mga dokumento ng foreign nationals

Umarangkada na ang pagdinig ng Quad Comm ng Kamara ukol sa koneksyon ng POGO crimes, iligal na droga, at pamemeke ng foreign nationals ng mga dokumento. Sa kaniyang pambungad na mensahe, inihayag ni Quad Comm Chair Robert Ace Barbers kung paano, ipinapasok ng syndicated crime organization ang droga sa bansa at sa pamamagitan ng POGO… Continue reading Quad Comm, nagsimula na sa pag-iimbestiga ng POGO, droga at pamemeke ng mga dokumento ng foreign nationals

Kwalipikadong Pilipino sa Canada, pinaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas na magparehistro para sa 2025 elections

Hinimok ng Embahada ng Pilipinas sa Canada ang mga kwalipikadong Pilipino sa nasabing bansa na makibahagi sa voter’s registration. Ayon sa anunsyo ng embahada, dapat tandaan na tiyakin na ang kanilang overseas voter record ay aktibo sa ilalim ng post offering internet voting. Maaari ding kumpletuhin ang pre-voting enrollment step online at ang link anila… Continue reading Kwalipikadong Pilipino sa Canada, pinaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas na magparehistro para sa 2025 elections

DILG, nagbabala sa mga prank caller sa e911 service emergency hotline

Walang ligtas ang mga prank caller sa inilunsad na e911 service emergency hotline ng pamahalaan. Ito ang babala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. kasunod ng isinagawang simulation ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame ngayong araw. Ayon kay Abalos, gumagamit ng Artificial Intelligence (AI) technology ang… Continue reading DILG, nagbabala sa mga prank caller sa e911 service emergency hotline

Ilang surprise witness, posibleng lumutang sa unang hearing ng QuadComm

May mga suprise witness na inaasahang lulutang sa unang pagdinig ng QuadComm. Sa Bacolor Mini Convention Center gaganapin ang pagsisiyasat patungkol sa magkakaugnay na isyu ng POGO-related crimes, paglipana ng iligal na droga, pamemeke ng foreign nationals ng dokumento para makabili ng ari-arian at pagkakasangkot ng mga police scalawags sa extra judicial killings. Hiling ni… Continue reading Ilang surprise witness, posibleng lumutang sa unang hearing ng QuadComm