DENR chief, nagtungo na sa Limay, Bataan para inspeksyunin ang nangyaring oil spill

Personal na nagtungo ngayon sa Limay, Bataan si Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga upang makapagsagawa ng inspeksyon sa nangyaring oil spill sa Lamao Point. Aalamin ng kalihim ang lawak ng pinsala sa kapaligiran ng pagtagas ng langis mula sa tumaob na motor tanker. Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)… Continue reading DENR chief, nagtungo na sa Limay, Bataan para inspeksyunin ang nangyaring oil spill

9 na suspek sa ‘vishing scam’ naaresto ng ACG sa kasagsagan ng bagyo

Hindi naging hadlang ang Bagyong Carina sa PNP Anti-Cybercrime Group para magsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng siyam na miyembro ng sindikato na sangkot sa “vishing scam” kagabi sa Cavite. Sa ulat ni ACG Acting Director Police Brig. General Ronnie Francis M. Cariaga, nagpatupad ang mga tauhan ng ACG Cyber Response Unit (CRU)… Continue reading 9 na suspek sa ‘vishing scam’ naaresto ng ACG sa kasagsagan ng bagyo

PBBM, inatasan ang DENR at DOST na i-assess ang sitwasyon ng oil spill mula sa lumubog na fuel tanker malapit sa Limay, Bataan

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng assessment kaugnay sa paglubog ng fuel tanker na may kargang 1,494 metriko tonelada ng langis malapit sa Limay, Bataan, kaninang ala- una ng madaling araw. Base sa ulat ng DOTr, tumagas na ang langis na dala dito.… Continue reading PBBM, inatasan ang DENR at DOST na i-assess ang sitwasyon ng oil spill mula sa lumubog na fuel tanker malapit sa Limay, Bataan

Higit 360k family food packs, naibaba na ng National Government sa mga LGU para sa mga sinalanta ng Bagyong Carina

Nakahanda na sa DSWD Field Offices at available na para sa mga lokal na pamahalaan ang 360,228 family food packs para sa mga sinalanta ng Bagyong Carina. Sa situation briefing na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong umaga (July 25), sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na pinakamarami sa mga ito ay inilaan… Continue reading Higit 360k family food packs, naibaba na ng National Government sa mga LGU para sa mga sinalanta ng Bagyong Carina

Pagsailalim ng buong Metro Manila sa state of calamity, pag- uusapan ng mga alkalde

Pag-uusapan ng mga alkalde sa National Capital Region kung kailangan na bang isailalim ang Metro Manila sa state of calamity. Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ambush interview kasunod ng pinangunahan nitong situational briefing sa NDRRMC. Ayon sa Pangulo, hindi naman maikakaila kung gaano din naapektuhan ng tuloy-tuloy na pag-ulan ang… Continue reading Pagsailalim ng buong Metro Manila sa state of calamity, pag- uusapan ng mga alkalde

Senado, nangakong patuloy na isusulong ang kalayaan at soberanya ng Pilipinas

Inihayag ni Senate President Chiz Escudero na mananatiling matatag ang Senado sa pagtatanggol sa kalayaan at soberanya ng Pilipinas. Kabilang ito sa mga nabanggit ni Escudero sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng sesyon ng third regular session ng Senado. Binigyang diin ni Escudero ang walang patid na pangako sa pagprotekta sa pambansang interes. Binigyang diin… Continue reading Senado, nangakong patuloy na isusulong ang kalayaan at soberanya ng Pilipinas

‘Agenda for Prosperity’ ng Marcos admin, tuloy-tuloy sa paggulong

On track ang Marcos administration sa agenda for prosperity nito sa ikatlong taon ng termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa Post-SONA forum, nanawagan si Budget Secretary Amenah Pagandaman sa lahat ng Pilipino na magtulungan upang mapanatili ang momentum na ito. “We remain on-track with our agenda for prosperity. Let us sustain this momentum.”… Continue reading ‘Agenda for Prosperity’ ng Marcos admin, tuloy-tuloy sa paggulong

Pilipinas, nangunguna sa budget transparency sa Asya sa ikatlong taon ng Marcos admin

Ipinagmalaki ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na numero uno ang Pilipinas sa budget transparency sa Asya sa pinakahuling Open Budget Survey. Sa Post-SONA briefing, sinabi ng kalihim na sa survey na ito, nakakuha ang Pilipinas ng score na 76 rate. Mas mataas sa target ng pamahalaan na 71 sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP).… Continue reading Pilipinas, nangunguna sa budget transparency sa Asya sa ikatlong taon ng Marcos admin

Pasok sa gov’t offices at public schools sa NCR, sinuspinde na ng Malacañang dahil sa Bagyong Carina

Sinuspinde na ng Malacañang ang pasok sa government offices at pampublikong paaralan sa Metro Manila dahil sa mga pag-ulan na dala ng Bagyong Carina. Epektibo ito simula alas-dos ngayong hapon (July 23, 2024). Base sa Memorandum Circular No. 57, ang mga tanggapan naman na mayroong kinalaman sa delivery ng basic services at disaster preparedness at… Continue reading Pasok sa gov’t offices at public schools sa NCR, sinuspinde na ng Malacañang dahil sa Bagyong Carina

Level up Kadiwa stores, asahan ayon sa DA

Tina-target ng Department of Agriculture na palakasin at paramihin pa ang Kadiwa stores sa bansa. Sa Post-SONA discussions kasama ang mga gabinete ng Marcos admin, sinabi ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na plano nilang makapagtayo ng permanenteng Kadiwa stores sa 1,500 sites sa susunod na tatlong taon para masilbihan na ang bawat munisipalidad… Continue reading Level up Kadiwa stores, asahan ayon sa DA