Level up Kadiwa stores, asahan ayon sa DA

Tina-target ng Department of Agriculture na palakasin at paramihin pa ang Kadiwa stores sa bansa. Sa Post-SONA discussions kasama ang mga gabinete ng Marcos admin, sinabi ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na plano nilang makapagtayo ng permanenteng Kadiwa stores sa 1,500 sites sa susunod na tatlong taon para masilbihan na ang bawat munisipalidad… Continue reading Level up Kadiwa stores, asahan ayon sa DA

DSWD Bicol, nagpaabot ng packed meals sa mga stranded na pasahero sa Pasacao Port

Nagpaabot ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol kahapon, July 22, 2024 ng packed meals para sa 97 na mga stranded na pasahero sa Pasacao Port na matatagpuan sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur. Ang mga pasahero ay na-stranded matapos makansela ang biyahe mula sa Pasacao Port patungo sa San Pascual, Burias, Masbate… Continue reading DSWD Bicol, nagpaabot ng packed meals sa mga stranded na pasahero sa Pasacao Port

Senate President Escudero, nais magkaroon ng diskusyon sa pagitan ng Senado at pribadong sektor kaugnay ng panukalang legislated wage hike

Bukas si Senate President Chiz Escudero na makipag-dayalogo sa pribadong sektor kaugnay ng panukalang legislated wage hike na naipasa na ng Mataas na Kapulungan. Ayon kay Escudero, suportado niya pa rin ang panukalang P100 legislated wage hike para sa lahat ng minimum wage earners sa pribadong sektor. Matatandaang inaprubahan na ng senador sa ikatlo at… Continue reading Senate President Escudero, nais magkaroon ng diskusyon sa pagitan ng Senado at pribadong sektor kaugnay ng panukalang legislated wage hike

Duty Free Philippines, magbibigay ng ekslusibong diskwento sa OFW party-list members

Lumagda sa isang kasunduan ang OFW party-list at Duty Free Philippines Corporation (DFPC) para magbigay ng exclusive discounts sa mga miyembro ng OFW party-list. Ito ay bilang pagkilala at pagtanaw sa ambag at serbisyo ng mga OFW. Sa ilalim ng kasunduan, sinabi ni OFW party-list Representative Marissa ‘Del Mar’ Magsino na bibigyan ng hanggang 15%… Continue reading Duty Free Philippines, magbibigay ng ekslusibong diskwento sa OFW party-list members

Konstruksyon ng Balagtas Station ng NSCR Project, 95% nang tapos

Halos tapos na ang konstruksyon ng Balagtas Station ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project. Sa inspeksyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista ngayong araw, ibinalita niyang 95% nang kumpleto ang istasyon at inaasahang matatapos ang paglalagay ng iba pang pasilidad sa unang bahagi ng 2025. Pinuri rin ni Secretary Bautista ang mga makabago at environment-friendly na… Continue reading Konstruksyon ng Balagtas Station ng NSCR Project, 95% nang tapos

Sen. Bong Revilla, tiwalang komprehensibong matatalakay ni PBBM sa kaniyang SONA ang mga plano para sa bansa

Positibo si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na kumpleto at komprehensibong maiuulat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation (SONA) ang mga nagawa ng kaniyang administrasyon para tugunan ang mga mahahalagang isyu ng bansa. Umaasa si Revilla na magiging kalakip din nito ang mga hakbang na gagawin pa ni Pangulong… Continue reading Sen. Bong Revilla, tiwalang komprehensibong matatalakay ni PBBM sa kaniyang SONA ang mga plano para sa bansa

Isang taong trial para sa P29 Rice Program, isinusulong ng DA

Nais ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. na palawigin ang trial period ng P29 Rice Program ng isang taon. Ito ay upang makakalap ng sapat na datos at masiguro ang mababang presyo ng bigas para sa mas maraming Pilipino, habang napapanatili ang kita ng mga magsasaka. Ayon kay Secretary Laurel,… Continue reading Isang taong trial para sa P29 Rice Program, isinusulong ng DA

79 na Chinese nationals, hawak ng NBI matapos salakayin ang isang factory Bulacan

Sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang isang factory sa San Jose del Monte, Bulacan na nagresulta sa pagkakahuli na nasa 79 na mga Chinese national. Ayon kay NBI Director Jaime A. Santiago, 36 sa mga Chinese national ay may kaukulang papeles, 23 ang may hawak na tourist visa, habang… Continue reading 79 na Chinese nationals, hawak ng NBI matapos salakayin ang isang factory Bulacan

Pagpapalakas ng local economy ng MIMAROPA, tinututukan na ng Marcos administration

Kaliwa’t kanang infra projects ang isinusulong ng Marcos administration sa MIMAROPA Region na layong palakasin ang ekonomiya ng rehiyon. Sa distribusyon ng Presidential Assistance sa Puerto Princesa, Palawan ngayong araw (July 18), sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi lamang sa social services nakatutok ang gobyerno. “Higit pa sa mga tulong at serbisyong… Continue reading Pagpapalakas ng local economy ng MIMAROPA, tinututukan na ng Marcos administration

BFAR-10, nakapagtala ng 10M metrikong tonelada ng asin sa loob ng 5 buwan sa panahon ng El Niño

Nakapagtala ng 10 milyong metrikong tonelada ng asin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region 10 sa loob ng limang buwan ngayong taon sa kabila ng naranasang El Niño kamakailan. Iniulat ito ni BFAR-10 Development of Salt Industry Project (DSIP) Regional Focal Person Mary Joy A. Tac-an sa programang Usapang Agrikultura nitong Huwebes, Hulyo… Continue reading BFAR-10, nakapagtala ng 10M metrikong tonelada ng asin sa loob ng 5 buwan sa panahon ng El Niño