Pondo para sa fertilization program ng coconut industry, target na iangat ng PCA

Itinutulak ngayon ng Philippine Coconut Authority ang dagdag na pondo para sa fertilization program sa coconut industry. Sa selebrasyon ng ika-51 anibersaryo ng PCA, sinabi ni PCA Admin Dexter Buted na nais nilang maiangat sa 15% ang pondong inilalaan sa fertilization mula sa kasalukuyang 1% lamang. Katumbas ito ng P2.4 bilyong pondo na makatutulong aniya… Continue reading Pondo para sa fertilization program ng coconut industry, target na iangat ng PCA

Mga PDL na kinukonsiderang ‘extremist’, tututukan ng BuCor

Maglalagay ang Bureau of Corrections ng Preventing and Countering Violent Extremism (PCVE) Office sa New Bilibid Prisons. Ito ang layon ng memorandum of agreement na pinirmahan ng BuCor at ng Reshape Justice Group ng Australia kung saan magbibigay ito ng teknikal at iba pang kakailanganing tulong para sa nasabing opisina. Ang naturang programa ay gagawin… Continue reading Mga PDL na kinukonsiderang ‘extremist’, tututukan ng BuCor

Record high na aprubadong investment, naitala ng BOI

Ipinagmalaki ng Board of Investment ang ₱640 bilyon na naitalang bagong aprubadong investment sa bansa mula Enero hanggang Mayo 2024. Ayon sa BOI, ito ay sumasalamin sa 14% na pagtaas kumpara sa ₱562.90 bilyon noong nakaraang taon. Sa nasabing halaga, ₱525.85 bilyon ang mula sa domestic investments habang nakapagtala naman ang foreign investments ng ₱114.37… Continue reading Record high na aprubadong investment, naitala ng BOI

DOT sa publiko: Suportahan ang turismo ng bansa

Nanawagan si Tourism Sec. Christina Frasco sa publiko na suportahan at i-promote ang turismo ng bansa. Aniya, dapat ipagmalaki ang mayamang kultura, likas na yaman, at ‘warm hospitality’ ng Pilipinas dahilan kaya ito ang tinagurian aniyang ‘destination of love’. Binigyang diin din ni Frasco ang sama-samang trabaho ng industry leaders at mga manggagawa nito. Aniya,… Continue reading DOT sa publiko: Suportahan ang turismo ng bansa

40k kilo ng bigas at tulong pinansyal, naipagkaloob sa 6,000 Surigaonon sa paglulunsad ng CARD, SIBOL at ISIP program

Maliban sa serbisyo at programang dala ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Surigao del Sur, ilan pang benepisyaryo mula sa mahahalagang sektor ang nabigyan ng ayuda. 6,000 Surigaonon na pawang mga mag-aaral, maliliit na negosyante at vulnerable sector ang nabigyan ng libreng bigas at tulong pinansyal. 2,000 senior citizen, solo parents, at PWD ang nakatanggap… Continue reading 40k kilo ng bigas at tulong pinansyal, naipagkaloob sa 6,000 Surigaonon sa paglulunsad ng CARD, SIBOL at ISIP program

4 na barko ng PLA Navy, na-monitor sa Balabac Strait

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdaan ng apat na barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) sa Balabac Strait sa Palawan. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, na-monitor ang naturang mga barko noong hapon ng Hunyo 19 na dumadaan sa karagatan sa loob ng 12 nautical miles… Continue reading 4 na barko ng PLA Navy, na-monitor sa Balabac Strait

3 suspek sa likod ng hacking sa FB at website ng mga bangko at gov’t agencies, arestado

Hawak na ngayon ng National Bureau of Investigation ang tatlong suspek na sangkot sa pag-hack sa mga Facebook account at websites ng ilang mga pribadong institusyon gaya ng mga bangko at government agencies. Ayon sa NBI, ang mga hacker na ito ay gumagamit ng mga alyas na Kangkong, Mirasol, Sibat, Ricardo Redoble, at Lulu sa… Continue reading 3 suspek sa likod ng hacking sa FB at website ng mga bangko at gov’t agencies, arestado

Walang Gutom Information Caravan ng DSWD, umarangkada sa General Santos City

Nagtungo ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development sa General Santos City para simulan ang pinakaunang Information Caravan sa tatlong flagship programs ng kagawaran. Kabilang dito ang ‘Walang Gutom Program’, ‘Tara, Basa Tutoring Program’, at ‘Oplan Pag-Abot’. Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, Undersecretary Eduardo M. Punay, at Assistant Secretary Baldr Bringas ang… Continue reading Walang Gutom Information Caravan ng DSWD, umarangkada sa General Santos City

3 pulis na sangkot sa hazing sa Isabela, nasampahan na ng reklamo

Pormal nang inihain ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang reklamo laban sa tatlong pulis na sangkot sa pambubugbog sa kapwa nila pulis sa lalawigan ng Isabela. Ayon kay IMEG Director, PBGen. Warren De Leon, naisampa na nila sa Isabela Provincial Prosecutors Office ang reklamong paglabag sa Anti-hazing law laban sa tatlong… Continue reading 3 pulis na sangkot sa hazing sa Isabela, nasampahan na ng reklamo

Tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng Mt. Kanlaon, mahigit ₱33-M na

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na nasa mahigit ₱33 milyon na ang tulong na naipaabot ng pamahalaan sa mga pamilyang naapektuhan ng aktibidad ng Mt. Kanlaon sa Negros Island. Mula sa nabangggit na halaga, ₱24.2 milyon ang naipagkaloob na tulong sa 4,194 pamilya sa Negros Occidental. Habang ₱8.8 milyon naman ang… Continue reading Tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng Mt. Kanlaon, mahigit ₱33-M na