Pilipinong nakulong sa Syria, naiuwi na ng Pilipinas

Nakabalik na sa bansa ang isang Filipino national matapos palayain mula sa Central Prison of Adra for Women sa Damascus, Syria. Ito ay matapos maglabas ang specialized criminal court ng Damascus ng order na pakawalan ang nasabing Filipino national at ibigay sa kamay ng mga awtoridad sa Pilipinas matapos alisin ng may sakdal ang kanilang… Continue reading Pilipinong nakulong sa Syria, naiuwi na ng Pilipinas

Tourism Sec. Christina Frasco, nahalal na pangalawang pangulo ng UNWTO

Inihalal bilang Vice President ng 25th General Assembly ng United Nations World Tourism Organization si Tourism Sec. Ma. Christina Frasco. Muling nakuha ng Pilipinas ang nasabing posisyon sa loob ng 24 na taon na huling hinawakan noong 1999. Isinagawa ang eleksyon sa ika-55 pagpupulong ng UN World Tourism Organization Regional Commission for East Asia and… Continue reading Tourism Sec. Christina Frasco, nahalal na pangalawang pangulo ng UNWTO

DepEd, pinag-iingat ang mga paaralan at komunidad laban sa dengue ngayong tag-ulan

Patuloy ang paalala ng Department of Education o DepEd sa mga paaralan at komunidad upang makaiwas sa sakit na dengue. Ayon sa DepEd, bagamat itinuturing nang year-long ang transmission ng dengue, mas mataas pa rin ang naitatalang kaso nito tuwing panahon ng tag-ulan dahil mas dumadami ang breeding areas ng mga lamok na may dalang… Continue reading DepEd, pinag-iingat ang mga paaralan at komunidad laban sa dengue ngayong tag-ulan

DSWD, planong maglunsad ng nationwide nutrition intervention program

Para matugunan ang problema ng malnutrisyon sa bansa, pinaplano ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maglunsad ng isang nationwide nutrition intervention program. Natalakay na ito sa isinagawang pulong sa pagitan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at Children’s First One Thousand Days Coalition (CFDC) head Joey Lina kasama sila Department of the… Continue reading DSWD, planong maglunsad ng nationwide nutrition intervention program

Sen. JV Ejercito, suportado ang resolusyong idulog sa UN ang patuloy ng panggigipit ng China sa WPS

Suportado ni Senador JV Ejercito ang resolusyon ni Senadora Risa Hontiveros na humihikayat sa gobyerno na idulog na sa United Nations General Assembly (UNGA) ang patuloy na pangha-harass ng China sa bahagi ng West Philippine Sea. Ayon kay Ejercito, lumilitaw na nagiging regular na ang panggigipit o pangha-harass ng mga tropa ng China sa mga… Continue reading Sen. JV Ejercito, suportado ang resolusyong idulog sa UN ang patuloy ng panggigipit ng China sa WPS

Planong pagbibigay ng temporary license sa unlicensed nursing grads, short term solution lang — Sen. Pimentel

Para kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, ang panukalang payagan ang mga non-board passer na makapagtrabaho sa mga public hospital at bigyan sila ng temporary license ay short term solution lamang. Ang totoo aniyang dahilan ng pag-alis sa bansa ng ating mga nurse ay ang alok na mas mataas na pasahod para sa mga nurse… Continue reading Planong pagbibigay ng temporary license sa unlicensed nursing grads, short term solution lang — Sen. Pimentel

“Serbisyo Caravan” isinagawa ng PRO-MIMAROPA, PAGCOR at LGU ng Bongabong, Oriental Mindoro

Matagumpay na nagsagawa ng “Serbisyo Caravan” ang Police Regional Office (PRO) Mimaropa, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at lokal na pamahalaan ng Bongabong, Oriental Mindoro kahapon. Ang aktibidad ay nakapag-serbisyo sa 500 pamilya sa Brgy. Sta. Cruz ng naturang bayan, kung saan tumanggap ang mga ito ng mga food pack at libreng serbisyo mula… Continue reading “Serbisyo Caravan” isinagawa ng PRO-MIMAROPA, PAGCOR at LGU ng Bongabong, Oriental Mindoro

Mga LGU, pinatutulong sa pagbuo ng database ng mga senior citizen

Hiniling ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa mga lokal na pamahalaan na tulungan ang DSWD at National Commission of Senior Citizens sa pagbuo ng database ng mga senior citizen sa bansa. Ayon sa mambabatas, malaki ang maitutulong ng naturang database sa pagbuo ng mga polisiya para sa kapakanan ng mga senior citizen. Halimbawa na… Continue reading Mga LGU, pinatutulong sa pagbuo ng database ng mga senior citizen

Bulkang Mayon, nakapagtala na ng higit 3,000 rockfall events at 63 PDCS mula June 1

Patuloy pa rin sa pag-aalburoto ang Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay. Sa datos ng PHIVOLCS, umakyat na sa 3,428 Rockfall events ang na-monitor ng Mayon Volcano Network mula June 1 hanggang June 20. Bukod dito, aabot na rin sa 63 pyroclastic density events ang naitala o pag-agos ng iba’t ibang piraso ng volcanic materials… Continue reading Bulkang Mayon, nakapagtala na ng higit 3,000 rockfall events at 63 PDCS mula June 1

“No Peace Talks” sa liderato ng CPP-NPA-NDF ni DND Sec. Teodoro, suportado ng lalawigan ng Quezon

Nagpahayag ng suporta sa posisyon ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na “no peace talks” sa liderato ng CPP-NPA-NDF si Quezon Provincial Governor Angelina “Helen” de Luna Tan. Ang pahayag ay ginawa ng gobernadora sa lingguhang press conference ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) “Tagged reloaded:… Continue reading “No Peace Talks” sa liderato ng CPP-NPA-NDF ni DND Sec. Teodoro, suportado ng lalawigan ng Quezon