Mambabatas, pinatitiyak sa PAGCOR na hindi makakataya ang mga bata sa mga lisensyadong online gambling site

Umapela si Senador Sherwin Gatchalian sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na tiyaking hindi matutulad sa e-sabong ang bagong online gambling na binigyan ng lisensya. Base sa datos, nasa 40 online gambling operator na target ang mga Pilipino ang binigyan ng lisensya ng PAGCOR. Bagamat sinabi ni Gatchalian na aaralin pa niya ang… Continue reading Mambabatas, pinatitiyak sa PAGCOR na hindi makakataya ang mga bata sa mga lisensyadong online gambling site

Senate inquiry tungkol sa proseso ng late registration of birth, isusulong ni Sen. Sherwin Gatchalian

Naghain ng resolusyon (SRN 1053) si Senador Sherwin Gatchalian para maimbestigahan sa Senado ang pang-aabuso sa late registration of birth para makakuha ng birth certificate ang ilang mga dayuhan sa bansa. Ipinunto ng senador na sa pamamagitan ng late registration of birth ay nakakakuha ng birth certificate ang mga dayuhan, saka kukuha ng Philippine passport… Continue reading Senate inquiry tungkol sa proseso ng late registration of birth, isusulong ni Sen. Sherwin Gatchalian

PNP commanders, pinayuhan na i-background check ang mga nagbibigay ng donasyon

Pinayuhan ng pamunuan ng Philippine National Police ang lahat ng kanilang local commanders na maging mapanuri sa pagtanggap ng mga donasyon at i-background check ang lahat ng mga nag-aalok ng tulong. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon (June 19) kaugnay ng… Continue reading PNP commanders, pinayuhan na i-background check ang mga nagbibigay ng donasyon

Public hearing para sa panukalang umento sa minimum wage sa NCR, umarangkada na

Dininig na ngayong araw ang panig ng iba’t ibang grupo ng manggagawa at employer sa itinutulak na panukalang minimum wage hike sa Metro Manila. Umarangkada na kasi ang public hearing ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga petisyong inihain para sa umento sa sahod. Kabilang dito ang ₱597 na dagdag sa minimum wage… Continue reading Public hearing para sa panukalang umento sa minimum wage sa NCR, umarangkada na

Mga sundalong magsasagawa ng RoRe mission, bibigyan ng angkop na kagamitan upang maiwasan ang ‘mismatch’

Ihahanda ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang mga tauhan at bibigyan ng angkop na kagamitan sa mga susunod na RORE mission. Ito ang inihayag ni Philippine Navy Spokesperson for the West Phil. Sea Commodore Roy Vincent Trinidad sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag sa Camp Aguinaldo sa telepono. Ayon kay Trinidad, may “mismatch” na… Continue reading Mga sundalong magsasagawa ng RoRe mission, bibigyan ng angkop na kagamitan upang maiwasan ang ‘mismatch’

National Artist Award para kay Eddie Garcia, isinusulong sa Kamara

Bilang komemorasyon sa ika-5 taong anibersaryo ng pagpanaw ng batikang aktor na si Eddie Garcia, itinutulak ni AGRI party-list Rep. Wilbert Lee na magawaran ito ng ‘National Artist Award’. Sa kaniyang House Resolution 1769, hinihiling sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP) na gawaran ng posthumous… Continue reading National Artist Award para kay Eddie Garcia, isinusulong sa Kamara

Iba’t ibang programa ng gobyerno sa Region 8, iniulat ni PBBM

Iprinesenta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga programa ng pamahalaan para sa mga residente ng Agusan at Surigao del Sur. Sa personal na pagbisita ng Pangulo sa dalawang nabanggit na lalawigan ngayong araw (June 20), binanggit ng Pangulo ang Cabadbaran-Puting Bato-Lanuza road project na halos 45% na aniyang nagagawa gayundin ang East-West lateral… Continue reading Iba’t ibang programa ng gobyerno sa Region 8, iniulat ni PBBM

DSWD, may nakalaan nang 1.54M food packs bilang paghahanda sa La Niña

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat itong stockpile para agad makatugon sa inaasahang epekto ng La Niña. Sa DSWD Forum, iniulat ni DSWD Special Assistant to the Secretary(SAS) for DRMG at concurrent Director of National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) Leo Quintilla na may nakahanda nang nasa 1.54… Continue reading DSWD, may nakalaan nang 1.54M food packs bilang paghahanda sa La Niña

Bagong missile-equipped gunboat, dumating sa Naval Forces Western Mindanao

Ipinagdiwang ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) ang pagdating ng kanilang bagong missile-equipped patrol boat na BRP Laurence Narag (PG-907) sa Ensign Majini Pier sa Bagong Calarian, Zamboanga City. Sa welcome ceremony noong Martes na pinangunahan ni Deputy Commander for Fleet Operations, Navy Captain Hilarion Cesista, kanyang sinabi na mahalaga ang BRP Laurence Narag para… Continue reading Bagong missile-equipped gunboat, dumating sa Naval Forces Western Mindanao

Rapid-Deployment Mobile Kitchen, nakatakdang ilunsad ng DSWD

Tinatarget ng Department of Social Welfare and Development na makapag-deploy ng mga mobile kitchen sa lahat ng rehiyon sa bansa para makatulong sa response efforts ng Kagawaran tuwing may kalamidad. Sa DSWD Forum, ibinahagi ni DRMG Usec. Diana Rose Cajipe na bukod sa mga naka-deploy nang Mobile Command Centers ay inihahanda na rin nila ang… Continue reading Rapid-Deployment Mobile Kitchen, nakatakdang ilunsad ng DSWD