Isang Pinoy na sakay ng Singapore Airlines, nakatakdang operahan matapos magtamo ng bali sa leeg at back injury

Patuloy na mino-monitor ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kalagayan ng limang mga Pilipinong pasahero na nasaktan matapos mag-emergency landing ang Singapore Airlines flight SQ-321 sa Bangkok, Thailand noong Martes. Ayon sa DMW, ang isang OFW na nakabase sa Singapore ay nagtamo ng bali sa leeg at injury sa likod, ay nakatakdang operahan ngayong… Continue reading Isang Pinoy na sakay ng Singapore Airlines, nakatakdang operahan matapos magtamo ng bali sa leeg at back injury

Mga panukalang batas na malabong makapasa sa Kongreso, hindi na pag-aaksayahan ng panahon ng Senado

Iginiit ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na hindi pag-aaksayahan ng panahon ng Mataas na Kapulungan ang mga panukalang batas na hindi naman maisasabatas. Sa ngayon ay hindi pa masabi ng bagong upong senate president ang mga magiging priority bills ng Mataas na Kapulungan sa ilalim ng bagong liderato dahil pinag-aaralan pa aniya nila ito.… Continue reading Mga panukalang batas na malabong makapasa sa Kongreso, hindi na pag-aaksayahan ng panahon ng Senado

Proteksyon ng mga magsasaka, matitiyak sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Bill

Ikinagalak ni Senador JV Ejercito ang pagratipika ng Senado sa Bicameral Conference Committee Report ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Bill. Sa huling araw ng sesyon kahapon ay iprinesenta ni Senate Committee on Agriculture Chairperson Senadora Cynthia Villar ang napagkasundong bersyon ng Senate Bill 2432 at ng House Bill 3915 at saka ito naratipikahan. Ayon kay Ejercito,… Continue reading Proteksyon ng mga magsasaka, matitiyak sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Bill

Senate President Escudero at House Speaker Romualdez, nakatakdang mag-usap tungkol sa magiging relasyon ng dalawang kapulungan

Inaasahang sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng pagpupulong sina bagong Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero at House Speaker Martin Romualdez tungkol sa magiging relasyon ng Senado at Kamara sa ilalim ng bagong senate leadership. Kabilang sa inaasahang mapag-uusapan sa magiging pagpupulong na ito ay ang isinusulong na pag-amyenda sa economic provision ng Saligang… Continue reading Senate President Escudero at House Speaker Romualdez, nakatakdang mag-usap tungkol sa magiging relasyon ng dalawang kapulungan

Ilang lugar sa Lungsod ng Makati, magkakaroon ng power interruptions

Naglabas ng paalala ang Makati LGU sa mga residente na magkakaroon ng power interruption sa ilang barangay sa kanilang lungsod. Base sa social media post ng Makati LGU, inaasahang magkakaron ng brown out bukas, May 24, araw ng Biyernes sa Barangay Dasmarinas. Sa bahagi ng Palm Ave., posibleng tumagal ito mula 8:00 AM hanggang 1:00… Continue reading Ilang lugar sa Lungsod ng Makati, magkakaroon ng power interruptions

Pagtataas ng sweldo ng mga dentista sa gov’t health institutions sa bansa, inaaral na

Nakatutok na rin ang Marcos administration sa dental health ng mga Pilipino. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na pinaaaral na niya ang posibilidad na maitaas ang sweldo ng mga dentista sa mga pampublikong health facility na inaasahang magre-resulta sa pagbubukas ng mas maraming item o permanent position para sa… Continue reading Pagtataas ng sweldo ng mga dentista sa gov’t health institutions sa bansa, inaaral na

PRA, suportado ang rekomendasyon ng isang mambabatas hinggil sa reklamasyon sa Manila Bay

Nagpahayag ang Philippine Reclamation Authority (PRA) ng suporta sa naging rekomendasyon ni House Ways and Means Committee Chairperson Rep. Joey Salceda hinggil sa land reclamation project sa Manila Bay. Ayon kasi kay Salceda may potensyal ang land reclamation projects sa Manila Bay bilang ‘critical fiscal lifeline’ para sa pambansang ekonomiya. Sinabi naman ni PRA Chairperson… Continue reading PRA, suportado ang rekomendasyon ng isang mambabatas hinggil sa reklamasyon sa Manila Bay

Flava, guilty sa paglabag sa Vape Law — DTI

Kinumpirma ng Department of Trade and Industry na guilty sa paglabag sa Vape Law ang Flava Corporation at isang Lilac Sison Tayaban na nag-ooperate sa ilalim ng business name na “Lilacs Vape Shop”. Ayon sa DTI, pinatawan ang nasabing negosyo ng administrative fine na P100,000 matapos ang desisyon sa Administrative Case No. FC 2024-305. Napatunayan… Continue reading Flava, guilty sa paglabag sa Vape Law — DTI

Navotas LGU, muling binuksan ang online application para sa TUPAD program

Bukas na para sa mga naghahanap ng trabaho ang Batch 4 Online Application ng TUPAD program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas. Sa abiso ng LGU, bawat barangay ay may nakalaang bilang ng slots base sa populasyon. Paalala ng LGU na isang aplikante lang sa bawat pamilya ang pwede… Continue reading Navotas LGU, muling binuksan ang online application para sa TUPAD program

Party-list solon, kinuwestyon ang kawalang aksyon ng Duterte admin para itama ang status quo sa Panatag Shoal

Ikinagulat ni 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez na walang ginawang aksyon ang administrasyong Duterte para itama ang sinasabing ‘status quo’ sa Panatag Shoal. Sa naging pagdinig ng Kamara ukol sa umano’y gentleman’s agreement na pinasok ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at China, sinabi ng dating miyembro ng gabinete ng nakaraang administrasyon na walang anumang kasunduan… Continue reading Party-list solon, kinuwestyon ang kawalang aksyon ng Duterte admin para itama ang status quo sa Panatag Shoal