Sec. Teodoro, nanindigang hindi dapat mabago ang tinatanggap na pensyon ng mga retiradong militar

Nananatili ang posisyon ni Defense Sec. Gibo Teodoro na hindi dapat magbago ang natatanggap na benepisyo ng mga retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines. Sa pagharap sa House Committee on Appropriations, nagpasalamat ito sa mga mambabatas sa pagpabor sa kanilang proposal na mapanatili ang kasalukuyang porma ng Military and Uniformed Personnel pension system.… Continue reading Sec. Teodoro, nanindigang hindi dapat mabago ang tinatanggap na pensyon ng mga retiradong militar

Lady solon, iminumungkahing pagtuunan ng pansin ang pagbibigay suporta sa mga mag-aaral ng kursong magdadala ng social at economic growth sa bansa

Para kay Senadora Pia Cayetano, kailangang patuloy na suportahan ang pagbibigay ng financial assistance sa mga estudyante sa pag-aaral sa kolehiyo. Ito ang posisyon ng senadora sa gitna ng mga pag-uusap tungkol sa pagrebyu ng ‘free higher education law’. Ayon kay Cayetano, nakikita naman niya ang merito ng posisyon nina Finance Secretary Benajmin Diokno at… Continue reading Lady solon, iminumungkahing pagtuunan ng pansin ang pagbibigay suporta sa mga mag-aaral ng kursong magdadala ng social at economic growth sa bansa

Mas mahigpit na parusa kontra sa pagbebenta ng mga rehistradong SIM, isinusulong ni Sen. Sherwin Gatchalian

Nais ni Senador Sherwin Gatchalian ng mas mabigat na parusa laban sa mga indibidwal na nagbebenta ng mga rehistradong Subscriber Identity Modules (SIM) na kalaunan ay ginagamit sa iba’t ibang aktibidad sa cybercrime. Ang panawagan ng senador ay kasunod ng isiniwalat ni National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division Chief Jeremy Lotoc na lantaran na… Continue reading Mas mahigpit na parusa kontra sa pagbebenta ng mga rehistradong SIM, isinusulong ni Sen. Sherwin Gatchalian

Mahigit 1,000 mag-aaral at guro sa Dumangas, Iloilo nakilahok sa 3rd quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Alas-dos ngayon hapon, sama-samang nag-duck, cover and hold ang mahigit isang libong mag-aaral at guro ng St. Agustine Catholic School sa bayan ng Dumangas, Iloilo sa isinagawang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill. Ang paaralan sa tulong ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Dumangas ang nagsilbing host sa isinagawang NSED sa Western Visayas.… Continue reading Mahigit 1,000 mag-aaral at guro sa Dumangas, Iloilo nakilahok sa 3rd quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na pinangunahan ng OCD Region 1 sa bayan ng Lingayen, Pangasinan, naging matagumpay

Naging matagumpay at makabuluhan ang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa ikatlong quarter ng 2023 na pinangunahan ng Office of the Civil Defense (OCD) Region I na ginanap kaninang hapon sa Lingayen Campus ng Pangasinan State University (PSU). Ang aktibidad ay personal na dinaluhan ni OCD Region I Director Gregory Cayetano kasama ang mga… Continue reading Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na pinangunahan ng OCD Region 1 sa bayan ng Lingayen, Pangasinan, naging matagumpay

DPWH, iprinesenta ang kanilang proposed 2024 budget sa House Appropriations Committee

Iprinesenta ngayong umaga ng Department of Public Works and Highways ang kanilang proposed 2024 budget sa House Appropriation Committee. Sa ilalim ng P5.768 trilyon na 2024 National Expenditure Program, nasa P822.2 bilyon ang inilaang pondo ng DBM sa DPWH. Bagaman nabawasan ng P72 bilyon mula sa budget na P894 bilyon ngayong 2023, ang kagawaran pa… Continue reading DPWH, iprinesenta ang kanilang proposed 2024 budget sa House Appropriations Committee

Suhestiyon na 5 taon na importasyon ng bigas mula Vietnam, welcome kay Pangulong Marcos Jr.

Welcome kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rekomendadong limang taong importasyon ng Pilipinas ng bigas mula sa Vietnam. Sa bilateral meeting ng Pangulo at ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh, iminungkahi ng Punong Ministro sa Pangulo ang nasabing hakbang at ang kikilos aniya dito ay ang kani- kanilang Ministries of Trade and Agriculture.… Continue reading Suhestiyon na 5 taon na importasyon ng bigas mula Vietnam, welcome kay Pangulong Marcos Jr.

Mga mambabatas, nais taasan ang pondo para sa MAIP program ng DOH

Ilang kongresista ang naghayag ng suporta para taasan ang pondo ng Medical Assistance to Indigent Patients o MAIP program ng DOH. Sa budget briefing ng DOH, isa lang si Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano sa mga mambabatas na humirit ng dagdag pondo para sa MAIP. Aniya, napakalaking tulong ng naturang programa para sa… Continue reading Mga mambabatas, nais taasan ang pondo para sa MAIP program ng DOH

Mas murang manok at itlog, inaasahan kasabay ng inisyatiba ni PBBM na makabili ng bakuna kontra avian flu

RAMOT HASHEVIM, ISRAEL - MARCH 14: Freshly-laid eggs are collected for delivery to the local packing plant at the Aronheim family's egg farm on March 14, 2008 in the farming community of Ramot Hashevim, central Israel. World food prices are soaring in the face of what some analysts are describing as a perfect storm of circumstances; increasing demand from developing economies in Asia, rising fuel prices, severe weather impacting recent harvests and an economic shift to biofuel production. All this leaves the consumer paying more for basic staples such as bread and milk and is likely to have its hardest impact on poorer nations. (Photo by David Silverman/Getty Images)

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makabili ng bakuna kontra avian flu bilang proteksyon sa poultry industry ng bansa at maiwasan ang pagtaas sa presyo ng manok at itlog. Kasunod ito ng pulong ni PBBM sa isa sa nangungunang Indonesian animal health firm na PT Vaksindo… Continue reading Mas murang manok at itlog, inaasahan kasabay ng inisyatiba ni PBBM na makabili ng bakuna kontra avian flu

Umano’y pagdukot sa dalawang aktibista sa Bataan, ‘fake news’ ayon sa militar

Binansagan ng militar bilang ‘fake news’ ang napaulat na pagdukot sa dalawang environmental activists sa Orion, Bataan. Sa isang statement, mariing kinondena ng 7th Infantry “Kaugnay” Division ng Philippine Army ang Karapatan-Central Luzon sa pagkakalat nila ng kasinungalingan tungkol sa umano’y pagdukot ng mga tauhan ng gobyerno kina Jonila Castro at Jhed Tamano noong Setyembre… Continue reading Umano’y pagdukot sa dalawang aktibista sa Bataan, ‘fake news’ ayon sa militar