PBBM, biyaheng Brunei at Singapore sa susunod na linggo

Tutungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Brunei sa May 28 at 29, para sa kauna-unahang state visit ng Pangulo, kasabay ng selebrasyon ng ika-40 taong Balikatan ng Brunei at Pilipinas. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi DFA Spokesperson Tess Daza na sa pagbisitang ito, makakapulong ng Pangulo si Sultan Hassanal Bolkiah. Isinasapinal na… Continue reading PBBM, biyaheng Brunei at Singapore sa susunod na linggo

Party-list solon, isusulong ang P1,000 buwanang pinansyal na tulong sa PWDs

Target ni Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred delos Santos na makapagbigay ng buwanang tulong pinansyal para sa mga lehitimong Persons with Disability. Sinabi ito ng mambabatas kasabay ng pagpapaabot ng grocery packs at wheelchair sa may 100 PWD sa Quezon City. Ayon kay Delos Santos, ta-trabahuin nila sa Kongreso na mabigyan ng P1,000 na buwanang… Continue reading Party-list solon, isusulong ang P1,000 buwanang pinansyal na tulong sa PWDs

Taguig Love Caravan, pinakinabangan ng daan-daang Taguigeño

Matagumpay na naidaos ng Taguig Medical Assistance Office ang Taguig Love Caravan sa Brgy. New Lower Bicutan at Brgy. Tanyag partikular sa Bayan Street, Takhuway Association Open Space at Dimson Open Court. Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig, naging misyon na nito ang maghatid ng serbisyong medikal at dental, pati na rin wellness programs sa… Continue reading Taguig Love Caravan, pinakinabangan ng daan-daang Taguigeño

Mga transport infra project sa Luzon corridor, malaking tulong sa paglago ng ekonomiya sa lugar — DOTr

Inihayag ng Department of Transportation na malaking tulong ang mga flagship transport project tulad ng Subic-Clark-Manila-Batangas (SCMB) Railway at North-South Commuter Railway (NSCR) – New Clark City Extension sa paglago ng ekonomiya sa Luzon. Ito ang sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa ginanap na Philippine Business Mission ng US-ASEAN Business Council. Ayon kay Secretary… Continue reading Mga transport infra project sa Luzon corridor, malaking tulong sa paglago ng ekonomiya sa lugar — DOTr

Senado, pag-aaralan ang pagbuo ng batas para maging komisyon na lang ang PAGCOR

Iminumungkahi ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na makapagsulong ng batas para malimitahan na lang sa regulatory function ang PAGCOR. Ayon kay Escudero, dapat nang alisin sa PAGCOR ang kapangyarihan na mag-operate ng mga nasa gaming industry. Pinunto ng senador sa ngayon kasi ay kapwa regulatory at supervisory ang kapangyarihan ni PAGCOR. Sinabi ng Senate… Continue reading Senado, pag-aaralan ang pagbuo ng batas para maging komisyon na lang ang PAGCOR

Mindanao solon, umaasang agad maipatutupad ng MCB ang pamamahagi ng benepisyo sa mga biktima ng Marawi siege

Umaasa si Lanao Del Norte Rep. Khalid Dimaporo na gagawin ng Marawi Compensation Board ang kanilang trabaho na maipagkaloob ang benepisyo sa mga biktima ng Marawi Siege. Ayon kay Dimaporo, nakakalungkot aniya na nasa 10 porsyento pa lamang ng kanilang budget ang kanilang na-utilize sa ngayon. Aniya, ngayong darating na budget season hindi niya aasahan… Continue reading Mindanao solon, umaasang agad maipatutupad ng MCB ang pamamahagi ng benepisyo sa mga biktima ng Marawi siege

Pamahalaan, pinapayuhan ang publiko na magpakonsulta sa doktor, sakaling tumagal ng limang araw ang respiratory illness

Inirerekomenda ng Department of Health (DOH) na kumonsulta sa doktor sakaling tumagal ng limang araw ang nararamdamang respiratory illness. Pahayag ito ni Health Secretary Ted Herbosa sa harap ito ng transisyon ng panahon kung saan talamak ang seasonal flu. “If your respiratory symptoms are not clearing up in five days, time to consult with a… Continue reading Pamahalaan, pinapayuhan ang publiko na magpakonsulta sa doktor, sakaling tumagal ng limang araw ang respiratory illness

Panukalang palawakin ang Agarwood industry, inihain sa Kamara

Naghain si Agri Partylist Rep. Wilbert Lee ng panukalang batas na magbubukas ng oportunidad sa Agarwood industry. Ayon kay Lee, layon ng hakbang na makalikha ng umaabot sa 30,000 na trabaho at livelihood opportunity sa bansa. Ang House Bill No. 10320 o “Agarwood Industry Development Act” ay malaking tulong sa mga kababayan na kumita sa… Continue reading Panukalang palawakin ang Agarwood industry, inihain sa Kamara

Whole-of-gov’t approach sa pagtugon sa La Niña, ipinag-utos ni Pangulong Marcos

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtutulungan ng lahat ng tanggapan ng pamahalaan at mga LGU, na sama-samang paghandaan ang pagpasok ng La Niña sa bansa. Sa distribusyon ng financial assistance sa Maguindanao del Sur, sinabi ng Pangulo na inaasahan na ang paghupa ng matinding init sa bansa, kasabay ng pagpasok ng tag-ulan.… Continue reading Whole-of-gov’t approach sa pagtugon sa La Niña, ipinag-utos ni Pangulong Marcos

SSS, mas pinalawak ang serbisyo para sa mga manggagawa sa Batangas

Pinalawak na ng Social Security System (SSS) ang kanilang mga serbisyo para sa mga manggagawa sa Batangas. Hindi na kailangang lumayo para sa mga transaksyon sa SSS dahil may mga bagong e-center na sa Lima Industrial Park at Lipa City Hall. Ayon kay SSS President at CEO Rolando Ledesma Macasaet, layon nitong mas mapalapit ang… Continue reading SSS, mas pinalawak ang serbisyo para sa mga manggagawa sa Batangas