Pagpapalalim ng strategic partnership ng Pilipinas at Vietnam, pinagtibay sa bilateral meeting nina Pangulong Marcos Jr. at PM Chinh

Photo courtesy of Presidential Communications Office Pinagtibay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh ang commitment na paigtingin pa ang strategic partnership sa pagitan ng dalawang bansa. Sa bilateral meeting sa pagitan ng dalawang lider, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na ang mga nagdaang pulong at opisyal na pag-uusap… Continue reading Pagpapalalim ng strategic partnership ng Pilipinas at Vietnam, pinagtibay sa bilateral meeting nina Pangulong Marcos Jr. at PM Chinh

Digitalisasyon at unified 911 system, kasama sa magiging prayoridad ni DILG Sec. Remulla

Inilatag na ng bagong talagang kalihim na si Sec. Jonvic Remulla ang ilan sa ipaprayoridad nito sa pamamahala sa Department of the Interior and Local Government. Ito matapos ang pakikipagpulong kay dating Sec. Benhur Abalos at pormal na pag-turnover sa kanya ng pamumuno ng DILG. Ayon kay Sec. Remulla, kasama sa itutulak nito ang structural… Continue reading Digitalisasyon at unified 911 system, kasama sa magiging prayoridad ni DILG Sec. Remulla

11 PDLs, nakapagtapos ng pag-aaral sa loob ng piitan

Ipinagmalaki ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang pagtatapos sa kolehiyo ng 11 Persons Deprived of Liberty. Natapos ng mga ito ang kanilang degree sa Bachelor of Science in Entrepreneurship. Kasabay nito ay nakapagtapos naman ng Senior High School ang 57 iba pang PDLs. Gagawin ang nasabing graduation mamayang alas-dos… Continue reading 11 PDLs, nakapagtapos ng pag-aaral sa loob ng piitan

Isa sa mga sinasabing co-incorporator ng POGO hub sa Bamban, Tarlac, sumuko sa NBI

Matapos ang naging pagdinig ng Senado kagabi (October 8), sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Merlie Joy Castro, isa sa mga kapwa akusado ni dating mayor Alice Guo sa kasong ‘qualified human trafficking’ kaugnay ng operasyon ng POGO hub sa Bamban, Tarlac. Sa kanyang pagharap sa Senate hearing, ipinahayag ni Castro ang pangamba… Continue reading Isa sa mga sinasabing co-incorporator ng POGO hub sa Bamban, Tarlac, sumuko sa NBI

Insidente ng pamamaril sa Shariff Aguak sa Maguindanao, itinuturing na ‘isolated case’ ng PNP

Itinuturing na isolated case ng Philippine National Police (PNP) ang nangyaring pamamaril sa Shariff Aguak sa Maguindanao na ikinasugat ng tatlong indibidwal. Ito’y sa kasagsagan ng paghahain ng Certificates of Candidacy (CoC) ng mga nagnanais tumakbo para sa Halalan 2025. Nabatid sa ulat ng Joint Task Force Central (JTF-Central) ng Armed Forces of the Philippines… Continue reading Insidente ng pamamaril sa Shariff Aguak sa Maguindanao, itinuturing na ‘isolated case’ ng PNP

Pagluwag ng mga piitan sa bansa, tuloy-tuloy sa ilalim ng Marcos admin

Nagpalaya muli ang Bureau of Corrections ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) kung saan mula August 31 hanggang kasalukuyan ay umabot na ang mga napalaya sa 740. Ayon sa BuCor, dahil dito ay aabot na sa 16,657 ang kabuuang bilang ng mga PDL na napalaya sa ilalim ng Marcos administration. Kabilang dito ang 45 PDL… Continue reading Pagluwag ng mga piitan sa bansa, tuloy-tuloy sa ilalim ng Marcos admin

‘TESDABest’ 8-point agenda, inilatag ng bagong TESDA chief

Naglatag ng kanyang 8-point agenda si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General, Secretary Jose Francisco “Kiko” Benitez kung saan tinawag niya itong “TESDABest” plan. Ang naturang plano ay naglalaman ng kanyang eight-point agenda na kinabibilangan ng: *Access to technical vocational education training o TVET; *Behavior and mindset change; *Competency standards and TRs… Continue reading ‘TESDABest’ 8-point agenda, inilatag ng bagong TESDA chief

Pamahalaan, ibinigay ang lahat ng legal assistance sa Pilipinong binitay sa Saudi; tulong sa naulilang pamilya, tiniyak

Siniguro ng Department of Migrant Workers (DMW) na ipaaabot ng pamahalaan ang lahat ng tulong na kakailanganin ng pamilya ng Pilipinong binitay sa Saudi Arabia, makaraang makapatay ng isang Saudi national. Sa ambush interview sa Villamor Airbase, sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na mahigpit na ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa DFA para rito.… Continue reading Pamahalaan, ibinigay ang lahat ng legal assistance sa Pilipinong binitay sa Saudi; tulong sa naulilang pamilya, tiniyak

HPV vaccine school-based immunization, umarangkada sa Toro Hills Elementary School

Katuwang ang Department of Health ay sinimulan na ring iikot sa mga paaralan sa Quezon City ang ‘Bakuna Eskwela’ o School Based-Immunization Program. Kabilang dito ang school-based immunization laban sa Human Papillomavirus (HPV) na ikinasa sa Toro Hills Elementary School. Pinangunahan ito ng Quezon City Health Department kung saan nakiisa sina QC District 1 Coun.… Continue reading HPV vaccine school-based immunization, umarangkada sa Toro Hills Elementary School

Pangulong Marcos, biyaheng Laos; interes ng Pilipinas at iba pang usapin sa rehiyon, tatalakayin

Makikibahagi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-44 at 45 ASEAN Summit sa Vientiane, Lao, simula October 8 hanggang 11, kung saan bubuksan ng Pangulo ang ilang regional at international issues. “This is at the invitation of the Prime Minister of the Lao PDR, Prime Minister Sonexay Siphandone. And this year’s ASEAN Chair’s theme would… Continue reading Pangulong Marcos, biyaheng Laos; interes ng Pilipinas at iba pang usapin sa rehiyon, tatalakayin